Eleventh

7 0 0
                                    


Hey ang layo na nang narating naten , maraming salamat sa pagbabasa ng buhay namen <3

----------------------------------------------

umuwi na kameng dalawa nang punong puno nang excitement at tanong , kung anong susunod na gagawin , anong mangyayare pagkatapos , makakaalis na ba agad o marami pang gagawin ? 

dumiretso kame sa bahay na inuupahan ko nung panahon na yun at nagpahinga,

 sinabi naman sa amin ni ate na maghintay kame sa update nya para sa susunod na gagawin namen habang nag aantay kame sa mga update nya , ilang araw din ang lumipas nun nung huling pumunta kame s kanya , nag gig gig muna kame at events.

at isang araw tumawag si ate sa amin na kelangan namen pumunta dun ulit sa intramuros para pagtatake ng pictures dun sa office nila para siguro sa records and papers na gagawin .

kinabukasan , pumunta na kame nang maaga rin para maaga rin kame makauwi .. makakapagpahinga pa pagtapos dahil mahaba haba rin ang byahe namen mula cavite hanggang intramuros.

katulad nga ng sinabi ni ate na kelangan namen magtake nang pictures at pagtapos nung picture taking (prang ID picture lang naman) may inabot sya sameng papel na nakasilid sa karton na sobre , sabi nya babalik ulit kayo dito para makapag PDOS na kayo ., 

yun yung isa sa inaantay namen at sinabi rin ni sir lester yun na once nakapag PDOS ka na ticket nalang aantayin tapos lipad na.

so bago kame umuwi dala yung mga dokumento , may mga tinuro samen si ate dun na kelangan muna nameng pumunta ng Chinese embassy para makapag Visa , pero bawal malate dahil marami ang pumupunta duo at merong limit ang number.

sinabi pa nya sa amin yung mga gagawin dun kapag nakarating na kame sa chinese embassy , unang una kelangan maaga kayong makapila duon , at meron ding mga ofw na maaga rin dumarating dahil alam nila yung haba at tagal ng proseso duon sa chinese embassy dahil marami ang aalis ngayong buwan ng MAY , dahil iyun yung buwan na kung saan marami ang pabalik na sa ibang bansa lalo na maraming mga paalis din para magtrabaho sa China.

at pagtapos nya kame sabihan ng mga gagawin duon ay umuwi na rin kame , 

isang araw bago kame pumunta nang embassy nagpadala na muna nang pera si sir lester para sa panggastos namen sa mga kakailanganin namen lalo na sa pamasahe at mga fees , kasama na din yung pag Medical namen pagtapos asikasuhin ang visa.

mga 4 am palang ng umaga nag aasikaso na kame , dahil natakot kame sa sinabi sa amin ni ate dun about sa embassy na marami nga ang tao duon kaya maaga kame nag set ng alarm at nag asikaso.

tanda ko pa na habang nakasakay kame sa bus nun nakatayo kame sa may bandang unahan dahil umaga nga marami rin ang mga pumapasok nun sa trabaho nila lalo na mga umaga ang pasok . bumyahe kame hanggang baclaran lang. sinunod namen yung address na binigay samen , bumaba kame nang Baclaran na nasisinagan na kame ng araw , kumain na muna kame sa jollibee dun para hindi kame magutom sa pila kung sakaling mahaba.

nag book na ako ng Grab nun dahil manila yun at hindi ko alam ang byahe para makarating sa embassy.

ilang minuto lang dumating na sya , habang nasa byahe kame panay kame pag iisip kahit antok na antok pa kame sige lang , may bawi naman to pagtapos eh. hanggang sa makarating kame sa embassy.

pagdating namen dun may mga nakapila na nga so tama si ate kahit anong aga mo may mga mas maaga pa pala sayo  dun haha at buti nalang at hindi pa karamihan ang tao.pero habang tumatagal dumadami na rin kame sa pila , 

mga 8am nag open yung gate , pero bago pa namen makalimutan pumirma muna kame dun sa parang attendance nung guard sa bukana lang ng gate para mabigyan kame ng ID pass sa loob nagpasa kame ng isang Valid ID.

bumalik kame sa pila at paglabas namen mas dumami yung tao buti nalang mabait yung kasunod namen nun at hindi nya pinabayaan yung pwesto namen , 

so habang papasok na kame sa loob nakapila lang kame parang train train lang ganun haha , tapos paakyat sya hanggang 2nd floor , pagdating sa second floor nandun yung office ng embassy at merong mga guards na nag aabot ng waiting numbers sa isa isang tao.

nang makapasok na kame meron sameng pinapirmahan at saka kame bingyan ng number. mejo masungit pa yung nag aabot dun ng number hays ,

umupo kame sa isa sa mga metal bench nila habang nakikita namen sa mga booth sa loob na wala pa ring mga staffs dun , at wala ring mga nakadisplay na number so , parang pinauna lang kame , para sunod sunod nga naman pagdating na nila .

tapos ang nakakatuwa pa at mababait ang mga Guards duon at willing to help sila lalo na sa mga firstimer sa byahe.

mga 10am na nun ng umaga na magstart na silang magtawag nang mga aplikante , mejo late na rin at marami na ring tao sa loob ng office na yun ,

mejo nasa hindi kalayuan kame ng number kase maaga kame dumating.

may mga nakakausap kame dun na mga byahero na , may mga matatanda at may mga halos kasing edad lang namen , merong mga musikero din yung iba ngalang may attitude.

ilang oras din ang hinintay namen nun bago kame tawagin , isa isa lang kame ni jerome, dala namen yung mga documents na binigay sa amin at yung importante yung passport.

may mga konting tanong lang at hiningi sa amin yung passport namen , at sinabi na tatawagan kame once na maging ok yung pag process sa working visa namen at babalik kame para naman sa interview.

NEXT!!

Minerva Acoustic BandWhere stories live. Discover now