He's leaning on his knees kaya hindi niya ako napapansin na papalapit.
"...hoy" sabi ko ng pakalma. Para siyang nagulat nang Makita niya ako, dali-dali siyang nagpunas ng mukha. Habang papalapit ako napansin ko ang malungkot niyang mga mata na tila galing pa sa pag-iyak.
"anong ginagawa mo dito" pa cold niyang tanong
"...naghahanap ng makukulay na starfish...kaso iba yung nakita ko eh, isang malungkot na starfish..." I joked. "Ikaw anong ginagwa mo ditto?" I added,
"I was just trying to get some fresh air..." I smell something fishy ditto kay Kurt.
"Pwede bang tumabi?" sabi ko habang tinuturo yung space sa gilid niya at tumango naman siya. "I know di ko to business ha, pero let me ask you... are you okay?" Nag aalala din naman ako kasi nga ayaw kong nakakakita ng malulungkot na tao.
"..." it takes a few minutes bago niya sinagot yung tanong ko. He took a deep breathe and started talking.
"...si Daddy yung tumawag kay Mommy kanina kaya umalis kami pagkatapos ng agahan... bumalik kami sa kwarto kasi dumating si Dad, tapos ayun, 'twas fine at first, hanggang sa nag away nanaman sila...Nakakainis na. Nakakasawa na palagi nalang silang nag aaway," he talked about everything. Hindi ako umiimik, nakikinig lang ako all these time sa mga sinasabi niya. Para naman mabawasan yung dinadala niyang sakit.
"...kaya pala umiiyak ka" I whispered pero narinig niya.
"...a-ako? H-hndi ah" he denied HAHAHA at namumula pa.
"in-denial ka pa..."
"hindi nga sabi ehh..."
"...aminin mo na kasiiii"
"hindi nga sabi eh" ginulo niya yung buhok ko,
"Aray kooo!" sabi ko habang sinisiko siya at tumayo ako at aakmang tatakbo n asana papalayo nang bigla niya akong pinigilan
"Ang brutal mo ha! Heto sayo...yahhh" kaya ayun mas ginulo pa niya lalo yung buhok ko at hinawakan yung dalawa kong kamay para hindi siya masiko tapos pinagtawanan niya pa ako kasi mukha na daw akong bruha sa buhok ko.
"Ang bully mooo Valentinooo!" sabi ko habang kumakawala sa paghawak niya.
"...huwag mo akong tawagin sa pangalang iyannn" sabi niya habang namumula.
"HAHAHHAHA VALENTINO" pang iinis ko sa kaniya.
Sinipa ko siya ng malakas kaya nabitawan niya yung paghawak sa akin. "...sorry hindi ko sinasadya..."sabi ko nang yumuko siya dahil sa lakas ng pagsipa ko sa tuhod niya. I felt guilty. I thought nagalit siya pero mas lalo niya pa akong kinulit at mas lalo niyang nilakasan ang paghawak at pag pulupot sa dalawa kong kamay. Until... we had a very awkward position. His both hands were wrapped around me habang hawak-hawak niya ang kamay kong naka pulupot sa aking likuran, kaya hindi ako makagalaw... We we're too close...we stared at each others eyes... napaka awkward ng atmosphere kaya I tried to break it at ibinaling ko yung atensyon namin sa napakagandang kalangitang patakip-silim na.
"Ang ganda oh!" sabi ko at bumitaw sa uncomfortable position namin.
"...siyempre mas maganda ka..." he whispered pero narinig ko ngunit hindi ko nalang pinansin at baka makita pa niya ang kulay kamatis kong mukha.
Pagkatapos naming manuod sa takip-silim, umalis na kami sa tabing dagat at nagsibalikan sa mga silid namin.
"Zia, ba't hindi ka na nakabalik dun sa kainan tapos hindi ka pa nagpaalam na kung saan ka pupunta...nag alala ako sayo" pambungad ni tita pagkapasok ka sa silid.
"...sorry po, nawala pos a isip ko yung inutos ninyo kasi pinanuod kop o ang pag lubog ng araw..." I explained.
"okay never mind, atleast you're here na" she smiled and get back to work, gumagawa kasi siya ng report niya.
Pumunta ako sa banyo para mag half bath at mag prepara para makatulog na. Hindi ko maalis sa isipin ko ang nangyari kanina...It's bothering me....
"AHHHhh" I shouted.
"Zia, whats happening?" sigaw ni tita mula sa labas.
"wala po tita, may nahulog lang po" nahuhulog pa lang pala...marupok eh.

BINABASA MO ANG
SUMMER PARADISE
RomanceMay pag-ibig pa rin na mananatili lalo na kung tunay niyong iniibig ang isa't-isa.May pag-asa pa ding magkabalikan ang pagsasama ng dalawang taong matagal ng natapos ang ugnayan. Kung kayo ang para sa isa't isa, paulit ulit pa rin kayong ipagtatagpo...