Ninth

3 0 0
                                    


hinanda namen yung sarili namen sa mga sasabihin samen ni sir lester tungkol sa mga worst sa china , syempre dito palang masusubukan na kung talagang pursigido kame or kahit anong mangyare magiging ok lang samen yung mga mangyayare samen dun lalo na first time namen abroad.

(hindi ko na idedetalye lahat )

nung una pinapili nya kame kung saan namen gustong mag antay ng work , kung sa pinas o sa china ., sabi nya kung dito na sa china mas ok kase mas gusto ng mga clients na nasa china na para mapanuod ka nila ng personal , kapag sa pinas naman nag antay dito lang sa pinas , aalis ka nalang nang meron ka nang pupuntahan.

pinili namen yung nasa china na para nandun na kame , makakaalis na kame dito sa paghihirap namen dito sa pinas , tapos marami pa syang sinabing worst dun , lahat naman ng booking ganun walang perpekto.

sinabi nya samen na kapag nagustuhan namen dito pwede kameng magtagal dito kase sabi nya dito sa booking na to hindi sya yung tipikal na booking na 6 months lang , 3 months or 1 year lang , dito sa agency na to ang maganda renewable yung kontrata , pagtapos daw ng kontrata sa hotel or bar magwawait lang ng konti tapos another booking na ulit , eto yung mga nagustuhan ko sa agency dito . 

pagdating naman daw dun sa china may  matitirhan naman daw dun so hindi kame mamomroblema sa  bahay dun , at may mga makakasama naman kame dun , 

bukod dun sa mga worst , may mga magaganda rin tulad nga nung renewable na kontrata at marami pa ,

sinabi rin nya sa amin yung mga gagawin kapag kukuha na ng visa at pag pdos , at yung mga lugar na pupuntahan namen tulad ng Chinese Embassy at yung sa Medical , at yung mga gagawin sa embassy , kung saan pipila anong mga ippresent na documents once na mapasa samen yung mga documents na galing china , especially yung permit. 

sa pagkakaalala ko mga bandang February kame  nagasikaso nung mga dapat asikasuhin nun , at tanda ko pa na sabi sa amin na mejo matatagalan ang pag aantay namen sa permit dahil mag chichinese new year , dahil yung mga offices dun ay nagsasarado at nagbabakasyon sila nang halos isang buwan din ata , bumabalik sila ng mga 1st week of march.

lumipas na yung ilang linggo , binalita na sa amin ni sir lester yung magandang balita..

na nakapasa kame sa online audition , naaprubahan yung videos namen sa agency at gagawan na kame ng permit , pero tulad nga ng sinabi ko na mag aantay pa kame sa releasing ng permit kasae natuon kame sa mag chichinese new year at , 1 month pa ang processing nun , kaya wala kameng magawa kundi mag intay.

ang saya namen nun , nung panahon na yun pinayuhan na kame na mag asikaso na nang mga dadalhin namen , pero kahit na may magandang balita na hindi pa rin namen sinasabi to kahit kanino. 

medyo nakaramdam kame ng kaba kase buwan na yung nakalipas pero wala pa ring balita , hanggang sa chinat ko  na si sir nun , kase march na wala pa rin yung permit , yun pala hindi pa sila nagpapasukan at , pending pa yung paggawa ng permit so mejo lang naman na nawawalan ng pagasa pero naniniwala pa rin kame ,

nag gigig kame makaipon lang ng panggastos pambili ng maleta o ng kung anong mga kailangan namen  dun.

ilang buwan na yung lumipas , nagchat si sir lester sa amin na ready to ship na yung mga papers , tapos sa agency nalang sa intramuros namen makukuha yung papers, at dun din kame mag ppdos sa agency na yun so hindi ko na maalala kung ilang weeks ang aabutin bago dumating yung mga papeles.

so mag aantay ulit kame , puno talaga nang pagsubok bago mo makuha yung pangarap mo no, pero alam naman naten na lahat ng ganitong pagpapahirap eh part lang ng pagiging matatag naten dito susubukan tayo kung kaya ba naten o hindi pero dito sa sitwasyon namen kinakaya namen dahil pangarap to eh , nandito na to eh aatras ka pa ba ?

so dumaan ang maraming araw nang paghihintay. 

nakarating na rin sa pinas ang dukumento na hinihintay namen , nandun na sa agency. so tinawagan kame ng isa sa mga staff dun na kelangan namen pumunta sa agency na yun , nag set kame ng araw nang pagpunta duon , sa agency na yun ituturo samen yung mga gagawin namen sa chinese embassy kase yun yung una nameng pupuntahan , ( sa pagkakaalala ko ahh) ang pag aayos ng visa sa chinese embassy para makalipad kame nang maayos at legal.

Next! 

Minerva Acoustic BandWhere stories live. Discover now