"Yow Kurt? Where are you going?" nagtagpo kami ni Shawn sa pathway.
"Magpapahangin lang sa pool" matamlay kong sagot. Parang nawawalan na ako ng gana.
"Ba't parang hindi yata maganda ang mukha natin ngayon bro? Is there a problem?" he asked.
Kasalanan ko din naman lahat to eh, hindi ko man lang din naibanggit ang pangalan ni Zia sa kaniya, siguro may chance kaming magkita sa LA kung nalaman kong siya pala yung gf ni Shawn.
"B-bro nakita kita k-kanina," nauutal ako shet! " S-si Zia pala..." shet wag ko na kayang sabihin? Baka masaktan ko lang damdamin ni Shawn, pareho pala kaming naibigan.
"Kilala mo pala si Zia?" he smiled.
"Ahh..Oo, pero matagal nay un..." sasabihin ko na sanang aalis na ako kaso may idinagdag siyang sinabi.
"Maganda yung pinsan ko noh? Ilalakad kita dun, para naman maka move on ka na sa babaeng minahal mo ng sobra" Patawa niyang sabi.
"HINDI MO BRIDE SI ZIA?" pareho kaming nabigla pero mas gulat na gulat siya sa reaksiyon ko.
"Wait... Bro, Don't tell me..." nanlaki yung mata niya. "Don't tell me, si Zia yung babaeng palagi mong kinekwento sakin??" he laughed at tila hindi siya makapaniwala.
"Ano naman ngayon?" binatukan ko siya
"Wala lang naman HAHAHAHA" tawang tawa pa din siya. "Ano pang hinihintay mo diyan? Puntahan mo na siya! Atsaka p.s. ha, kung hindi kami pinsan nun, hindi pa rin ako magkakagusto dun, ang arte ng lolang yun!" patawa pa din niyan sabi.
"Well, I guess bukas ko na talaga makikilala yung bride mo" I smiled.
"Goodluck!" tinapik niya yung shoulders ko atsaka ako tumakbo ako papunta Garden.
Pagdating ko dun, wala na siya, hindi ko na maaninag si Zia. Nasaan na kaya yun? Hindi ko papalampasin ang gaing ito na hindi siya nakaka usap. Miss ko na siya. Hindi ko na hahayaan mawawala pa siya ulit sakin. Hindi na talaga. Marami kasing nangyari sa araw na iyon nung umalis kami sa resort. Nung araw na inatake ng bleeding si Kelly, bigla siyang pinadala ng doctor sa mga professional na specialist sa LA para ma save siya. We spent all the money we had para kay Kelly, ganun kasi ka importante si Kelly sa amin. Simula nung pagtatagal ni Kelly sa Hospital, hindi na masydong nag aaway sila mama at papa, ngunit bumalik din ang pag aaway nila nung wala ng perang maigastos sa pagpapa ospital kay Kelly. Three months siyang nag stay sa hospital. Three months nagtitiis ang kapatid ko sa matutulis na karayom at mapapait na gamot. After three mnths, nag aaway na ulit sila mama dahil wala na nga kaming pera, until they've decided na e arrange marriage ako kay Lulu, to save our company's bankruptcy at magiging good match daw yung business naming at business nila para din dw mag bloom yung Factory nila pero hindi ako pumayag. Umalis ako sa bahay at tumira ng dalawang buwan sa condo ni Shawn. Naduwag ako. Ayoko namang ma disappoint sila Dad sakin kaso ayoko na ding madisappoint ako sa sarili ko, marami na akong kagaguhang ginawa sa buhay ko at mga pinagsisihan kaya ayoko ng maulit ma lahat yun. Until one day siguro Kiko volunteered na siya nalang daw yung ipa arrange marriage sa bunsong anak ni Mr. Lanioso na si Paula, kasi crush din naman daw niya yun atsaka may ibang mahal din si Lulu... Bumalik ako sa bahay. Pagkatapos ng ilang araw, akala magiging okay na ang lahat, kaso akala ko lang pala yun... Kelly left us. Stage 4 na pala yung Leukemia niya.
I was too broke to talk to anyone. Parang pinarurusahan yata kami ng panginoon. I was too broke and too miserable that I almost ended my life. Kaso I suddenly remembered ang nag iisang babaeng naiwan ko sa Pilipinas, si Zia Daguman Gorres. She inspires me to live my life again. Nagpakatatag ako, for her, for myself and for my family. I've work hard para ma iahon ko mula sa pagkalubog ng businesss namin. Pinaguran ko ang lahat, at nagbunga naman lahat ng pawis ko. Bumalik sa dati yung ratings at sales ng negosyo namin sa factory...kaso may kulang eh... wala na si Kelly...
I look around dito sa garden, hindi ko parin nakikita si Zia. Inikot ko na ang buong sulok dito. Nawawalan na ako ng pag-asa dahil sa pagod. Namamaga na ang mga mata ko kakaiyak sa kakaisip sa mga pangyayari sa buhay ko. Pumunta ako sa pool, para makahiga sa gilid at makapag pahinga...
Kalahating oras akong nakatulog, pag dilat ko ng aking mga mata tila ang bigat yata nito, kakaiyak ko kanina. Nagulat ako ng makarinig ako ng mga babaeng nagtatawanan papunta sa pwesto ko, kaya aalis n asana ako ng biglang
*bogsh*
Nahilo ako at natumba.
Naaninag ko ang isang babaeng biglang lumapit sakin... Hindi ko pa nakikita yung mukha niya dahil nakayuko pa rin ako, hindi ako makatayo.
Pagka angat ko ng aking ulo, nakita ko si...
"Z-zia" nginitian ko siya.
"K-kurt" hindi maipinta ang mukha niyang gulat na gulat. Tumayo ako, at sa hindi ko inaasahan, inalalayan niya ako. Akala ko galit siya? Akala kokinamumuhian niya na ako?
Tumititig lang ako sa kaniya habang siya nakayuko, pinauponiya ako sa may folding bed sa tabi ng pool,
"Lasing ka ba?" iritang tanong niya.
"N-nakainom l-lang" shets ba't ba ako nauutal?
Ilang minuto din kaming nabalot ng katahimikan.
"Z-zi.." nagulat siya ng bigla akong nagsalita. Hindi niya pa rin ako tinitignan, nakayuko lang siya. "K-kamusta ka na?.." nakita kong ngumiti siya,
"Heto, may trabaho na"
"Kamusta si Tita Lyn?"
"Okay lang din naman"
"Uhm Zi?..." This time lumingon na siya, "tungkol sa atin noon..."
"Wag na antin ungkatin pa ang nakaraan Kurt, matagal ko nay un nakalimutan, matagal na din kitang kinalimutan" aalis n asana siya ngunit hinawakan ko yung kamay niya kaya't natigilan siya.
"...let me explain please..." Hindi ko makontrol yung emosyon ko, sadyang nasaktan ako sa mga sinabi niya. Hiindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha. "...please" bumalik siya sa pagkakaupo. Ngunit hindi pa rin niya ako tinitignan. "Thank you" sabi ko.
Nagsimula na akong masalita tungkol sa lahat. Simula sa pinaka simula. Hindi ko naman gustong paiyakin siya pero umiiyak na siya ngayon.
"Sorry Zi dahil bigla nalang akong nawala, sorry dahil hindi na ako nakapag sabi sayo, sorry dahil hindi ako agad nakapag explain sayo, sorry dahil naduwag ako, sorry din dahil naiwan kita dito at lubos kitang nasaktan... Sorry Zi" Hindi ko na ulit mapigilang umiyak. Lalaki ako tol pero, ang drama ko.. Palagi ko nalang hindi napipigilan ang mga luha ko. Para tuloy ang bakla bakla ko! Ano bay an Kurt! Pero okay lang, ang totoong lalaki naman marunong umiyak at hindi nahihiyang umiyak dahil totoo yung pagmamahal niya sa isang tao.
Parang nabunutan ako ng tinik ng bigla niya akong niyakap.
Masayang masaya ako.
BINABASA MO ANG
SUMMER PARADISE
RomansaMay pag-ibig pa rin na mananatili lalo na kung tunay niyong iniibig ang isa't-isa.May pag-asa pa ding magkabalikan ang pagsasama ng dalawang taong matagal ng natapos ang ugnayan. Kung kayo ang para sa isa't isa, paulit ulit pa rin kayong ipagtatagpo...
