Naglalakad ako pauwi, nang bigla akong may nakitang magandang damit sa loob ng isang store, kaya pumasok ako at tiningnan ito. Namangha ako sa pagpasok ko dito, ang ganda ng kulay at desinyo ng loob, iba't ibang magagandang damit at iba pang kagamitan. Paikot ikot lang ako sa loob nito, pampalipas oras since maaga naman natapos yung duty ko. Nang lumingon ako sa cashier area, akala ko sasabog na ang dibdib ko. Hindi ko lubos maintindihan ang pintig nito. Ang lakas. Kaya't nagmadali akong lumabas sa store habang tinatakpan yung mukha ko ng bag kong dala. Nakita ko si Kelly, at biglang nag flashback lahat ang mga hindi ko malimutang pangyayari sa Islang iyon.
Pagdating ko sa labas ng bahay, may nakita akong kotse na naka parke.
"tita, andito na po ako" sabi ko sa pagpasok ko ng bahay.
May nakita akong taong hindi ko inaasahang makikita ko pa ulit dito sa loob ng bahay. Si Tito Den, ang sanhi ng paghihinagpis ni tita Lyn noon. Gusto ko siyang suntukin ngayon, naiinis ako sa mukha niya kaya hindi ko siya pinansin, kunwari hindi ko siya nakita. Dumiretso ako sa kusina at nakita ko si tita na nag titimpla ng juice.
"Anong ginagawa niya dito?" sabi ko habang naghahanap ng pagkain sa ref.
"makikipag-usap lang daw siya" sabi niya habang nakangiti.
"mag so-sorry? Ganun?"
"siguro... sana..." gusto kong magalit sa kaniya.
"bakit po?"
"anong bakit Zi?"
"tatanggapin niyo ba siya ulit kung babalik siya sa 'yo?" bigla nalang lumabas ang mga salitang ito sa bibig ko. Ngunit nagulat ako nang nginitian lang ako ni tita.
"siguro...sana" sabi niya ulit at pumunta na siya sa sala.
Anong Siguro at Sana? Siguro pagmagsosorry, tatanggapin niya ulit? Sana babalik siya tapos sana maging sila ulit? Ganun? Bakit pa? Sinaktan siya ng sobra noon, Iniyakan na niya ng husto, tapos pag babalik, tatanggapin niya pa ulit? Bakit? Biglang akong gustong umiyak dahil sa galit, galit ako sa lahat ng lalaking nanakit ng inosenteng damdamin ng mga babae.
Naaalala kop o nun...
//FLASHBACKKK//
May 24, 2014. Sabado. 1:35 a.m. . I woke up dahil sa ingay ng mga aso sa kapitbahay. Ilang minuto ang lumipas, tumahimik din ang mga istorbong aso, at babalik n asana ako sa pagtulog ko nang makarinig ako ng parang nabasag na baso sa kusina, tumayo ako sa pagkakahiga, at sinilip kung anong nagaganap sa baba. I saw the painful at tila namamagang mata ng tita ko. She was crying while whispering hurtful words. Siguro para walang makakarinig na nag aaway sila ng husband niya na si tito Den. Nag-aaway nanaman sila. Parang tila sunod sunod na yata ang mga araw na nag aaway sila ah. I wanted to go to her, hug her and protect her from her husband's hurtful words. Pero I'm stuck here, hindi ako makagalaw. Seeing the one I love na nasasaktan, ay masakit din para sa akin.
"I trusted you, I had let you work abroad kasi may tiwala ako sa iyo. At alam kong ito ang ikasasaya mo, kaya sinunod ko ito, I love you that's why I married you tapos ito lang ang ipapalit mo? Puro pasakit lang?" She sobbed
"We can't force ourselves lyn," malamyang sagot ni tito Den.
"Hindi mo na ba ako mahal?" she can't clearly say those words kasi iyak lang ng iyak si tita.
"I love her, and I have some responsibilities sa kaniya...k-kasi nabuntis ko siya" HOW CAN HE EVEN SAY THOSE WORDS CALMLY?!
"Nabuntis? Or binuntis? Magkaiba yun Den,.. i-is t-that because h-hindi k-ko kayang mag b-bigay ng a-anak sayo?"
"lyn..." tito was going to touch her shoulders pero iwinakli ito ni tita... She was just crying, It took a minute before she respond. Pinahidan niya yung tumutulo niyang mga luha, at tumayo mula sa pagkakaupo
"If my pain is your happiness, then... I'll let you go" hinubad niya ang suot niyang singsing and she forcely grabbed tito's hand atsaka inilagay ito sa palad niya. Then she went away...crying...
The place was covered with silence. Iyan ang mga bagay kung bakit ayokong umibig, ayokong mag risk sa pag-ibig, kasi once ma attach ka na masyado sa isang tao, talo ka, mas lalo na kapag he can't love you back. Kaya nga takot ako, takot akong masaktan at makasakit ng tao.
KINABUKASAN.
"You need to take a rest" sabi ni papa comforting her sister. Andito kami sa kwarto niya, umiiyak lang siya mula pa kagabi, pula't namamaga na yung mga mata niya. She can't stop crying kasi everything na nakikita niya reminds her kay tito.
"I'm okay k-kuya, k-kailangan k-ko pang t-tapusin yung m-mga reports sa w-work ko---" she was goint to stand up pero she didn't finished her talking and started sobbing again.
" you should rest okay, mag bakasyon kayo ni Zia right after the graduation, ako na bahala sa lahat, just let your heart heal muna, it takes a lot of time and process lyn," papa always make good things sa family, he kissed tita's forehead and continued "...matulog ka muna" tita just give him a nod and then she slowly closed her eyes, and here I am, sitting in her couch, staring at my brokenhearted tita lyn. Lumabas ni si papa sa kwarto kasi we all know na he's a busy man too. He managed a Company of heavy trucks owned by his cousin, Uncle Jong.
//END OF FLASHBACK//
Kaya dahil dun, nagbakasyon kami sa isang isla... At doon din nagsimula ang lahat ng pantasya ko bilang isang babae.
BINABASA MO ANG
SUMMER PARADISE
RomansaMay pag-ibig pa rin na mananatili lalo na kung tunay niyong iniibig ang isa't-isa.May pag-asa pa ding magkabalikan ang pagsasama ng dalawang taong matagal ng natapos ang ugnayan. Kung kayo ang para sa isa't isa, paulit ulit pa rin kayong ipagtatagpo...
