CHAPTER 17 ; The Wedding

4 0 0
                                    

ZIA POV

Magkasama lang kami buong gabi ni Kurt, niyakap lang naming yung isa't isa. Na miss ko siya eh. Sana mas naging understangding ako kasi in the first place, hindi ko naman talaga alam yung buong storya at buong dahilan ng pagkawala ni Kurt at sa hindi niya pagbalik.

Masaya lang talaga ako. Pintawad naming yung isa't isa.

Nagkwentuhan lang kami kagabi, hanggang sa hinatid niya na ako sa kwarto namin.

//FLASHBACK//

"Salamat sa pag hatid Kurt" sabi ko habang magkahawak pa rin yung mga kamay namin.

"Thank you din Zi..." sabi niya at kinuha niya yung isa kong kamay. Hawak hawak niya na yung dalawang kamay ko.

"para saan?" I smiled wondering.

"for everything." He hugged me tight. And I hugged him back.At nang kumalas na siya sa pagka yakap sa kin, he kissed my forehead. "Can I continue courting you?" Naramdaman kong biglang uminit yung pisngi ko. Namumula yata ako. Tumango lang ako, and then he hugged me again. At nag paalam na.

"See you tomorrow". Nag wave kami sa isa't isa.

// END OF FLASHBACK//

"Hoy Zia, bakit bigla kang nawala kagabi ha?" tanong sakin ni Miles habang nag mini-make upan na kami ng mga make up artist.

"tumawag kasi si Shawn... baliw kasi yun gusto sana niyang makita si Ella eh." Sabi ko

"Hindi yan, alam na naming yan, nakwento na samin ni Mitch" sagot naman ni Miles.

Bigla akong namula, naalala ko nung napadaan kami sa pool, bigla akong lumihis ng daan nn dahil may nakita akong lalaking natumba na akala koy mahuhulog na sa pool, tapos sa hindi ko inaasahan si Kurt pala iyon.

"A-ahh, A-ano k-kasi eh" pautal utal kong sabi. Ano bay an Zi! Hwag kang magpahalata.

"Nagkita sila ni Kurt" biglang sabi ni Kaye. Nagulat talaga ako. Nakita niya pala kami?
"WHAT?!?" sabay namang sabi ng mga kaibigan ko.

"A-ah Oo eh, coincidentally groomsmen siya ni Shawn..." ikinuwento ko lahat sa kanila. Hindi kasi kami nagtataguan ng sekreto sa isa't isa kaya ayun, habang nag kukwento ako, kilig na kilig naman sila. Parang mas kinikilig pa ng sila kesa sakin kagabi eh. HAHAHA mga kaibigan ko talaga to sila oh. Nagtitilian sila sa bawat sinasabi ko. Hindi daw sila makapaniwala kasi, ilang taon na ang lumpias, at ang taong inakala ko dawng kinalimutan ako, ay ang tao palang hindi talaga ako kinalimutan at ginawa pa akong inspirasyon para mauhay siya. Oo nga ang sweet lang diba.

"Naiiyak na tuloy ako" sabi ni Mitch

"Bakit ka naman maiiyak?" binatukan siya ni Lianne.

"Eh ako nalang yata yung wala png boypren eh." Pangbibiro niya.

"Gaga! Andito pa ako oh!" patawa namang sabi ni Kaye.

"Huwag kayong mag alala gwapo yung magiging partners ninyo sa groomsmen" sabi naman ni Ella na natatawa.

"Wala din kaya akong boypren" bulong naman ni Tris.

Nagtawanan kami ulit. Naalala ko tuloy nung High School pa kami, napaka Hopeless Romantic nmin kasi lahat ng mga nagugustuhan namin, may mga girlfriend na, tapos yung iba naman, kagaya ni Mitch, Lianne, Miles na pinakilig lang at iniwan noon. At si Tris naman, loyal na loyal kay Mr. A, habang si Kaye naman crush crush lang kahit saan, at si Ella, walang crush iyan sa campus, lahat nalang puro artista. Hindi nga marnong maghanap yan ng gwapo sa Campus eh. Pero tingnan niyo nga, sa hindi inaasahan siya pa iyong unang ikakasal.

SUMMER PARADISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon