Fourth

7 0 0
                                    

tulad ng sabi ko kanina na malaki ang naging parte sa amin ni sir Joey abando , 

nag umpisa to nang makasabay nya si kuya sa baby bus dun sa bacoor cavite habang pauwi galing ng gig sa las pinas na tinugtugan namen, 

(umuuwi pa kase ako nun sa las pinas kaya hindi kame magkasama nung nagmeet sila)

ang kwento ni jerome saken e tinanong sya ni kuya kung nag lelead sya dahil meron syang dalang gitara , habang papauwi sila nagkakakwentuhan sila hanggang sa nagkakuhaan ng numbers tapos nag usap na magkita nalang sa bahay nila sa eeeeeeennnnkkkkk .. secret!! HAHA 

nag set kame ng araw nang pagpunta dun kina kuya , nagkakakwentuhan kame tungkol sa mga tugtugan nuong araw , nag jamming jamming kame nun , nung panahon na yun shredder pa tong si jerome kumbaga nasa ere pa ng pagiging metal nya ,although hilig din namen umattend ng mga underground kaya tong si jerome mahusay pa sa pabilisan , pero hindi namen napapabayaan ang pag vavariety .. pag may oras umaattend kame ..

Dito, napagkasunduan namen na sumama sa isa sa mga tutugtugan nya , event daw , pero event naman talaga , pero etong si kuya malihim pala sa amin , nakailang araw na kame na ensayo sa bahay nya hanggang sa nakakahalata na kame na yung ini ensayo nameng kanta e sakanya pala , nung una oo nagulat kame sabi namen woooooooow! may kasama tayong isang beteranong sikat , nakakajamming at makakasama pa kame sa isa sa mga concert nya ang husay!

sobrang proud namen sa sarili namen nun kase meron kameng kasamang sikat , maglelead si jerome samantalang ako naman yung mag baback up , kaso merong problema.

nung panahon na yun hindi ako kahusayan mag back up ng kanta i mean mag second voice. hirap na hirap ako , tinuturuan nila ako sa pag baback up pero nahihirapan ako kase hindi naman ako humahawak ng instrumento nun kaya hirap ako sa paghahanap ng second voice sa kanta nila , at alam naman naten na yung mga kanta nila is puro bosesan kaya napapakamot nalang ako sa nun HAHA ..

mejo nawawalan ako ng pag asa nun pero kahit papano nakailang shows kame na nakasama ako habang nag baback up , pero nung tumagal parang hindi para sa akin yung pag baback up kaya si jerome nalang yung sumasama nun , naglelead sya sa banda.

sobrang mahuhusay at masasabi mong mga beterano na talaga tong mga nakakasama namen kase mula sa bahista na si kuya danny ,ang lupit nito! nakanota sya tapos kaliwete sya sa pagtugtog ng bass nya , nakasama din namen si kuya monet na gitarista dati ni arnel pineda kaso pumanaw na sya nitong nakaraang taon, Si kuya BM na sobrang husay pumalo , walang labis walang kulang , puro all star! nakasama rin namen si kuya Lucas na kumanta ng ' namumuro ka na ' kung alam nyo yun , sikat yung kanta nya sa mga lasenggo na may pinag dadaanan sa mga asawa nila HAHAHAHA .. kaso wala na rin si kuya lucas , pumanaw rin sya nitong nakaraang taon din.

ang saya at feeling namen ni jerome na pati kame all star na rin dahil sa kanila ahahaha pero charot lang! , 

nakilala ko si ate joan , yung asawa ni kuya joey , sya yung namulat saken sa pag mamake up at pananamit bilang isang bokalista .. tinuruan nya ko kung pano mag lagay ng make up , naaalala ko nuon na tumugtog kame sa Musica sa greenhills , napilitan akong bumili ng make up sa watsons nun dahil dadating yung may ari ng musica bar para panoorin kame at lalo na si kuya joey.

sa pagkakaalala ko bumili kame ni ate ng isang cake foundation na nichido , lipstick at eyeliner ata yun hahaha sa pagkakaalala ko ha HAHA .. ginamit ko yun at tinuruan nya ko pano gamitin yung cake foundation na binabasa pala yun hahaha syempre eng eng pako nun , at buti nalang at nandun sya

pinapahiram pa nya ako ng gamit nya , ng damit nya pero syempre sinasauli ko rin pagtapos ng gig . kame yung pinabata sa grupo , pinaka anak nila kame .. nakakatuwa lang at may mga natutunan kame sa kanila na mga pang professional na ginagawa ng isang musikero on stage like kapag mag asawa kayo , wag magdidikit sa loob ng bar , magpretend na hindi kayo magkarelasyon kase unprofessionalism yun kapag sa loob ng bar e ang sweet nyo , distansya kapag nasa trabaho. isa yan sa natutunan namen, 

as a singer naman yung kahit anong klase ng kanta mo dapat palagi kang naka SMILE! mataas o malungkot dapat nakangiti ka para hindi ka nakakatamad panuorin , 

mahalaga rin yung gumagalaw ka , naapply ko yung tinuro saken ni kuya arthur nun nung nasa kanya pa kame yung ganung teknik kapag nasa stage ka kaya nung panahon na yun madali na sakin yung mag sway sway sa stage habang kumakanta .. nakakaaliw nga namang panuorin kapag ganun .. 

at ang isa pa sa pinakamahalaga na parte nila sa amin is yung mga PONDO , yes pondo kumbaga sa isang banda ang tawag namen sa mga kanta eh pondo, mga kantang pang hotel , pang kasal , blues , JAZZ , bossa .. yung mga kantang pang abroad-an.

lahat ng kanta na binigay nila dinadala namen hanggang ngayon ginagamit namen sa mga gigs and events namen kung saan saan , mga tekniks sa stage at mga professionalisms na tinuro samen inapply namen sa sarili namen dahil gusto nameng maging katulad nila lalo na silang mag asawa.

may mga kantang binigay din kay jerome na talaga namang nagpamulat sa kanya sa mundo ng blues , dahil kay kuya joey at sa grupo namulat sya sa ganitong genre na talagang nagpahirap sa kanya .. kase aminin naten lalo na yung mga gitarista jan nahihirapan din sa blues , jazz at classic. lalo na kapag galing kang metal tapos biglang bagal HAHA . hindi ako gitarista pero nahihirapan din ako sa ginagawa nya . pero soooooooobrang worth it !! 

lumilipas ang panahon ng maraming gigs and events nagkakaron na rin ako ng ipon na makabili ng mga pansariling gamit ko like make ups and dress kahit papano nagkakaron ako paisa isa . kase mejo may kamahalan din ang isang piraso ng make up nun kaya isa isa lang haha 

ang sarap sa pakiramdam na habang tumatagal humuhusay kame sa paraang gusto namen , passion namen to eh , kaya dapat lang na paghusayan pa namen dahil pagdating ng panahon lahat to ituturo namen sa iba .

hanggang isang beses na mejo nagiging busy na ang grupo sa kanya kanyang gigs , ganun din kame . nabubusy na kame sa sunod sunod na gigs and events. 

lalo pa na kelangan ko talagang kumayod nun para merong pambili ng gamit yung mga bata sa school nila .

NEXT!

Minerva Acoustic BandWhere stories live. Discover now