Chapter 3: Zia's Dad

159 30 0
                                    

~~Zia's POV~~

Nagising ako dulot ng pagsigaw at malakas na pagkatok ni momshie sa pinto ng kwarto ko. Pupungas-pungas akong bumangon at dali-daling pinagbuksan ng pinto si momshie. Ang aga-aga sumisigaw na kaagad 'tong si momshie eh. Ano na naman kaya ang problema nito? Hayyysss..

"Momshie? Good morning!," masiglang bati ko sa kanya habang pinupusan ang mukha ko.

"Anong good sa morning? Naku ikaw na bata ka, kanina pa kita ginigising eh. Magligo ka at magbihis, pupunta tayo sa daddy mo.," wika ni momshie.

"Mom? Si daddy na naman? Di pa ba kayo nagsasawa sa pagiging martyr niyo?," turan ko sa kanya.

"Zia, kahit anong mangyari, he's still your dad. We need to visit him right now.," saad ni momshie.

"Mommy naman eh..May klase ako eh..," pagmamaktol ko.

"Zia! Sasama ka o sasama ka?!," naiinis na tanong ni momshie sakin.

Hayyyy, kahit kelan talaga si momshie eh. Love na love pa rin niya si daddy sa kabila ng lahat ng panloloko nito sa kanya. Di na talaga siya nagsawa na tiisin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig.

"Momshie, wala na bang ibang choices?," nakabusangot na tanong ko.

"Wala na! Yan lang!," halata ang pagkairita nito sa tono ng boses niya.

"Okay fine. Kalma lang momshie..Magbibihis lang ako, okay?," I told her while smiling.

"Bilisan mo hihintayin kita sa baba.," pahabol na saad nito at tuluyan ng bumaba sa sala.

"Okay.," tipid na sagot ko naman.

I hurry up fixing myself dahil sigurado akong magagalit na naman si momshi kapag natagalan ako sa pag-aayos. Motto niya, "TIME IS GOLD" kaya himdi dapat sayangin ang oras sa mga walang kwentang bagay. Mabilis akong nagbihis at bumaba ng sala nang maabutan ko si momshie na may kausap sa telepono.

"We're on our way..Just hold on, Fred..Darating kami ng anak mo..," anito sa kausap.

Kausap niya si daddy over the phone. Ano na naman kaya ang pakulo ng lalaking ito. Naguguluhang tanong ko sa sarili ko. Kapag ganito kasi ang mga aktwasyon na ipinapakita ni momshie aasahan mo talaga na may problema itong hinaharap.

"P-please tell y-your daughter, be here. I need to t-talk to her..," puno ng awtoridad ang boses ni dad na rinig na rinig ko dahil nakaloud speaker ang phone ni mom.

"Sasama siya..Don't worry, we'll be there on time.," my mom told him full of assurance.

"Okay, I'll wait for the both of you.," ani ni dad bago tuluyang ibinaba ang tawag.

"Bye.," halos pabulong na saad ni mom.

I saw momshie crying, pero bakit siya umiiyak? Ano ang problema nila ni daddy? Ano? Bakit ang gulo ng sitwasyon ng pamilya namin ngayon? I asked myself out of confusion. Nilapitan ko si momshie habang patuloy ang paghagulgol nito sa pag-iyak.

"Momshie, any problem with daddy?," naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Wala, wala anak..L-lets go na..," nauutal na tugon niya.

"Are you sure, momshie? Pede niyo naman pong sabihin sakin ang problema niyo eh...I'm willing to listen po..," ani ko.

"Wala anak..Tara puntahan na natin ang daddy mo.," saad ni mom.

"Okay.," simpleng tugon ko.

Agad kaming sumakay ng kotse at mabilis itong pinaharurut ni manong driver oatungo sa pupuntahan namin. I don't know where but I need to go with my mom. I'm sure she needs me more than anyone else, right now. Buong oras ng biyahe ay tahimik at walang imikan kami ni mom, bakas ko ang kalungkutan sa mukha niya, halata ang pag-aalala sa mukha ng aking pinakamamahal na ina.

Ms. Nerd meets Mr. FamousDonde viven las historias. Descúbrelo ahora