Parang wala namang nagbago sa lugar na ito. Ang ganda pa rin. Kaso parang napaka uncomfy ko kasi dito ko unang nakilala ang unang lalaking minahal ko. At dito sa lugar na iyon una kaming nagkita, sa Siargao. Buti nalang hindi kami dun sa katapat na resort, sa resort nila.
"Pansensya na late ako, Nakakainis yung traffic" sabi ko kay Lianne na sumalubong sa akin sa hotel
"Wala ka talagang pinagbago Zia! Sabi naman namin 6 magsisimula yung Bridal Shower diba? Edi sana, before 6, o kahit ala una pa lang ready ka na, tapos kahit isang oras o dalawa ka pa diyan sa kalsada, makakarating ka pa rin sa tamang oras. Hindi yung 6 magsisimula ang event tapos 5:30 ka na nag ready, alam naman natin na pambihira yung traffic dito sa Pilipinas!" pagmamaktol niya habang niyayakap naming yung isa't isa.
"I missed you." Patawa kong sabi. Siya kasi yung parang mama namin sa barkada. Palagi niya kaming pinagsasabihan at pinagagalitan kapag may mali kami lalo na ako, kapag palagi akong late sa mga lakad namin. "Atsaka ang OA mo ha! 20 minutes late lang naman ako eh!" tapos binatukan niya ko.
"Kahit na. Late ka pa din!" inakbayan ko nalang si Lianne tapos naglakad kami patungong kwarto kung saan nagaganap yung party.
"kalian ka pala dumating?" tanong ko.
"Last week lang, kaso I wasn't able to go out with you guys kasi I was busy sa pag asekaso sa upcoming golden wedding nila moma at paps." Sagot naman niya
"Talaga? Antagal na pala talaga nila noh?"
"Thank God, they've survived sa away-bati situation nila. I'm really so thankful na kahit naging magulo yung relasyon nila moma at paps nung highschool pa tayo, bumawi naman sila sa isa't isa. Kaya heto ngayon... they'll grow old together na talaga" Sabi niya habang naka ngisi. Alam namin yung buong storya sa pamilya nila, kung anong nagawang kasalanan ni tito July sa kanila at kung gaano nasaktan si Lianne sa mga pangyayaring hindi niya inaasahan noon. She really love her family kaya siya nakasurvive at dahil din sila magakakapatid ang kinuhanan ng lakas ni tita Lily para malagpasan ang lahat. "...at sana magtatagal din sina Ella at Shawn" pagbuntong hininga niya.
"And speaking of Ella, siguro kanina pa iyon naiinis sakin noh?" patawa kong sabi. Si Ella kasi yung klase ng tao na ayaw niyang malalate ka sa event niya pero kapag event naman namin, palagi din siyang nalalate.
"sinabi mo pa!" patawang sabi ni Lianne.
Lumiko kami sa kaliwang daan. Andito kami sa Second Floor ng Saxchi hotel, simple lang pero medyo expensive nga dito. Habang papalapit na kami sa room namin, nadidinig ko na ang lahat ng boses nilang nagtatawanan. I missed them. It's been awhile na kasi ng hindi kami nag bo-bond sa isa't isa simula nung pumunta ako ng Singapore para mag work at mag unwind na din para maka move-on at magpahilom ng sugat at lahat ng sakit na naidulot sa akin ng pagiging biktima sa maling pag-ibig.
Sa pagbukas naming sa pintuan, bumungad kaagad ang masasayng mukha ng mga kaibigan ko.
Tumakbo sila papalapit sakin at niyakap nila ako. Nagyakapan lang kaming pito. We missed each other that much kasi eh.
"You're finally here!" sabi ni Ella habang naunang yumakap sakin.
"Girls Night out is real!" sigaw ni Tris "tuloooy na talaga ang bridal shower yey!" she added.
"Yeah!" -Lianne
"DISCO?" -Miles
"NO" -Kaye
"y e e e s" -Miles
"Wine?"- Mitch
"Beer!" -Miles

BINABASA MO ANG
SUMMER PARADISE
RomansMay pag-ibig pa rin na mananatili lalo na kung tunay niyong iniibig ang isa't-isa.May pag-asa pa ding magkabalikan ang pagsasama ng dalawang taong matagal ng natapos ang ugnayan. Kung kayo ang para sa isa't isa, paulit ulit pa rin kayong ipagtatagpo...