Crystal POV.
"Wooohh ang saaaya..!" wika ko habang nakataas ang dalwa kong kamay at winawagay-way ito.
Salamat sa tadhana at ako ang napili ni Tita na bantayan si Louie my love. Hihihi.
Mabait kasi yung destiny ko..
Maganda na sana ang araw ko kaso.. hindi nya 'ko hinintay.. umalis na agad siya pagkatapos kumain. Huhubels. Hindi ko keri itey! Kailangan kong gumawa ng hakbang patungo sa my loves ko..
Dali-dali kong kinuha ang shoulder bag ko na hermes. Oo, hermes nga. H-E-R-M-E-S got it? Hindi naman sa pagbibida pero marami kasi akong collection na signature bags. But thanks to my parents sinusuportahan kasi nila ako sa kahit na ano. Sabi nga ng iba Spoiled brat daw ako. Hmm. Maybe.. Haha! Pero baet ako.. :'3
Waaaah. Kailangan ko na palang pumasok sa school.. Babush!
"Nakakainis sya." naka ngusong kong saad habang naglalakad.
Kasalukuyang naglalakad ako kasi malapit lang naman 'yong school sa house nya.
Sadyang tamad lang sya. Ako nga naglalakad lang kasi hindi naman ako maarte. Kahit na haggardness na ang feslak ko keribels lang maganda ako eh. Chos! Pero totoo 'yon. Ang magreklamo mukhang libag.^.^v
Back to my loves na nga.. Bukod pa sa tamad syang maglakad kaya nya ginagamit ang motor nya e nagpapasikat sya sa mga girl's sa campus. Sarap ngang araruhin ng mga babaeng lumalapit sa kanya. Dapat kasi ako lang ang pwede. Hmmm. Magpapabili nga ako ng pang-araro kay pudra.. Good idea!
Napatigil lang ako ng biglang may haliparot na sumigaw.
"Giiiiiiiiiiiirl!" sigaw ng malandi kong bestfriend at hindi pa nakuntento lumapit ito saakin na tumatalbog ang kanyang balakang.
Napangiwi ako sa lakad nya. Aba! Kabugin ba naman ako. Kaloka!
"Francisco ang aga mo yata?"
Opo. baklushi sya pero mas gusto ko syang tawagin na Francisco. Kaya nga badtrip agad sya kapag 'yon ang tawag ko sa kanya. Pero kahit ganyan sya mahal ko 'yong
Bestfriend kong 'yon.
"Gaga ka talaga. Halika nga dito ng masambunutan kita. Ang aga-aga eh sinisira mo beauty ko! My gesh!" wika nito na naghihysterical na.
Hahaha! Kaya hindi talaga ako nabobored kapag sya ang kasama ko. Palaging may sapak 'yan eh. Ssssh.. chiklet lang po natin 'yon. Hihi.
Binigyan ko sya ng malakas na hampas.
"Hoy! Magtigil ka na nga dyan. Drama mo eh. Diba nga hindi tayo pangdrama? Pangcomedy at action tayo! Kaya umayos ka na dyan. Nakakahiya ka. Tsaka sabi ko naman sayo ikaw ang pinaka maganda satin. The end.. ipagpapatuloy po ang susunod na istoya kaya huwag kayong aalis at kami'y magbabalik." mahaba kong lintanya at nagpose pa."Gaga ka talaga! May sapak ka rin eh!" sagot nito with matching hampas sa'kin. Kaya binatukan ko naman sya.. Haha!
"Utang na labas naman.. namumuro ka na girl. Isa pang pananakit at aagawin ko na sa'yo ang my loves mo." wika nito habang hinihimas ang kanyang ulo.
"Subukan mo lang at hindi ka na sisikatan ng araw! Tsaka okay lang 'yan patunay yan na maganda ka. Kumbaga mark yan na certified kang unggo- ay este diyosa ka." sabay wink ko sa kanya.
"Pssssssh. Oo na, diyosa na 'ko alam ko na yun matagal na." nag-iinarteng wika nito.
Saka ko lang na alala na mali-late na kami.
BINABASA MO ANG
Waiting for your Love
Genç KurguEveryone waits until they found someone. Someone who complete their life. Someone who make their life's worth living. Someone who captured their heart and never break it. The one who believe in Magic spell that brings every people to a magical world...