Seventh

6 0 0
                                    


Nag start to nung nagsscroll lang si jerome sa facebook nun naghahanap ng gig , or ng kung ano man ,

nakita nya yung post ni sir lester na naghahanap sya ng talents for china booking.
agad agad namang minessage to ni jerome sa kagustuhan ngang makabyahe abroad,

nakausap namen sya na ito yung mga kelangang ipasa para maipakita din sa agency nila. binigay naman namen yung mga hinihingi nya pero hindi pumasa kase yung mga suot pa namen dun jusko kahit ikaw hindi tatanggapin haha .. may mga damit naman akong maaayos pero hindi ko  akalain na ibang maayos palang damit yung kelangan nila , 

dito na papasok yung gowns and suit and tie na theme nang pananamit or basta Formal. 

eto yung wala kame kase nagkakahon or nag bebeat box ako palagi kapag tumutugtog kame kaya hindi ako nakakapundar ng mga gowns, eto yung problema ko. namen pala.

mabait si sir lester kase hindi sya tulad ng ibang booker na kapag hindi ka makapag abot ng gusto nila hindi ka na nila aasikasuhin kahit sabihin mo na willing kang mag invest ng time and effort makapag pasa lang . hindi ka ippriority ganun.

buti nalang si sir willing sya na tulungan kame sa ganito dahil kahit sya dumaan sa ganitong stage nang pag aapply, yung walang wala ka esp. yung masusuot for pictorial and VTR, binigyan nya kame ng mga sample pictures and videos na pinapasa sa kanya at natatanggap sa agency nila. 

sinunod namen yun , kinabukasan pumunta agad kame ng ukay ukay namili kame dun ng mga damit na babagay sameng dalawa, napakaraming magaganda pero hindi kaya ng budget namen kase ang mamahal pala ng ganung klase ng damit partida nasa ukay ukay ka na. 

nakabili kame ng isang gown at isang pares ng damit ni jerome good for pictorial na yun and VTR. 

pinakita muna namen kung pwede na yung ganun for VTr and pictorial. pumayag naman ayos naman , talent nalang talaga ang pagbabasehan. 

dito kame pinakanahirapan nung panahon na yun, yung maghanap ng studio para sa vtr , nakailang studio kame bago naapprubahan , kase yung mga kuha samen kung hindi madilim , mahina naman ang audio , hindi clear , minsan naman malayo kame sa camera, minsan manipis yung tunog ng gitara , minsan yung mic ko naman yung walang quality. 

halos nauubusan na kame ng pag asa nun kase bukod sa napapagod na kame , nauubusan pa kame ng budget , kaka ulit ng vtr , oo sa vtr talaga kame nagtagal. 

hanggang sa may inoffer na si sir na pwede nameng mapag vtr-an , na maayos kaso medyo pricy , i mean mahal sya pero dahil nga pursigido na kame , umokey na kame , malayo sya as in sooooobrang layo . sa Rizal yung Studio, nag set kame ng araw at oras ng pagpunta dun , 

dumating na yung araw na pupunta kame ng rizal , imagine frome cavite to rizal HAHA.
naiisip ko palang napapagod nako, pero abroad is life kaya go push na naten yan!

umagang umaga nagpprepare kame para sa pag alis namen , dala namen yung isang  maletang maliit para hindi kame masyadong mahirapan sa pagbubuhat namen lalo na sa byahe , kase ang mga bitbit namen ay yung mga chords ni jerome , damit ko , make ups , heels , black shoes nya at yung gitara , lahat ng gagamiti namen sa araw na yun dala namen at mahirap ng bumalik no , remember Tanza cavite to rizal road trip HAHA ..

nasa byahe kame nun, pareho kameng kinakabahan na sana maging ok na yung VTR na to kase ilang pagod at pera na yung naubos namen nung mga nakaraang araw kaya sana kahit ito maging maayos naman. 

nakarating kame ng soooobrang aga sa rizal , naghanap kame ng makakainan dun, pagod na pagod kame at puyat pa ., hinintay namen si sir Ace , yung may ari ng studio , sa isa sa mga tapsilugan dun sa rizal , at buti nalang tapos na kameng kumain ng dumating sya.

mejo malaypo din yung studio na pinuntuhan namen mula dun sa pinagsunduan sa amin, sinundo kame nang nakakotse naman , nakarating kame dun na binubuksan palang yung studio, kase napag usapan namen na umaga yung schedule namen dun dahil hindi lang kame yung costumer nya na meron ding schedule dun sa studio na yun.

nag seset up na sila ng mga cameras nila and nung soundsystem nila , at ako nag ayo na rin ako ,

sa banyo, nakakaramdam ako ng saya ,lungkot ,excitement at pagkakaba. na paano kapag nakapasa kame aalis na ko sa pinas , iiwanan ko yung asot pusa ko pati mga kapatid ko. pero giginhawa naman kame, matutupad na yung isa sa pangarap kong makaexperience ng snow , makasakay ng eroplano at makapunta din ng ibang bansa. hays, halo halong feeling yung nararamdaman ko habang nagmamake up ako habang nag susuot ako ng gown na binili namen sa ukay ukay. hindi ko maiwasang mag isip.

at sa totoo lang dito lang sa studio na to ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam na parang aalis na , yung pakiramdam na eto na yun , makakaalis na rin kame ganun , hindi na kame magpapakahirap pa na bumyahe ng bumayhe , makipagsalimuha sa mga lasinggero , magbitbit ng maraming gamit kapag may gig, maghanap ng sessions .. sabi ko whaaat iiiss dis feelin HAHA..

natapos na sila sa pag seset up nila pati si jerome tapos na rin sa pag set up ng gitara nya , nakabihis na rin sya, at dahil nga umaga palang , pinagwarm up muna ako , kumanta muna ako sa videoke nila pero tru youtube lang tapos ang laking screen sa harap mo halos wall na nila ganun , kumanta ako ng mga dalawang kanta lang mawarm up lang yung boses ko kase umaga nga.

natapos akong pakantahin , nag start na rin kame na mag VTR , kinakabahan ako. kase yung paraan ng pag vvtr nila para kang nasa kasal na dalawang camera gamit nila sabay nilang kinukuhanan yun para dalawa yung angle ng kuha , at maging maganda yung kalalabasan.

nagprepare kame ng 4 na kanta , isang chinese at tatlong english.

habang kumakanta ako yung isa pa iba iba ng angulo sa pagkuha sa amin , pero inignore ko nalang kase nga hindi kame sanay sa ganun , inisip ko nalang na wala sila dyan haha .. 

natapos yung shoot, habang si sir Ace ineedit yung videos , yung assistant naman nya pinagpictorial na kame sa mismong studio rin na yun .. pagtapos ng pictorial. lumabas na kame kase mejo matatagalan ung pag eedit ng videos kase pagsasamahin na nya sa isang video yung mga vids namen at pang abroadan talaga yung editing.

lumabas kame para kumain ulit , pumunta kame sa mall para maghanap ng makakainan duon , nahanap namen yung Greenwich , dun kame kumain at naghintay na rin ng text ni sir Ace kung kelan kame babalik dun sa studio kapag natapos na nya yung editing.

nag uusap usap muna kameng dalawa pampalipas oras lang , pinag usapan namen kung anong mga magiging plano for future , kung anong magiging buhay dun , kung masarap ba sa eroplano, kung anong pakiramdam nang nasa ibang bansa ka , mga ganun.


NEXT!

Minerva Acoustic BandWhere stories live. Discover now