THIRD

12 0 0
                                    

Dito na sa part na to mag uumpisa yung journey nameng dalawa ni jerome bilang isang MINERVA ACOUSTIC DUO ,

lahat tayo may pinagmulan , sa worse to pinakaworse.

at dahil bata pa kame nun, pero mas bata ako hahaha . 2 years ang agwat nameng dalawa.

at sobrang hirap makahanap ng bar na tutugtugan nameng dalawa.
halos maubusan kame ng pag asa , 
ang dala nameng gitara hiniram lang namen sa tropa ni jerome na dating gitarista din  ng art and music. 

ang gitarang dala namen ay isang Les paul na sunburst Electric guitar, na hiniram pa namen kay kuya ian , i know manipis ang tunog nun para sa isang acoustic duo , wala kameng pambili ng acoustic kaya napag usapan nameng dalawa na mag ipon para sa una naming acoustic.

nag tiis kame sa ganung gamit , sumipra kame ng sumipra , ginawa nameng inspirasyon yung pag alis namen kay arthur , nag tiis at nag ipon ng perang pang walk-in sa mga bar dito sa cavite at pati sa manila, oo nag wawalk-in kame , hindi pa namen naisip na gumawa nuon ng band profile kase wala kameng idea nun , as in zero. bumabyahe kame every other day , nag aaudition kame sa mga bar , 2 to 3 songs kada audition, tatawagan nalang daw , syempre umaasa kame tapos hanggang sa hindi naman tumatawag.

isang gabi nandun kame sa bahay nina jerome , pinagsabihan kame nang mga magulang nya na bakit hindi kame maghanap ng trabaho, wala daw kameng mapapala sa ganitong klaseng hilig.
ganito rin ang sinasabi saken ni mama , bakit daw hindi nalang ako mag apply sa sm , o kahit saang pwede akong mag apply na merong mga benefits, na matatagpuan sa tipikal na empleyado like , sss , pagibig , philhealth mga ganun ba.

Lahat ng mga nag babanda ganito yung tingin sa atin, kesyo walang mararating , walang mapapala , maingay , walang future, nag aaksaya ng panahon. Yes lahat yan narinig namen. 

pero..

dinagdag namen to sa pagpupush na makanahap ng gig or bar na matutugtugan ., 

gumawa kame ng band profile , kumuha kame ng ideas sa google , lahat ng pwedeng ipasok na meron kameng experience nilagay namen dun. stolen pictures mula sa mga tropa nilagay namen dun , makabuo lang ng isang masasabi mong band profile.

nung natapos nameng makagawa ng band profile , nag start na si jerome na pumunta ng mga bar para mag pasa ng band profile sa mga bar . 

hanggang isang beses may pinasukan syang bar , yung PADIS POINT BACAO , oo meron pang padis nun sa bacao year 2014 , nagpasa sya sa ng profile dun at tinanggap naman ng dj yun dun ,

binigyan kame ng  araw nang pagpunta namen para makapag audition, at pinalad kameng natanggap , masaya yung naging experience naman sa padis bacao , mababait yung mga dj lalo na si DJ panx at si DJ mon ,pati yung mga waitresses , bouncers  at managers , masaya at maraming naganap dun sa padis bacao na yun hahahaha .. 

merong isang gabi , sa padis point bacao , nakaset kame dun ng may dumating na dalawang lalaki na lasing  .. tapos nag inum sila dun hanggang sa mas nalasing pa sila. hanggang sa halos nang gugulo na sila sa set namen , nang aagaw na nang mic , natutumba na yung lyrics stand hahaha . hanggang sa pinababa na sila ng mga bouncers namen na malalaki ang katawan tapos yung mga lasing pa yung nagalit hahahaha .. nag tatalo na sila hanggang sa yung lasing na lalaki sinuntok yung bouncer na akala naman nya kakayanin nya haha  ,e malaki yun hahaha , nagkasuntukan na tapos yung isa sinuntok din yung manager na umaawat lang naman sakanila , nagkakarambulan na haha kame nanunuod lang kame, ang saya !!  Yung bar na yun halos nasa 3rd floor ng open building , yung lasing nahulog hahaha !! yes nahulog sya ng walang short at tshirt tumakbo sya ng duguan at nakabrief lang HAHAHAHA .. dabest yun, pano ang gugulo ba naman.

ilang buwan kameng tumugtog dun sa padis , dinaanan kame ng bagyo , at ng kung ano anong gulo o pangyayare sa bar na yun pero masaya . masarap kasama yung mga tao duon. tapos nag sara na sila.

naghanap ulit kame ng ibang mga matutugtugan sa ibang lugar , sa manila , cavite , at kung saan saan. mapanandigan lang namen yung gusto namen na mag banda.

natanggap kame sa mga naaalala kong bar and resto sa manila like , Splice , alamat ng garahe , chop stop , kuwagos , HQ Gulp and burp sa pasay , 6 12 bistro sa las pinas , palmas del sol resort sa dasma cavite , padis point las pinas , Slingshot sa Gentri Cavite at marami pang iba.

nakatugtog din kame sa mga hotel dahil naman kay Mr. Joey Abando , isa syang bokalista sa kilalang banda nuong araw na BOYFRIENDS , sobrang laki ng part nya samen ni jerome , minulat kame sa pagiging professionalism nilang mag asawa si ate joan. nakatugtog kame sa mga 5star hotel sa makati , manila ., nakasama pa namen si Mr. Rey Valera , na sobrang beterano na sa tugtugan.

nagkakaron na rin kame ng mga events like weddings , debut sa ibat ibang lugar , sa batangas , laguna , rizal , mandaluyong . sa presyong katamtaman lang . naalala ko yung unang beses namen na tumugtug sa isang kasal , sa intramuros ang venue sa barbara , ang sarap sa pakiramdam na makita ka ng kinakasal sa harap mo . tapos yung mga bisita na mukhang yayamanin nakikinig sayo. ang sarap kantahan nang ganitong  event , ramdam mo yung pagmamahalan nila sa ere .

hanggang nappromote na kame ng mga host na nakakasama namen , mga soundsystem , mga brides and groom na naging clients namen sa ibat ibang lugar hanggang sa nakikilala na rin ng mejo light ang tandem namen,

nang dahil sa ganitong nag uumapaw na blessings samen nakabili kame ng bagong gitara, dahil hindi rin sapat yung ipon dahil nag cocommute lang kame araw araw papunta sa mga gigs namen eh sa raon kame bumili ng gitara , sapat na sa magandang tugtugan.

nagkakaron kame ng clients dahil sa past clients namen na nakakatuwa dahil nagugustuhan nila yung mga performances namen ,

bisitahin ninyo yung page namen na MINERVA ACOUSTIC BAND  sa facebook nandun yung mga events na natugtugan namen , ibat ibang klaseng pangyayare.

NEXT!


Minerva Acoustic BandWhere stories live. Discover now