Chapter 4

96 1 0
                                    

Chapter 4

Sana

NAKALAGAY ngayon sa kaliwang dibdib namin ang mga kamay namin. Flag ceremony ngayon dahil Wednesday.

MWF ang flag ceremony dito sa UA. Minsan ay Monday lang o kay Friday dahil nga sa sobrang konting uma-attend tuwing Flag ceremony.

Paano ba naman? 30 minutes para sa Flag ceremony, pero nagiging 1 and a half hour dahil hinaluan pa ng ESP at matinding speech ng Principal.

Akala ko pa 'man din ay nakaligtas na ako sa Principal sa dati kong school, 'yun pala hindi pa. Pero buti naman at isa't kalahating oras lang ang Flag Ceremony namin. Sa former kasi, mahigit dalawang oras. Kasama pa kasi 'yung mga pagpunished sa mga late na juniors.

Kumunot ang noo ko nang magbulungan ang mga nasa likod ko na babae. Kabilang section sila at sobrang lakas nang pagbulong nila kahit napakalakas ng pagpatunog sa National Anthem.

"Oo nga, sabi ko nga sa 'yo." Aniya noong babae na hula ko ay isa 'yon sa mga maiingay sa computer lab 'pag dumadako kami doon.

"Eh, talaga? For how many years na naghintay ako dito sa UA, ngayon lang talaga kung kailan na ako patapos?!"

Ahead ata itong mga 'to sa akin. Napapansin ko kasi sila sa building na ng mga college.

"Saang building siya, 'te?!" rinig kong tuluyan ng tili ng ibang babae dito sa gilid ko. Tuluyan na kasing tapos ang paglu-lupang hinirang namin.

Tumili at humalakhak naman ang babaeng nag-umpisa nang topic, "hindi pa ako sure eh. Pero balita ko, sa 4th floor siya."

"Saan building?"

"Dunno," sabi no'ng babae at hindi na nasundan 'yon dahil pinatugtog na ang para sa morning exercise namin.

Ako lang ba ang nawi-weirduhan sa mga ganitong kakemehan? Nakasuot kami ng uniform ngayon dahil nga it must. Pero twing Tuesday, Thursday and Friday, pwede kaming mag-outside dress lalo na sa Friday 'pag hindi naman namin PE.

Mabilis lang natapos ang Flag ceremony namin at bumalik na kami sa kanya-kanya naming mga Classroom.

Maraming napapastop sa building namin at magtitilian na lang bigla. Meron din namang hindi naman taga dito sa building namin, pero makikipag-unahan sa pag-akyat.

Ang weirdo nang mga college na babae. Seryoso ba sila sa mga ganyang gawain nila? Daig pa 'kong highschool, ah.

"Grabe, kilala niyo ba 'yung usapan ngayon sa Campus? Sobrang ingay na nang usapan na 'yan, kauma-umaga." Talak sa akin noong bakla kong kaklase.

Katapat ko kasi siya ng upuan at madaldal talaga ang isang 'to. May katabi naman akong isang babae na mukhang inosente at hindi pala kibo.

"Hindi. Sino ba 'yon?" Tanong ni Milana. 'Yung katabi ko.

"Gaga ka ba?" Tsaka umirap siya. "Hindi mo ba talaga siya kilala? Nagjunior ka sa Saint Paul, 'di ba?!"

Kumunot ang noo ko at mas lalong nakinig. Saint Paul? School ko 'yan, noon. Pero anong mayroon sa Saint Paul?

"Oo." Mahinhing sabi ni Milana.

"Ano bang mayroon sa Saint Paul?" Tanong ko. Nacu-curious na 'ko. Biglaan na lang kasing umatake ang pagkatsimosa at pagiging maintriga ko.

"Ay, mga shunga kayong babae." Dismayang ani niya at inipit ang buhok niyang hindi ko alam kung nadadaanan ba ito ng conditioner, o ano.

"Halos nga lahat ng mga babae dito pati feeling babae, eh alam ang tungkol sa Captain ball ng Saint Paul ta's kayo hindi?!" Mataray na sabi niya at inirapan kami. "Hay, nako. Ang shunga niyong dalawa."

"C-captain ball?"

Biglang nagtatalon ang puso ko at hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit ganito. Hindi naman ako sigurado kung si Cohle ba talaga 'yon o sino man.

"Yap! At ang usapan pa ay sobrang gwapo at hot niya. Alam ko, nakita ko na dati 'yon. Ano kasing pangalan no'n?" Tumingin pa siya sa taas at parang problemado dahil hindi niya maalala. "Hindi ko alam kung paano basahin, eh. Pero nakita ko na siya noong minsanh pumunta siya dito."

"C-cohle ba ang pangalan?" Nabubulol na tanong ko. "Anong mayroon sa kanya?"

"Ay, hindi ko nga alam ang pangalan eh! Pangalan lang 'yung nakita ko, pero hindi ko alam basahin! Nakita ko lang doon sa inorder niyang frappe." Kuminang ang mga mata niya, "Ang alam-"

"Mind to share your business there?"

Napatalon sa kinauupuan si Milana nang magsalita ang teacher namin. Pati ako ay nagulat din sa biglaang pagsasalita niya. Hindi ko man lang naramdaman.

Siguro sa sobrang focus ko sa dalang chika kaya ganito. Pero diba, Astrid... goodbye na? Ba't inaalam ko pa kasi, 'di ba?

Nasapok ko ang sarili ko at napapikit.

"Sorry, Ma'am." Rinig kong ani ng baklang kaklase ko.

Minulat ko na lang ang mga mata ko at tinaggal sa akin isipan ang araw narejected ako. Nakakahiya! Sana hindi na kami magkita ni Cohle.

Kasi kung nagkataon, nakakahiya!

Hayy.

Hindi. Ang tanga ko naman, nakalimutan kong nasa US na pala si Cohle ngayon.

The Sensation Of Being Drown (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon