CHAPTER 10; Showing the real Kurt

6 0 0
                                    

Fourth day. Breakfast. With de Luna family again. We're friends now. Hindi na kami masyadong nagsusungitan. Pero ako lang siguro ang may mali sa utak, dahil ako lang an na-a-awkwardan. I can see in my peripheral vision na he's staring at me...o baka may tinititigan lang siya sa likuran ko. Bwiset nabobother ako. Kaya I decided to look at him and shit, he smiled. Was he really staring at me? Manahimik ka diyan Zia! Mapanganib mag assume!

After breakfast, our family decided to do some activities again. Banana boating this time! And salamat naman walang nangyaring kamalasan sakin ngayon kaya, makakasama ako. I'm trying to wear my life jacket ngayon. Hindi ko mahanap yung maliit na lock sa strap kaya I'm a 'lil bit struggling here.

"hey ako na" Bigla namang bungad ni Kurt, tapos kinuha niya yung strap na nakasuksok pala sa likuran ko, kaya parang naka wrap ulit yung kamay niya sa beywang ko. Tapos nilock niya 'to. "here you go" sabi niya tapos tinapik niya yung ulo ko. He smiled and went away para maunang umupo sa banana boat.

Nakatayo lang ako dito, waiting for tita lyn na matapos magbayad, and then she excitedly hop in na sa banana boat, walong tao lang ang kasya dito, tapos 15 years old pataas ang maaring makasakay para sa kaligtasan ng mga bata. Sasakay n asana ako kaso puno na...akala ko puno na... pero may isa pang slot sa second from the last... ayoko na sanang sumakay...pero pinilit nila ako, kaya I have no choice so I joined them. So heto yung kasunod-sunod na pwesto namin since kulang kami,may isang foreigner at dalawang pinay, tapos si Kiko, si tita Kate, si tita Lyn, Ako...at si Kurt sa panghuli. Natakot ako ng konti, kasi nakita ko kanina kung paano hinihila yung boat tapos parang nililipad ka pa, dapat talaga kakapit ka ng mabuti ditto sa gilid, pero hindi naman delikado kasi may life jackets naman kami...pero...

"natatakot ka ba?" Kurt whispered. Parang tumalsik yung puso ko sa kabilang kanto. I didn't expect ang lapit ng mukha niya sa mukha ko, buti nalang hindi ako lumingon kasi... naku!

"hindi noh" I denied.

"...natatakot ka eh," sabi niya habang tinutusok tusok yung gilid ko. Kaya't siniko ko siya ng malakas and he just laughed. "...don't worry, sasaluin kita kapag nahuhulog ka na..." at dahil dun, pinaglamayan na ang marupok kong puso. It beated fats, ewan ko kung bakit, dahil ba umandar na ang makina ng motorboat na hihila sa amin, o dahil sa mga sinabi niya?

"Ahhhhhhhhhhhh" We all shouted as the activity begin.

Bakit siya ganun? Bakit ako ganito? Anong nangyayari? Bakit ganito? Bakit ganiyan? Iyan lang naman ang mga tanong na dumadagusgos sa isipan ko.

Tapos na kaming mag banana boat, he hugged me twice habang nasa activity kami, hinawakan niya pa yung kamay ko, para e assist ako pababa ng banana boat. And he was just laughing and smiling at these time...kagaya ngayon, nagkwekento siya sa mga pangyayari kanina at kung gaano daw ako katakot. Yes, I was shouting pero double meaning iyon kung alam niya lang. Ansarap niya lang talagang batukan, may pangiti ngiti pa siyang nalalaman. Akala niya siguro gwapo siya...

"...nakikinig ka bas a mga sinasabi ko?" sabi niya habang nakakunot yung ulo. Nasa seaside kasi kami habang umiinom ng buko juice, at nag bu-build ng sand castle kasama sina Kelly at Kenji, habang si Kiko naman ay nag lalaro ng psp sa gilid medyo distansya sa amin kasama sina tita lyn at tita kate na nag-uusap din.

"ha? Oo naman." I replied

"...so ayun nga" and he continued talking.

He was talking all these time talaga.

"hoy Kurt," sabi ko and he stopped talking, tapos tiningnan niya ako. "nabigla lang ako sa mga actions mo eh..I was just really wondering ba't bigla kang--- ay nevermind hehehe" I smiled.

"...ha?" nagtaka siya.

"wala, wala hehehe" I smiled.

"hmmm... this is the real me Zi, I'm showing you every single thing kung ano't sino ako, since ikaw naman nagsimula nito eh hahaha," he smiled at nagpatuloy mag ipon ng buhangin at idinagdag sa sand castle na ginagawa naming.

"Ha?" hindi ko siya magets eh...

"...about last time... It was my first time na nag share tungkol sa pamilya ko, it was my first time na someone saw me crying" he smirked. "... and now, this is my first time showing everything who I am sa isang tao..." he stopped and smiled at me. "...your someone special to me Zi..." after he said that, stand up and walked away dahil tinawag siya ni tita Kate. I was left hanging.

SUMMER PARADISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon