First of all , una sa lahat

24 0 0
                                    



unahin ko muna yung ako, kung paano ako napunta sa ganitong industriya.

may isa akong kapitbahay dati na pangalan nya ay ate Lady (realtalk to haha) 

sabi nya saken , meron na syang alam na pwede ko daw pagtrabahuan o pasukan ko na sakto sa gusto ko , sakto mahilig akong kumanta kase sumasali sali ako sa mga singing contest pero (laging talo toinks) haha pero ok lang at least meron akong experience.

tapos , eto na nga...

pumunta nga kame nun ni ate lady sa sinasabi nyang pwede kong pasukan.

unang kita ko sa lugar , teka parang kinakabahan ako hahaha .. BEER HOUSE to prend! 

pumasok kame dun, kinausap nya yung cashier si ate venus (realname to pramis).

( REAL NAME , EVENTS , PLACES LAHAT NG BINABANGGIT KO)

Kinakausap nya na parang kilalang kilala nya hahaha .. basta malalaman mo kung bakit ako natatawa hahaahahahahahahaahaha ....

gabi na nun, at that time i was only 17 years old , my god! isipin  mo yun isang 17 years old na tulad ko na aral bahay lang ang alam eh papasok sa isang beerhouse.

soooooooo , eto na nag ok na sila , gusto daw nila akong marinig na kumanta.

at ang set up is eto !

merong stage na maliit , hindi naman sya kataasan pero sakto lang na makikita ka from your table to stage , matatanaw mo ko wag kang mag alala HAHAHA.

merong divider ng sound amplifier dun , VIDEOKE na yung TV eh nasa lapag mo at naka slant syang nakaharap sayo so habang nakaharap ka sa mga tao pwede kang magbasa na parang nag vivideoke ka lang ganun.

nung una sabi ko parang ang dali naman  nitong trabaho nato, ganito lang ba gagawin ko? sabi ko sa sarili ko , then may mga speakers kung saan saaang sulok ng bar .,

yung bar na tinutukoy ko eh yung ROJONA'S BAR AND RESTO sa may mabolo sa bacoor , kung taga cavite kayo malalaman nyo mehehehehehe ..

tapos, ayun na, may mga guest na rin dun ng mga 7 or 8pm , (ganung oras kame nakarating dun) so, pinahanap na nila ako ng song number na 5 songs, nung nakahanap nako at sinulat ko na sa notebook nila pinasa ko na kay ate venus (yung cashier) yung mga kantang kakantahin mo, puro lumang kanta yung pinasa ko kase nakita ko na puro matatandang lalake yung nandun.

naglakad ako sa stage at nakaramdam ako ng kaba , hindi ko maiwasan kase iba na to eh, hindi sya yung tulad nang sa singing contest na may makikita kang kasama na kakanta rin , may makakausap na kaedaran mo.hays

nasa stage nako, nakita ko pa yung mga numbers na nilalagay  ni ate venus dun sa TV na nasa harap ko. pagharap ko sa mga tao lahat sila nakatingin saken, inaabangan nila yung pag uumpisa kong kumanta.

A FEW MINUTES LATER.......

Habang nakakailang kanta na ako eh , may mga lumalapit saken na mga costumers na matatandang lalaki na nag aabot ng pera pero may kasamang request na kanta , at sa awa naman ng diyos alam ko yung mga kanta kase mahilig akong makinig sa radyo, lalo na kapag linggo alam nyo naman na kapag linggo ehh puro pang tatay yung kanta haha..

natutuwa ako kase uuwi akong may pera kung sakaling dumami yung request na may kasamang pera ,TIP ang tawag nila dun.

natapos yung set ko, nakarami rin ako ng tip na nakuha mga 800 yun, kinausap ako ni ate venus  pwede na raw akong mag start sa monday.
nakalimutan ko kung kelan kame pumunta dun ni ate venus pero naaalala ko kung kelan ako pinag start dun sa bar na yun,


Hanggang sa nag sstart na ako nun , binigyan nila ako ng tatlong slot , monday , wednesday and sunday.

hindi ako marunong mag ayos nun promise!! , sinasabihan ako ng mga waitresses dun na mukha daw akong napadaan lang na napag utusan na bumili ng toyo at suka HAHAHA .
ang Hahard nila grabe huhu, pero totoo naman haha.. kase nga bata pa ako nun, wala akong alam sa taste ng pananamit ng isang singer na kumakanta sa bar , at ang alam ko lang na make up e yung eyeliner, polbo at lipstick. 

naging smooth naman yung pagttrabaho dun , hanggang sa may dumating na dalawang tatay na nagpabago ng buhay ko bilang isang singer.


dumating si kuya gany at si kuya  .................. shet! anong pangalan non hahahaha .. ..... wait iniisip ko habang nagttype ako bwahahahahaha .... kuya gany and kuya F , basta F ang umpisa nun hays, nakalimutan ko na talaga , 

dumating silang dalawa although lagi naman silang nandun para panuorin ako hanggang sa nagkaron ng time na makapag usap kame at meron silang inoffer saken na pwede kong kantahan din , isa naman syang restaurant sa island cove , nabanggit saken nung isang waitress dun na maayos dun at sobrang desente ng lugar di gaya ng rojona na beerhouse talaga.

dumating yung araw na dinala nila akong dalawa dun sa resto na yun, yung restaurant na binabanggit ko yung PELICAN BLEU , located naman sya sa way papuntang island cove , sa side lang naman sya ng road, mabilis syang marecognize kase madadaanan mo talaga sya kapag papasok ka ng paisland cove.

that was friday.
maaga kameng dumating , at meron daw na bandang tumutugtog duon every friday, ang ART AND MUSIC BAND.8

ang banda ay merong isang matandang bokalista (arthur) , Bahista (jonald) Drummer (Kevin) at isang gitarista (JEROME) . yung tugtugan nila is mga new wave na hinahaluan na rin ng mga makabago nung panahon na yun that was 2014 , sinabi saken nung isang tataytayan ko nun na pwede daw akong makisampa or makijam sa kanila. edi sumampa ako kumanta ako ng ilang kanta , hanggang sa sinabi saken na pwede akong sumampa sa kanila sa araw ng byernes sakto at wala akong gig nun hindi tinamaan yung schedule ko dun sa rojona.


see you in next page.

antok nako. huehuehueuhe..




Minerva Acoustic BandWhere stories live. Discover now