Tenth

4 0 0
                                    

Gabi palang nun pagtapos ng gig namen naeexcite na kame pumunta sa agency kase sa wakas nasa stage na kame nang pag aasikaso nang ganitong klaseng mga papeles , halos hindi kame makatulog sa kakaisip kung ano yung gagawin duon sa agency , tapos and ending puyat! hahaha 

maaga palang nang umaga nag asikaso na kame para sa mahabang byahe namen papuntang intramuros , hindi namen alam ang papunta duon pero binigyan naman kame ng direction papunta dun ,

nagprprepare na kame para sa byahe , so tanza cavite to intamuros ang labanan plus puyat.

nakarating na kame nang manila , nag stop kame dun sa manila sa lawton , tapos nagdecide na kame na magbook na nang grab nun para deretso na kame dun sa pupuntahan namen.

habang naghihintay nang grab napagdesisyunan namen na kumain muna tutal ilang minutes pa bago dumating yung grab driver. 

dito nagiisip na kame kung kelan ba kame bibili nang maleta , kung ano ano yung mga dadalhin namen , kung ano yung mga gagawin kapag nasa china ka na , yung mga ganung pag iisip ba, kung ikaw nasa sitwasyon namen hindi namen alam kung anong nararamdaman namen nung mga oras na yun kase halo halo eh , excitement , kaba at kung ano ano pa , ang daming reactions na kung pwedeng isa isahin eh bakit hinde hahaha .

dumating na yung grab, sumakay na kame tapos sabi samen na malapit lang dun sa pwesto namen yung pupuntahan namen mga 20 mins lang , at tutal maaga pa maaga rin kameng makakarating dun , dito siningit kong makaidlip kahit sandali.

ginising na ko ni jerome na nasa tapat na kame ng mejo eskinita na lugar sa intramuros , kase malapit na kame sa destination namen, so nag antay nalang kame hanggang makarating dun.

nag stop kame sa isa sa mga building dun tapos may mga katabi syang xerox copy at computer shops, at may naghihintay din sa labas na mga tao na may hawak na papel at yung iba nagfifill up nang form. pumasok kame sa building na yun , at merong guard na hiningian kame nang id. nagbigay kame saka kame sinuotan ng visitors pass, maliit lang yung place pero hindi rin sya kataasan ,sa pagkakatanda ko mga hanggang 4th floor lang sya , mga ganun.

sumakay kame nang elevator at nagstop kame sa 3rd floor , (yata) tapos meron dung office na maliit at mayroon ding mga nagaantay dun na mga nauna sa amin , yung iba naghihintay matawag yung pangalan nila para magtake nang pictures , at yung iba para interviewin.

pinaupo kame nang isa sa mga staff duon at sinabi ko na kung nandito na po yung kausap namen na si ate (hindi ko nalang sasabihin pangalan nya pero sa totoo lang nakalimutan ko talaga HAHAHAHA ) ,

nakaupo lang kame dun kung saan kame pinaupo nung staff dun nung sinabi ko yung pangalan ni ate , sabi nya paparating na daw yun kaya nagstay muna kame ng ilang minutes hanggang sa dumating na si ate.

pagdating ni ate ,tinanong nya yung mga pangalan namen, tapos may nilabas syang mga papers na galing sa isang mejo kartonized na parang galing talaga sa padalahan ganun hahaha , hindi ko alam tawag dun eh haha .. tapos may pinakita syang mga papers na nakachinese yung sulat tapos may pangalan namen , mga mejo makapal yung papers , yung iba meron pang mga tatak na kulay pula na hugis bilog , yung iba star ganun , tapos puro chinese yung nakasulat.

sabi sa amin ni ate na ito na yung permit na hinihintay namen  at ito daw yung papel na kakailanganin namen para makapag pa visa kame sa chinese embassy , habang nag sinesegregate nya yung papers sa dalawa, meron syang pinafill up an sa amin , tapos ang nakakatawa dun meron isang tanong dun na kelangan pa namen tawagan yung mga nanay namen kase nakalimutan namen kung anong ilalagay namen sa mga birthdays nila hahaha .. 

buti naman at nagresponse sila agad, pagtapos nung pag fill up namen sa papers na yun , meron syang pinagawa samen na importante tru online , so sinabi naman nya kung ano yung mga gagawin namen at kung saang website kame pupunta.

bumaba kame ng building, at dun ko narealize kung bakit merong mga computer shops dun at xerox copy keme .. nagpatulong ako sa mga attendant dun sa computer shop nang mga gagawin sa website na yun , at mababait naman sila , saka marami ring mga nagpapatulong sa kanila sa paggawa nang ganung papers kase isa yun sa pinakaimportanteng papel nang mga nag aabroad. at thankful naman kame dahil kahit papano may mga tumutulong sa amin nang ganito dahil wala talaga kameng alam pagdating sa ganitong bagay dahil nga firstimer kame.

sinabihan din naman kame na kelangan namen na ma xerox copy yung mga passports namen,  pagtapos namen magawa yun pumanhik na ulit kame sa taas , at sabi ni ate na mag uupdate ulit sya sa amin , para pabalikin ulit kame dito sa opisina nya , para sa picture at iba pang kemerut sa pag aasikaso ,.at ang importante lang duon sa pagpunta namen is yung makita nang agency yung appearance namen , na maayos kame kausap at hindi kame poser ba ganun.

kase may ipapadala sa amin na pera para sa panggastos sa medical at pagpapavisa so parang inaa-sure lang na tao kame kausap at mapagkakatiwalaan.

sinabi rin sa amin na kelangan namen mag intay ulit dahil may ipprocess pang mga dokumento sa opisina nila , para rin yun sa pag aayos nang visa namen , para rin daw wala nang hanapin sa amin once maabot namen yung mga papers na yun sa chinese embassy .. 

NEXT! 


Minerva Acoustic BandWhere stories live. Discover now