Second

12 0 0
                                    


Lumipas yung mga araw na dalawang bar na yung kinakantahan ko , isang bar at isang restaurant.Ok na rin saken yung ganong set up kase dagdag kita na rin yun ,para sa akin malaking halaga na rin yung ganun kase baguhan palang ako sa ganitong larangan. kahit papaano may naibibigay ako kay mama nun kahit magkano , minsan malaki minsan maliit dipende sa tip ganun , pero akala ko nung panahon na yun hasa nako sa pag peperform sa stage , sobrang mahiyain ako , nakatayo lang ako. parang batang pinilit na kumanta hahahaha .. syempre unang sampa ko nun sa banda at unang beses na nakaencounter nang full band , 

kabado ang bata haha , tapos si kuya arthur yung bokalista panay ang turo saken ng ganito ganyan tapos meron syang jowa jowa noon na maganda maputi chinita , kaso nakalimutan ko yung pangalan nya hays,. sya naman nag mamake up saken, pinapahiram ako ng damit na hindi naman kasexyhan pero pwede na , kung may idea nako sa pananamit noon masasabi ko na yung mga damit na pinasuot saken grabe hahahaha HINDI KO TYPE!!!  mukha akong lola realtalk hahahahahahahahahaha .. pero dahil nga bata pa ako nun at wala nga akong idea sige suot lang  huhubarin ko naman to pag tapos ng gig eh haha.

meron pang time na gusto akong pasayawin , hindi yung sayaw na nasa utak nyo ahh hahahaha, yung paswing swing lang , pero yung ganun nahihiya ako , kase hindi ko ginagawa yun sa harap ng mga tao my GOD ! basta! pero wala dahil nga baguhan ka at gusto mo naman yung pagkanta   mo sa banda eh sumunod nalang ako.

maraming tinuro saken nun si kuya arthur dahil matagal na sya sa ganitong larangan , nakapag abroad na sa ibang bansa which is gusto ko rin mangyare saken yun, yung anong feeling ng kumakanta ka nang ibang lingguwahe . may snow ba dun? anong feeling ng may snow haha.

tinuro nya saken yung mga ginagawa sa stage , dapat habang kumakanta ka nakangiti ka, nag sswing ka gumagalaw ka sa stage, para hindi ka nakakaboring panuorin , at ang importante dapat nag sspiel ka .

SPIEL ; ayan yung kada matatapos mong kantahin yung isang kanta mag papasalamat ka, sasabihin mo yung ganito, example,;

- thank you so much, and that was a song by toooooooooooot, and ofcourse if you have any requested song you can send us your request, kindly write it on a piece of tissue or paper, write atleast 3 to 5 songs and we will play it right away.

ganern mga dzai!! hahahaha yeeeesss !!! mahaba sya pero kapag nasa stage ka na para nalang syang pampatay oras , yung kunyare mahaba oras ng set nyo , kelangan maboka ka , it means madaldal sa stage pero hindi ko pa kaya yun , nung tinuro saken yan kinakabahan akong magsalita pramis, oo alam kong hindi sya nakamamatay pero bes nakakahiya talaga , yung  merong nakikinig sayo pinapanuod ka kung tama ba gagawin mo hahaha

at syempre hindi mawawala saten yung corny na jokes na di mo alam kung saan mo nadampot hahaha well first time palang naman naten so given na yun hahaha , 

habang nagkakailang beses na akong nakakasampa, nakarinig ako ng balita.

na si ate lady ay umalis na dun sa tinitirhan nya , na kinagulat ko.

nung sinabi nya saken na meron akong pwedeng aplayan na trabaho, marami syang kinuwento saken na singer daw sya , yung inaaplyan namen na bar yung rojona is duon daw sya kumakanta dati , dati daw na libo libo nauuwi nya kase natutuwa daw sa kanya yung mga guest kase mataas daw ang boses nya , at dun ako nagtaka kung ok naman pala ang sahod nya dun so bakit hindi sya nag wowork dun hays , yun pala ang ate mo eh sinungaling! hindi sya kilala dun sa bar na yun at never syang nagtrabaho dun hahahaha .. 

pero thankful ako kase dinala nya ako dun kung saan mag sstart yung journey ko as a singer.

at magbalik tayo sa kasama na ako sa full band, 

medyo natututo na ako sa mga tinuturo saken ni kuya arthur, at yung iba naaapply ko na sa stage na minsang kinatuwa ko naman kase yes! tao na ko haha .. hindi nako kid ganon,

nagkaron ng isang beses na habang tumatagal lumalabas na yung ugali ni kuya arthur, about sa PERA , kada meron kameng tip na nakukuha meron din syang tinatago hahaha .. yes , nag uunder-the-table sya ng tip , tapos syempre hati hati na pagtapos ng gig ,at mas malaki yung kanya kesyo sya daw kase ang bokalista , (who am i?) hahahaha..

pinabayaan lang namen na ganun yung set up nya kase samen , puro bata pa naman kame halos lahat ok lang, baka mas kailangan nya yun.

so umalis na tayo kay arthur, 

lumipas ang ilang buwan nang pagsampa sakanila , habang tumatagal nag iiba ang pag sasama namen ni jerome (gitarista) nagiging compatible kame sa isat isa ( potek hahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha) hoy sa mga friends ko jan wag kayong ano!)

naging mag on kame , pero parang kay kuya arthur ayaw nya ng may ganun sa banda. so habang tumatagal nagiging ekis kame sa kanya kase hindi sya sang ayon saming dalawa.

umalis kame sa banda , nag duo kame. bumuo kame ng pangalan na hango sa paborito nameng banda yung DEFTONES. kinuha namen yung title na MINERVA , maganda yung kanta try nyong pakinggan , dun nag start yung pangalan ng duo namen.

NEXT!

Minerva Acoustic BandWhere stories live. Discover now