//FLASHBACK ULIT//
Pagkatapos ng anim na oras na pag biyahe, we finally arrived here.
"Good morning Ma'am, Welcome to Summer Paradise" pambungad sa amin while pababa kami ng van ng dalawang lalaking staff na magkapareho ang mukha, and I found out na twins pala sila. They're both cuties hekhek
"Mag che-check in po kayo?" sabi nung isang messy hair. Tita lyn just nodded. She was wearing her shades the whole travel, para hindi mahalata yung namamagang mata niya.Kinuha ng both cuties ang mga maleta namin sa sasakyan.
"This way ma'am" sabi naman nung isa.
Si Tita lyn na ang umasekaso para sa rooms namin, while I'm here sitting in the waiting area, holding my DSLR. Nakalimutan ko kasing dalhin yung phone ko sa pagmamadali. Pinagalitan kasi ako ni papa kanina kasi ang bagal ko dawng gumalaw dahil kanina pa daw naghihintay yung hahatid sa amin. Kaya ayun, naiwan ko kung saan ang cellphone ko. Buti nalang nai suksok ko kagabi yung mp3 at ko and of course dala ko din ang dslr ko 'coz I love taking pictures.
As our room was settled, hinatid na kami ng dalawang cutie staffs sa room number 8 column 2.
"This way ma'am, Our rooms here are separated by columns and each columns have less than 20 rooms, with 4 rows of different sizes ng rooms."
"...room number 6..."
"...room number 7..."
"...and here you go, your room number 8, column 2..." the staff said while pointing the door sa magiging room namin for the whole stay.
"Thanks hijos" tita said while smiling.
"Melie and Melo po, at your service" they both answered together. How adorable!
As we went inside, I was amazed on how beautiful the room is. Simple yet beautiful! May malaking kama sa gitna, may cabinet, may lamesa na may magandang alon na naka ukit sa bawat gilid nito, gayun din sa mga upuan nila. Mayroon din silang maliit na banyo sa kanan, pumasok ako at sinilip ito, kasingtulad ng kulay at desinyo niya sa alapaap.
"Arrange your things na Zi"
"Yes tita"
Binuksan ko yung maleta ko at iniligay ko ang gamit ko sa isang walang laman na aparador.
"lalabas po ba tayo ngayon?" tanong ko habang tinutupi yung gamit ko.
"Napagod ako sa biyahe eh, siguro bukas nalang, pero you can roam around naman dun sa labas while nagpapahinga ako" sabi niya while nakahiga na sa kama.
"Can I po?"
"Yes of course hija" she smiled and closed her eyes.
"Thanks Tita" I replied.
Halatang halata pa rin ang bakas ng pighati sa mukha niya, yung kahit nakapikit siya malalaman mo pa rin na kung gaano kasakit ang dinanas niya. I want to help her move on and get over sa husband niya. I want to help my tita heal, kaya I promise, I will do everything to make her happy kahit sa konting araw na pagbabakasyon lang namin.
Pagkatapos kong mag arrange ng gamit ko, I changed my clothes, nag white crop-top shirt ako with my inner upper sa two piece na mustard yellow ang kulay, and a high waist shorts sa pambaba ko, and a pair of black slippers din.
Kinuha ko ang mp3 at nag earphones ako, binitbit ko din ang aking dslr camera, to take pictures. Ito ang hilig ko. Capturing every wonderful things I see around me. I'd rather be a photographer than to become a writer because I want to let my captured photos speak.

BINABASA MO ANG
SUMMER PARADISE
RomanceMay pag-ibig pa rin na mananatili lalo na kung tunay niyong iniibig ang isa't-isa.May pag-asa pa ding magkabalikan ang pagsasama ng dalawang taong matagal ng natapos ang ugnayan. Kung kayo ang para sa isa't isa, paulit ulit pa rin kayong ipagtatagpo...