CHATER 7; The Moves

5 0 0
                                    

"Zia, bilisan mo na, naghihintay na sila sa atin." Sigaw ni tita. It's our third day today!

"Tita, mauna nalang po kayo, susunod ako" sabi ko while naliligo pa ako sa banyo.

"Are you sure?"

"Yes po"

"Okay, aalis na ako. Sumunod ka ha."

"Opo"

Sinadya ko talagang magtagal sa banyo kasi ayokong sumama sa Island hopping kasi andun si Kurt Valentino de Luna. Feeling ko mag kasingtulad lang sila ni Mark, mga playboy kaya ayoko sa kaniya, ayoko sa kanila!

*knock *knock*knock*

May naiwan siguro si tita kaya siya bumalik. Hindi ko nalang pinansin yung kumatok, at nagpatuloy ng magbanlaw sa katawan ko. Lumabas akong naka tuwalya lang kasi naiwan ko yung damit ko sa kama, pati na ang bra at panty ko.

Paglabas ko...

"A-anong ginagawa mo ditto?!!" sigaw ko habang dali dali kong tinakpan yung dibdib ko kasi may manyak sa loob ng kwarto ko!

"Hoy huwag kang sumigaw baka aakalain nilang nirape kita!" patawa niyang sabi habang nakapikit yung mata. As if para hindi niya makitang naka tuwalya lang ako.

"Manyak!!!" sabi ko at itinapon ang unan sa kaniya.

"Aray ko! So gusto mong mag pillow fight ha?" sabi niya habang naka smirk.

"Bwiset ka, ang manyak mo!!! Lumabas ka nga!" sabi ko habang tinuturo yung pintuan ng kwarto ko.

"Ang sungit nito, pinapasundo ka nga lang naman ni tita Lyn eh" patawa tawa niyang sabi habang nakapikit pa rin.

Nakakainis talaga to si tita, at idinamay pa ang manyak na 'to.

"okay fine! Sa labas ka maghintay! Manyak!"

"Heto na po, lalabas na po ma'am! Maldita!" sabi niya habang lumalabas na sa pintuan,

Ni lock ko muna yung pintuan bago ako naging kampanteng magbihis.

"HOY BILISAN MO KUNG AYAW MONG BUKSAN KITA, MAY SUSI AKO!" Sigaw niya mula sa labas

"MANAHIMIK KA MANYAK!" sigaw ko pabalik. Dali dali akong nagbihis kasi baka totohanin ng gagung iyon ang sinabi niya.

Dala dala ko pa rin yung camera ko. Kunwari pa swipe swipe ako para di halatang na a-awkwardan na ako sa atmosphere.

"hey" panimula niya

"ano?!" sagot ko

"ansungit naman nito"

Pagkatapos nun, hindi ko na siya pinansin, patuloy lang kaming naglalakad, sa seaside kami dumaan para maka punta sa bangkang inupahan nila tita patungo sa isang Island, at kunwari na s-swip swipe pa rin ako para kunwari ulit busy ako.

*Boogsh*

"Ziaaaa" sigaw ni Kurt

"Aray ko!" sabi ko nang natamaan na naman ako.

"okay ka lang ba?" he hurried para hawakan ako kasi bigla na naman akong nahilo dahil sa lintik ng bola ng volleyball na iyon! Akalain mo, na disgrasya na naman ang ulo ko, pag ako, nabobo, isusumbong ko kayo sa principal namin!

"Yeah" sabi ko habang patayo na when I suddenly felt nahihilo pa rin ako.

"Let me escort you" he offered. Hindi ko nalang siya binara since totoong nahilo talaga ako. He's in my left side. His right hand gently escorted my back while his left hand is holding my arms.

"...is she okay?" I heard tita Lyn's voice.

"yes po, sasamahan ko nalang po siya dito..." Kurt said

"Okay hijo, ikaw na bahala sa pamangkin ko, okay?"

"Yes po tita, No worries" he replied

Narinig ko ang pag andar ng makina ng sinakyan nila habang ako'y nakahiga sa isang beach bed dito sa gilid, nagpapahinga.

SUMMER PARADISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon