Chapter 3

131 2 0
                                    

Chapter 3

US

NAKA-UPO ako ngayon sa sofa at dinadama ang katamlayan ng buhay ko. Ilang weeks na ba 'kong dry at walang magawa sa buhay?

1 week? Nah! 2 weeks na 'kong nganga, walang magawa sa bahay at boring na boring dito.

Napakunot ang noo ko nang biglang magring ang phone ko. Sinilip ko ito na nakalapag sa center table at sinagot nang si Yackie iyon.

"Hay! Sa wakas naman at tumaway ka na, Yacks. Sobrang boring ko na!" Pambungad ko't pinatay ang TV.

Nanonood kasi ako kanina ng Disney movies. Wala eh, gano'n talaga 'pag boring. Kung ano na lang ang makalkal sa TV.

"Wow, ha. Buksan mo nga messenger mo, video call tayo." Aniya at biglang pinatay ang tawag.

Ngumuso muna ako tsaka sinindihan na lang ang bluetooth speaker na nasa gilid ko. Kailangan ko 'tong gamitin, para naman hindi sayang ang battery, ha-ha.

Binuksan ko kaagad ang wifi connection ko tsaka pinuntahan ang messenger. Unang-una sa chatbox ko ay ang mga walang kwentang group chat, kaya sobrang ingay tuloy ng speaker.

12 - Pretty SY, 2018 - 2019
Milana Young, Jerry Chan, and 12 others...

Monica Galang
Hi GuyyZes, I created this group for our section! I know, we are all pretty. But I'm prettier!

Johnny Carlos
You're prettier, but I'm prettiest! (Bleh emoticon)

NoEmiE Boezhmoez Cruz
Sinong buset na nag-add sa akin dito?!! (Angry emoticon)

Johnny Carlos
Ur so OA, Noemi. As you can see, si Monica ang nag-aad sa iyo. Dalawang chats pa lang, ang OA mo na. 'Sing OA nang Boezh mo.

Milana Young
Para saang subject 'to?

. . .

Puro nonsense ang convo nila, pero I chose not to leave. Pampatanggal stress din 'yon.

Sinagot ko kaagad ang tawag ni Yackie nang magflash ito sa screen. Nakasuot siya ng yellow na T-shirt, pero bagay ito sa kanya dahil maputi siya. Nakabraid na naman ito. 'Yung usually'ng style nang buhok niya.

"Bakit ganyan ang itsyura mo?" She suddenly asked at mas lalo pang nilapit ang mukha sa camera.

Inirapan ko lang siya tsaka kilakal ang bagong updated na messenger. May sticker na pala ito, ngayon ko lang nalaman.

"Tungkol pa la kay Cohle," sabi ni Yackie at naghanap na din ng magandang sticker.

Kumunot ang noo ko, pero nanatili akong nakikinig. "Anong meron?"

"Sadyang malas ata ang pag-amin mo sa kanya o talagang kinakarma lang siya sa pangrerejected sa iyo?"

Tumaas ang isa kong kilay, "Ha? Hindi kota maintindihan. Tsaka pwede ba, 'wag mong masyadong ilapit 'yang mukha mo sa camera? It's kinda disgusting, you know," mapang-asar na sabi ko sa kanya. Trying to change the topic.

Inirapan lang niya ako, "whatever." Aniya at sinunod nga ang sinabi kong paglayo ng mukha niya sa camera. "I think you're such a bad luck to him, Ast. Kasi imbis na swertehin siya because may humahanga sa kanya, mas minalas pa siya. Is it not good, 'di ba? 'Yung malaman mong may nagkakagusto sa iyo, even you're not pleasing her or him? Masaya sa pakiramdam 'yon, isn't?"

Oo, masaya nga iyon sa pakiramdam. Syempre, kahit sabihin na nating hindi natin gusto (in a romantic way) 'yung nagkakagusto sa 'tin. Masarap pa rin sa pakiramdam na may nagmamahal pala sa iyo, kahit 'di mo alam.

"So, anong point mo nga?" Tanong ko. Saan-saan na napupunta 'yung usapan eh.

Lumaki ang mga mata niya't napahawak sa sintido, "'Di ka talaga, updated?! Wew! Impossible. Si Cohle, minalas dahil sa iyo, I guess. Kasi kinabukasan nang pag-amin mo sa kanya, kumalat sa school na may tsansang hindi na siya ang magcaptain ball. Kasi noong Monday may bagong captain ball na inannounce 'yung coach nila, eh."

"Ha? Papaanong?"

"Hindi ko din alam. Tapos kanina, napadaan ako sa court at guess what? Wala si Cohle do'n, first time ever!" Sumimangot siya, "Ang sabi naman ng mga ibang gossip, tinanggap na daw ni Cohle 'yung matagal nang offer sa kanya sa US."

"US?"

"Oo, sabi rin ng mga classmate ko." Ngumisi siya, "Pero I've changed my mind, siguro hindi rin 'yon bad luck para sa kanya. Kasi mas siguradong maganda ang school na 'yon keysa dito sa Saint Paul. At libre pa siya doon, may chance pa siyang sumikat at mas lalong madiscover 'yung talent niya."

"Y-yeah."

Nagningning ang mga mata niya, "At alam mo ba?! Ang gwapo nu'ng bagong captain ball! Crush ko siya simula last week." Aniya. "Pero sayang, he's 3 years older than us. Sa tingin ko, wala akong chance dahil siguradong matured 'yon at mas mauuna pang mapansin ang mga kaklase niya keysa sa akin."

Hindi ko na maintindihan ang ibang sinasabi ni Yackie, natigil na kasi sa 'pag loading ang utak ko. Si Cohle? Sa US?

Sa tingin ko naman ay, maayos 'yon at ikakabuti niya 'yon. Imagined, US?

I'll just hope na magsucceed siya sa life niya, para sa future namin- ooops, joke. Sana magsucceed siya kahit hindi siya nagsucceed sa lovelife dahil nang by pass siya ng forever niya. Charot.

Basta, even he rejected me and he didn't like me back, okay lang. Atleast, naging inspiration ko siya noong mga panahong tinatamad ako sa pagpasok.

Ganoon naman talaga, 'di ba? Sinisipag ka talaga sa pag-aaral at pagpasok dahil sa inspirasyon mo. Katulad ko, sinisipag ako sa pagpasok at pag-aaral dahil kay Cohle. Ayaw ko kasing mapahiya sa kanya, dahil compare sa intelligence niya ay walang-wala ako. May talent pa siya at bukod sa basketball, he can play guitar.

Bakit ko alam? Syempre nalaman ko. Ako pa ba, I always sat on the bench infront of them tuwing breaktime. At dahil mahilig nga kami ni Yackie, nakikipanood kami sa ginagawa nila.

Minsan may hawak na guitara si Cohle, pero hanggang kalabit lang siya sa strings noon dahil 'di ko man siya nakikitang kumakanta. 'Yung mga kasama lang niya 'yung kumakanta at siya 'yung tumutugtog.

At siguro, tama nga si Yackie. Hindi rin masama 'yung pag-amin ko sa kanya.

Tumunog bigla nang sunod-sunod ang phone ko. Tiningnan ko iyon at puro notification galing sa mga social medias na meron ako, halos ay sa Facebook.

"Wait lang, ha?" Aniya ko at pinuntahan ang Facebook at pinatay muna ang tawag.

Puro sa notifications talaga at konting friend request lang.

Tiningnan ko muna 'yung friend request at nag-accept ng mga kaklase. Sunod ko namang tiningnan ang notifications at puro 'yon sa mga group pages at doon sa group ng Saint Paul.

Pinindot ko isa-isa at napanganga ako sa lahat ng mga posts doon.

Mika Domingo
Goodbye, Fafa Cohle. We will miss you, specially me :( Wala na akong crush sa Saint Paul, huhuhu.

Anna Siampao
August Cohle Monterez, I love you poooo. Ingat sa US :)

Violet Hernandez
Hey, baby August Cohle Monterez. I'll gonna miss you. <3

> Reply - August Cohle Monterez
Hey, haha.

Nag-init kaagad ang dugo ko nang makitang nireplyan niya si Violet. Hindi na 'ko tumingin pa sa mga ibang posts at tamad na umalis sa Facebook.

Argh, did he really replied on that Violet? Ugh, my dearest enemy ever. Nakakabanas.

The Sensation Of Being Drown (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon