Eighth

10 0 0
                                    


nandun lang kame sa loob ng Greenwich na yun hanggang sa ubos na yung foods namen pero nagstay pa rin kame dun ng saglit lang para magpahinga sandali dahil nabusog kame sa inorder nameng foods,

 tapos na pag desisyunan na namen na maggala muna tutal hindi pa naman nagtetext si sir ace ng update.

nagpunta kame sa second floor ng mall , sa pagkakatanda ko sm rizal yun ata?? , so ayun pumunta kame sa 2nd floor , syempre may nakita kameng WATSONS haha ,ano pa ba edi wala syang nagawa hahaha ... naglibot ako dun , at sakto wala nakong foundation nun saka powder kaya napabili ako nang biglaan HAHA .. 

marami pa kameng nadaan dun sa mall na yun, hanggang sa nag text na si sir na malapit na matapos so bumalik na kame.

pagdating namen sa studio , nakisilip kame sa ginagawa nya , halos tapos na yung vids kinompres na nya lahat para isang vids na , hindi na marami yung ipapasa. pinanuod namen yun isa isa pagtapos nyang gawin. pati yung mga pictures ok na rin tapos na rin syang pagandahin. hiningi nya yung gmail ni jerome para dun na ipasa yung mga pictures and videos , isang compress videos at yung apat na videos na tig iisang buong kanta. 

habang nag aantay kame nun na masend sa gmail ni jerome yung mga files , nagkakwentuhan muna kame dun sa studio , si sir ace, naging costumer din pala nya si sir lester before , tapos marami na rin syang naging kliyente na kagaya namen na lumalapit sa kanya para magpagawa ng VTR for abroad , at nakakaalis sila pagtapos , sa isip isip ko nun baka makaalis na rin kame haha .. pinakita din nya na dati rin syang byahero sa ibat ibang bansa , pinapanuod nya pa samen yung mga videos nya sa china din , Drums ang hawak nyang instrumento.

dito naisip ko yung buhay ni sir ace , ang ganda ng buhay nya , ang ganda ng negosyo , yung asawa nya nagmamay ari ng isang resort na halos kapitbahay lang nila , makikita mo na talagang nagsikap sya para maging successful sa buhay kagaya ng kinalalagyan nya ngayon , sa kanya ako nakakita ng inspirasyon na balang araw magiging ganito rin kame ni jerome , kahit hindi naman ganito kaganda pero asensado ba , kahit ganun lang , may mangyare lang sa buhay namen.

 HAHA bigla kong naisip yung mga nagsasabi samen na wala daw  kameng mararating sa pagbabanda  pero nung nakita ko yung studio at bahay ni sir ace hahaha , wala pala ahh HAHA ...

balang araw ganyan din kame sabi ko sa sarili ko. binigyan nya kame ng mga tips dun sa china na ganito ganyan pero tbh nakalimutan ko na , nakafocus kase ako dun sa iniisip ko na future namen pagtapos namen dito sa pagpasa ng videos kay sir lester . napag usapan din namen na si sir ace na rin ang magpapasa kay sir lester kahit na pinasa na nya sa gmail ni jerome yung videos , kase kung kame pa baka kinabukasan pa mapasa yun kase uuwi pa kame ng cavite. Nilagay nalang ni sir ace yung documents sa back up CD tapos binigay samen , hinatid nya kame hanggang sakayan pauwi ng cavite , 

Sa byahe pinag uusapan nameng dalawa yung mga nakita namen dun , yung bahay nya , yung resort ng asawa nya. Ang ganda ng buhay nila , nag umpisa lang yun sa pagbabanda nila (although hindi naman namen kilala ng lubusan si sir ace pero atleast nakita namen na isa sa dahilan ng pag asenso nila yung pagbabanda) , dun palang nagkaron na kame ng pag asa na kahit sa pagbabanda aasenso ka , gaya ng ibang nakita namen na mga beteranong musikero na ang gaganda na ng buhay nila matapos ang ilang taon sa abroad bilang banda, hindi mo rin talaga masabi yung panahon eh no.  sabi nila suwertihan lang ang pagaabroad pero ngayon palang naaamoy ko na yung swerte na yun.

matapos ang ilang araw naibalita na rin samen ni lester na yung pinasa na videos ay nakapasa sa agency nila , isang napakagandang balita para sa amin yun , kahit papano meron ng nakapasa na isang requirement , matapos nun pinfollow up samen yung mga ibang documents , tulad ng Passport copy , birth certificate , at mga ID pictures , pati repertoire.

Repertoire (repertwa) means list of songs , ginawa namen to sa computer shop talagang naglaan ako nang oras maencode ko lang ng maayos yung mga kanta namen ng ubooood ng dami , at buti nalang may mga chinese songs kame , dahil dati may tinutugtugan kameng hotel sa City of dreams sa nobu hotel , hawak kame ng isang tourist agency , sila yung mga nag tatake care sa mga turistang nabisita sa pinas tapos sa nobu hotel yung pahingahan nila, yung agency na yun mas marami silang tourist na chinese kaya dahil sa kanila nagkaron kame ng chinese songs Salamat sa DREAMTRIPS . <3 

pagkapasa namen ng mga dapat ipasa sinabihan kame na iuupdate nalang kame once nilakad na yung permit namen sa china , isang importanteng document yun para magawan kame ng visa dito sa pinas para makalipad kame . 

nangyayare yung mga ganitong bagay na wala kameng pinagsasabihan na kahit sino kahit magulang namen hindi alam lalo na mga kaibigan namen kase maraming beses na kase yung nangyare na malayo palang sinasabi na nila na aalis sila tapos hindi natutuloy , nauudlot kumbaga. kaya sabi namen ni jerome na wag muna ipaalam kahit kanino yung tungkol dito dahil natatakot kame. ahahaha .. 

kada araw na lumilipas lagi akong nagdadasal na sana ok na , dahil gustong gusto ko na talagang umalis , gusto ko na guminhawa buhay ng pamilya ko , hindi nako mahirapan sa araw araw na byahe , at syempre nangako ako sa papa ko at talagang naniniwala sya sa akin noon na kayang kaya ko tulungan yung mama ko kapag nawala sya, isa yun sa mga tinatak ko sa utak ko nung bago may nangyare sa kanya. na tulungan ko ang nanay ko dahil ako lang daw ang aasahan nya pag nawala sya , kaya mula noon, habang nag o-OJT ako nakanta ako.

araw araw nagdadasal ako , tapos eto weird , kada mag ooras ng 11:11pm nag wiwish ako hahaha .. effective naman sya hahahha .. nung panahon kase na yun nauso yung ganyang oras tapos magwiwish ka lang , haha di ko itatanggi hahaha .. 

habang nag aantay kame ng permit , kinakausap kame ni sir lester tungkol sa mga worst sa china kapag nandun na , kase ayaw nyang magexpect kame nang maganda , maigi na dito palang malaman na namen para ready kame at dito palang tanggap na namen yung mga worst dun sa china na papasukan namen..


NEXT!

Minerva Acoustic BandWhere stories live. Discover now