Fifth

4 0 0
                                    


Yes , oo , ofcourse..

siguro nagtataka kayo kung bakit ako yung bibili ng gamit ng mga bata, 

nanggaling kase ako sa mahirap na pamilya , (sino bang hindi?) . bago ako napunta sa ganitong wala na yung papa ko , wala na yung tataguyod samen at dahil panganay ako napunta sa akin yung obligasyon na yun , hindi ko rin pwedeng maasahan ang mama ko dahil anim kameng magkakapatid , ang babata pa ng mga bunso. kaya kelangan nyang alagaan yung mga yun , at ako bilang ate , ako yung magttrabaho.

simula nung nag start ako sa pag pasok ko sa pag gigig , dun na rin nag start na maging dakilang ate ako haha .. lahat naman ng panganay ganito eh di ba? 

nag aabot nako kay mama ng kahit magkano , minsan lahat ng tip ko na sa kanya , minsan kalahati ng TF ko inaabot ko makatulong lang , kase naaawa rin ako sa kalagayan namen , ang dami namen tapos nawalan pa kame ng tatay , yung mama ko wala ring trabaho , ako lang din ang aasahan ..

kada meron akong gig , or events hindi pwedeng hindi ako mag aabot sa nanay ko , kase mga kapatid  ko rin yung makikinabang ..

lahat ng kinikita ko binubudget ko pang abot kay mama , panggastos ko , pamasahe .

hanggang sa dumating yung araw na parang nabababaan ang mama ko sa kita ko.

pinagsabihan nya ko na kung pwede maghanap naman ako ng disenteng trabaho , yung merong benefits.

hindi ako pumayag sa gusto nya , nag away kame.

kalaunan naging ganun rin yung magulang ni jerome gaya ng sinabi ko sa pang apat na page, bago nangyare yung nag libot sya at matanggap sa padis bacao , sinubukan nameng mag apply din ng trabaho.

oo sinubukan namen ng isang araw na pag aapply.
si Jerome nag try bilang call center pero hindi pumasa.
Ako , nag apply sa puregold , muntik nako makapasa kung meron lang akong dalang NBI nun hahaha , pinapakuha ako pero hindi ako kumuha kase may gig kame kinabukasan. 

sinubukan namen kung may future kame dun pero wala HAHAHA .. banda forever!

Dumating sa punto na halos inaaraw araw nakong pinagsasabihan ng mama ko na maghanap ng trabaho, pero nagmatigas ako , lumayas ako sa amin . oo alam ko na mali yung gawin sa magulang pero hindi nako bata , may sarili na tayong gustong gawin , umalis ako samen.

nangupahan ako sa may umboy sa cavite mag isa . parehong matanda na mag asawa yung nag mamay ari ng bahay. mababait sila pero maraming bawal . sinabi ko na mag isa lang akong mangungupahan pero may dadalaw dalaw saken dito na boyfriend ko na malapit lang dito sa lugar nato at pumayag naman sila.

murang upa ang binigay nila sa akin, 1k isang buwan, libre tubig at kuryente kase nakita nila na bata pa ko at sinabi ko yung trabaho ko na hindi kako kalakihan yung sahod ko kaya sa awa naman ng dyos pinagbigyan nila ako.

nagtagal ako dun ng halos dalawang buwan kase yung mga pinsan ko nagtetext na saken na umuwi na daw ako kase yung mama ko nag aalala na sakin kase hindi ako nagtetext kay mama dahil ayoko nga sundun yung gusto nyang iwanan ko yung pag babanda ko.

kinabukasan nun matapos akong kausapin ng pinsan ko nang masinsinan sa phone. umuwi ako.

Gabi na nung makarating ako sa bahay namen sa las pinas , nakatayo ako sa pintuan namen, nakatulala ako ,nag iisip ako kung tama ba yung ginawa ko sa mama ko , sakto pa nun at mothers day , may dala akong heart baloon para pampalubag loob ba HAHHA .. o eto seryoso na,

nakatayo ako hanggang sa bumalik ako sa sarili ko , kumatok ako sa pinto. hindi ko akalain na yung mama ko nag aantay saken sa bahay, pagbukas nya ng pinto niyakap nya ako agad, sya pa yung nag sosorry, niyakap ko rin sya habang nag iiyakan kameng dalawa . saka ko lang napag sisihan yung mga ginawa ko nun na bigla kong naisip yung papa ko na wala na rin, na mag isa nalang si mama bakit ko pa iniwanan. nang hingi ako ng sorry kay mama nun pero sinabi ko sa kanya na ayoko talagang magtrabaho kase ito yung gusto ko,

pumayag naman sya, kase kinwento ko sa kanya na may mga umaasenso sa ganitong trabaho., nakakapag abroad pa sila, nakakabili ng bahay at nagkakanegosyo. napapayag ko si mama na itutuloy ko yung ganito tapos magpupursigi kame ni jerome na makahanap pa ng maraming events and gigs.

nagpatuloy yung ibang araw na ganun , kada uuwi ako nag aabot ako kay mama , hanggang sa napagisipan namen ni jerome na bumukod na kase pareho na kameng nalalayuan sa mga kanya kanya nameng byahe kapag pupunta sa gig . pumayag si mama na sumama ako kay jerome malaki na rin naman ang tiwala ni mama kay jerome lalo nat sya lang naman ang kasama ko lagi sa mga gigs ko nun.

nangupahan kame ni jerome sa imus , nung una dun sa may Tanzang Luma malapit sa lumina, yung mga taga cavite alam to , mag asawang matanda din yung may ari ng bahay dun ginawa nilang maliit na compound na dikit dikit yung bahay as in maliliit lang ang espasyo ng isang bahay tapos dikit dikit pa . yung bahay dun eh parang good for 4 members lang , umupa kame dun kase akala namen magiging maayos yung pamumuhay namen dun.

bumili kame ng electric fan , kutson , TV , drawer . nag start kame sa ganun,. tapos habang tumatagal hindi na kame nagiging komportable kase iba yung oras namen sa kanila , halos umaga na kame nakakauwi at nakakatulog sila pagising na so sabi ko nga na maliit lang yung lugar na yun , dinig na dinig namen yung mga tsismisan nila dun , grabe nakakastress , magigising ka tuloy out of the blue kase merong may tatawa nang malakas, merong dinig na dinig mo yung yapak ng paa , mga kwentuhan nila , buhos ng tubig. OMG !

meron pang isang beses na bigla nalang may nagpatugtog ng malakas!!  e kame halos 2 hours palang nakakatulog galing pa kame ng kasal tapos malayo ang venue, sinabihan namen sila na baka naman ho na pwedeng pakihinaan kase matutulog palang kame sabi ko .

hanggang sa parang pinag uusapan na kame dun, pinagttsismisan na kame pero wala kameng pake sa kanila kase hindi naman kame tumira dun para makipag tsismisan sa kanila e.

tapos merong isang nangyare dun sa looban na yun na talagang nagpakulo ng dugo namen hahaha 

nagmamadali kame kase malalate na kame sa gig namen tapos etong mga tsismosa na to nagkukumpulan duon sa may daanan na halos nakaharang na. nung una nakita na nila kame na paparating hindi manlang nag usugan , hinintay pa nila kameng makarating sa pwesto nila tapos nung nag eexcuse na kame ayaw pa rin hanggang sa mejo tinaasan na namen ng boses kase nag mamadali na kame nun ,tapos napatingin sila saka umalis dun sa pwesto, jusko.

sabi ko sa sarili ko , ang tatanda na nitong mga to pero walang mga modo.

tapos nakiusap kame kay tatay nun , yung may ari ng mga bahay dun na aalis na kame, tapos meron silang inoffer samen na bahay din sa loob naman mismo nang lupa na tinitirhan nila . pumayag kame kase nakita namen na sobrang tahimik dun maliban dun sa alaga nyang manok na hindi naman naging sagabal sa amin sa pagtira dun 

sobrang bait nung matandang mag asawa dun , wala kameng masabi sa kabaitan nila. 9months kameng namalagi dun sa lugar na yun.

umalis kame dun nung yung mga magulang ni jerome nag offer na duon na kame malapit sa kanila tumira which is sa shop ng tatay (isa kasing aluminum installer yung tatay nya) , yung titirhan namen dun na sa may tapat ng iglesia ni kristo sa tanza malapit sa puregold.

at namaalam na kame kina tatay at nanay na nagmamayari ng bahay na yun sa may imus.

NEXT!

Minerva Acoustic BandWhere stories live. Discover now