"Kuya saan po ang banyo niyo?" tanong ko sa isang staff dito sa kinainan naming ni tita lyn. It's our second day! We we're eating breakfast tapos parang naparami yata ang inom ko ng buko juice kaya heto tuloy naghahanap ako ng maiihiian.
"lakad lang po kayo ng straight ma'am,"
"thanks kuya" pagmamadali kong sagot kasi ihing ihi na ako.
"...btw ma'am, don't be confused po sa cr ng babae't lalaki ma'am since they have the same design"
"...salamat po ulit" and I rushed towards the direction he told me.
After sa pagmamadali ko ng takbo, I finally came and... yes their comfort rooms have the same design, but I was confident sa papasukan kong banyo kasi may nakita akong babaeng lumabas sa isang cr bandang kanan,... babaeng umiiyak? Kakalabas lang ng banyo... I really hate seeing girls cry. Lalo na kapag ang rason ay isang lalaki lang. They don't deserve na iyakan ng babae dahil puro pasakit lang ang dulot nila sa buhay ng mga babae... and of course except my papa.
I opened the door sa cr, and there's a wall pa infront before ka makakapasok sa cubicles, so I have to turn right...and...O M G
"AHHHHHHHHHHHHH" we both shouted. Dali dali akong tumakbo palabas ng banyo at unfortunately, nabunggo pa ako sa wall,
"Stupid! Panlalaking banyo to!!!" I heard him shouted kahit malayo na ako.
"Anak ng kabayo naman oh!" I whispered as I went back to our table. Nakakainis naman oh! Ba't ba kasi...BA'T BA KASI AKO PUMASOK DUN? Ba't ba kasi.. Ba't ba kasi pumasok yung babae dun?? That was really embarrassing!
"Hey Zia, Are you okay? Ba't ang pula-pula mo?" tita asked wondering.
"I'm fine po..."
"Are you sure?" mahinhin na tanong niya ulit.
"Titaaaa huhuhu" I said while covering my face kasi I'm so embarrassed about what I did lately
"Hey, kumalma ka muna, uminom ka ng tubig oh..." inalok niya ang basong tubig para makalma ako.
So pagkatapos kong uminom ng tubig, nagsimula na akong mag kwento sa nangyari and I can't really stop myself na mamula since I'm totally embarrassed. I almost saw his...shit nevermind!
"Hahahaha" tita laughed.
"What's funny???"
"nothing hija, finish your buko juice na oh" patawa tawa niyang sabi.
"ayoko na po diyan, lintik na buko juice iyan" I said and started scrolling on tita's phone, since I forgot to bring mine. I posted a food photo captured by yours truly.
Hindi na talaga ako babalik sa banyo dun kasi ayokong Makita ulit ang mukha ng lalaking iyon. He even called me stupid, how dare he! Akala mo sinong matino, duh!
After our breakfast, pumunta kami sa isang souvenir store. Pa tingin tingin lang ako sa mga cute souvenirs dito habang si tita ay nag hahanap ng beach suits niya dahil she was still out of her mind nung pumunta kami dito at hindi daw siya naka dala ng bathing suits. I hope she'll be totally fine after this. Wala namang masakit na nagtatagal, lahat naghihilom pero matagal nga lang... pero atleast naghihilom diba.
"Ouch" I said while hinihimas himas ang ulo ko, natamaan ako ng maliit na bola galing sa mga batang naglalaro.
"Sorry po, hindi po daw sinadya ni kuya Kurt" A little cute guy came and smiled while saying sorry. So nag smile back lang ako and said It's okay kasi I can't resist his cuteness. Ansarap pisilin yung mukha.
"Sorry ma'am" pang apologize ng isang staff and she even explained na mga anak pala yun ng ka business partner ng resort kaya hindi nila basta bastang napapagalitan o nabubugaw ang mga batang iyon.
So I said It's okay again,kasi wala namang sense kung magagalit ako, at wala namang magandang maidudulot sa buhay ko kung pagsusungitan ko sila. Pero I hope hindi nay un mangyayari sa iba pang costumers.
"Are you okay Zi?" tita asked.
"Yes po" I smiled.
BINABASA MO ANG
SUMMER PARADISE
RomanceMay pag-ibig pa rin na mananatili lalo na kung tunay niyong iniibig ang isa't-isa.May pag-asa pa ding magkabalikan ang pagsasama ng dalawang taong matagal ng natapos ang ugnayan. Kung kayo ang para sa isa't isa, paulit ulit pa rin kayong ipagtatagpo...
