Twelveth

4 0 0
                                    


At umuwi kame nang pagod at puyat haha..

Mejo nahirapan kame sa pag uwi namen dahil first time namen na pumunta dun pero dahil mejo maaga pa at nung araw na yun ay meron akong gig sa Soupah bowl sa macapagal road bumaba na ako dun .

habang si jerome naman ay iniwan ko na dun sa sinasakyan nameng grab papuntang baclaran dahil dun yung sakayan papuntang Tanza cavite. nag split way na kame.

sobrang aga pa nun ,at dahil sessionista ako nun sa tropa nameng gitarista na si Anthony napag usapan namen na pumunta muna na ng Raon para bumili ng kinokompleto nyang gamit sa kanyang soundsystem . pumunta na rin sya ng ganung kaaga para samahan narin ako.

habang hinihintay ko sya duon nag papaupdate ako kay jerome kung nasan na sya para alam ko kung maayos ba syang makakauwi.

maya maya pa ay dumating na si tropa sa place ko gamit yung kanyang motor ay nagpunta na kame sa raon para bumili ng mic stand nya.

bumalik na kame ng resto na tutugtugan namen at hinintay namen yung isa pa nameng kasama na drummer na si euree , habang ako nag reretouch sya naman ay nag pprepare na ng sound system para plug and play nalang pagdating nya , 

ilang minuto lang ay dumating na si euree gamit din yung kanyang motor , habang si jerome naman ay nasa byahe na papuntang tanza cavite ,. 

nung dumating sya ay napagdesisyunan namen na kumain muna dun sa paborito nameng kainan sa tapat lang mismo nung tinutugtugan namen , umorder kame ng Pansit canton , kanin at itlog.

maya maya pa ay tumugtog na rin kame sa resto.

matapos ang gabi ng tugtugan hinatid na nila ako sa bacoor para duon ako sumakay ng papuntang tanza , 

pagsakay ko sa baby bus , duon ko lang naramdaman yung pagod , pero bago pa ako makasakay sa baby bus ay bumili muna ako ng pasalubong ko kay jerome.

nung ako ay nasa bus na at nakasandal na ako , nilabas ko muna yung phone ko at earphone ko para magpatugtog , para lang mawala yung pagod at antok na nararamdaman ko , at bawal akong matulog sa bus dahil baka manakawan ako hehe at baka lumagpas na rin ganun ba, lalo na at gabi pa yun.

halos ilang minuto rin ang byahe , mag iisang oras o higit pa ata , dahil malayo ang lugar ng tanza sa bacoor.

pagbaba ko sa jollibee ay naglakad ako papunta dun sa karinderya para bilhan ng pagkain yung aso at pusa ko , 

nakakaramdam ako ng excitement sa pag uwi dahil makakahiga na ko hahaha .. 

pagtapos ba naman ng mahabang byahe at puyatang araw , tapos sumession pa ko talagang maeexcite kang umuwi ng bahay eh hahaha .. 

pagdating ko sa tapat ng pinto namen ay duon palang naririnig ko na yung pusa ko at yung aso na kahol ng kahol. 

pagpasok ko at sya namang paglabas ng pusa ko ahaha sabi ko wow welcome home to me haha...

prinepare ko na yung pagkain ng aso ko  , at saka ko sya pinalabas na sa kwarto nya.

at natapos ang sobrang nakakapagod na maghapon na masaya dahil sa mga alaga ko.

----------------------------------

ilang araw ang lumipas at tumawag yung staff duon sa chinese embassy para sa aming Interview.

 kinabukasan din na yun pumunta na kame sa embassy ng parehong oras.

at eto nanaman sa byaheng umagang umaga , nasa harapan ulit kame ng bus habang nakatayo at binabaybay ang cavitex , nasisinagan ako nang araw na sooooobrang ganda at sobrang nakakamangha , kahit ilang beses na kameng gumigising ng sobrang aga para sa pag aasikaso nitong pag alis namen ,hindi ko parin maiwasan na mamangha sa sunrise , dahil lagi kameng tulog ng maghapon gising sa magdamag, halos ganyan ang buhay ng banda.

nakarating kame ng embassy na mas marami na yung tao kahit maaga kame nakarating dun , ganun pa rin , kumuha muna kame ng ID pass namen saka bumalik ulit sa pila .

nang makarating na kame sa taas , dun na kame pinapila sa kabilang bench , ibang number na rin yun hawak namen iba na rin ang kulay , dahil siguro hindi na kame pipili dun sa una nameng pinilahan dahil nasa ibang stage na kame. 

dumating na yung number namen kame naman yung tinatawag para sa interview namen,

meron lang dun isang matandang babae na personel , chinese. pero maayos naman syang mag english.

tinanong kame na kung kame ba ay nag aral ng music , kung pano kame natututo kumanta at tumugtog ng gitara , kung saan saan daw ba kame kumakanta , may proof ba na kame ay magttrabaho sa china , pinakita namen yung hotel na binigay sa amin , tapos kung may proof din ba na kame ba ay mga talagang musikero , pinakita namen sa kanya yung VTR namen , at pagtapos nun ay sinabihan kame na babalik ulit para naman sa pag release nang aming Working Visa.

mejo nakakapagod din talaga yung ganitong klase ng pagaasikaso, 

pinayuhan kame ni lester na kung pwede nameng isingit yung medical tutal nandito na kame sa manila eh magpamedical na rin kame.

pagtapos ng interview. naggrab na kame para makapunta dun sa pagmemedicalan namen , binigay ko yung address na inabot saken dun sa agency nila ate.

nang makarating kame dun mabili naman nila kameng inasikaso.

at nung maghapon din na yun ay natapos rin ang medical.

at umuwi na kame hindi nako nakapag session dahil hindi ko na kaya.

at natapos nanaman ang isang nakakapagod na araw ..


NEXT !!!



Minerva Acoustic BandWhere stories live. Discover now