Chapter 20: Reminiscing

19 1 0
                                    

~~Niel's POV~~

Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang nakakahiyang eksena dito sa aking condo unit kahapon. I don't know what has gotten into my mind yesterday at nagawa ko ang bagay na 'yon. I was so embarrassed sa nagawa ko kay Kianna kahapon. I feel stupid. I didn't know na siya pala ang bumisita sa akin kahapon, all I've been thinking yesterday is si Zia lang talaga. Kianna is my childhood friend, her family and mine were neighbors and we're close to each other. Magkasama lagi kami sa lahat ng kalokohan. She's also my childhood sweetheart, naaalala ko pa yung panahon na tinutukso kami ng mga magulang naman sa isa't isa. Until such time na nahulog ang loob ko sa kanya. I even remembered that I make a promise to her, but now I've broke it. I promise to marry her when the right time comes but now that I have Zia as my new sweetheart, alam ko na nasaktan ko siya.

Kianna is so adorable and super kulit na kababata ko noon. Lagi siyang pumupunta sa bahay namin para makipaglaro, bahay-bahayan, luto-luto, she even played with my toy guns at ganun din ako, naglalaro rin ako ng barbie kapag kasama ko siya. She'll cry if I'm not going to play dress-up or tea party together with her precious barbies.

Lumaki kami na sobrang mahal ang isa't isa. We studied at the same school simula ng kindergarten hanggang noong grade eight kami. Unfortunately, noong grade nine kami ay nag-migrate ang family nila sa U.S. dahil sa trabaho ng kanyang ama. Naiwan ako na sobrang frustrated dahil sa nangyari. Palagi akong umiiyak gabi-gabi, I can't accept the fact na iniwan ako ng best friend ko since childhood.

Simula noon, lagi na akong nakikipag- basag ulo sa school namin. Laging pinapatawag sa guidance ang guardian ko, I even speak rude words sa guidance counselor namin. It was the worst part of my life. Palipat-lipat ako ng eskwelehan dahil sa katigasan ng ulo ko. Lagi rin akong napapagalitan ng parents ko dahil sa mga inaasal ko.

Labis ang pagkalugmok ko noong panahon na 'yon. Kianna is my human diary, my crying shoulder, my eye opener, my listener and my everything way back then. I know na nasaktan ko siya kahapon dahil sa mga nasabi ko. Knowing her, alam ko madali siyang masaktan over little things na masasabi mo sa kanya.

Napasabunot ako sa buhok ko, I don't know kung ano ang sasabihin ko sa kanya sakali man na magkikita kami ulit. Nahihiya ako sa ginawa ko sa kanya.

Kianna is a lovable kind of person at sobrang sensitive niya. Naalala ko noon ang bilis niyang umiyak kapag inaagawan siya ng laruan ng mga playmates namin. Her innocent can make me laugh at magtatampo siya kaagad kapag nakikita niya akong nagpipigil ng tawa.

Ako ang nag-initiate ng nangyari kahapon. Hindi ko alam kung sinong Niel ang humalik sa kanya kahapon. Napakasama kong tao, siguradong galit na siya sa akin. But she kissed me back, so it means she still...no, it can't be. Mali ako, so I really need to say sorry her kahit ako yung klase ng tao na hindi marunong mag-sorry kahit kanino.

I told myself that I'll tell her everything about what happened to me noong mga panahon na umalis siya, when she came back. But now, I can't find the right words to tell her everything because of what happened yesterday.

Baka isipin pa niya na pinagkakaisahan ko siya. I was drown in my thoughts, ng biglang nag-ring ang doorbell ko. Was she back again? Okay now, what am I going to say.

"Hey, Kianna. It's nice to see you again."

No, it can't be. Hindi pwedeng 'yon lang ang sasabihin after what I did to her, yesterday.

"Kianna, I'm really sorry. Let me explain everything to you, please."

Ang panget pakinggan. Erase! Hindi pwede. Come on Niel, mag-isip ka please. Ah basta...Simpleng sorry na, pede na siguro 'yon. Pagbukas ko ng pinto si Kuya Renz ang nakita ko.

"Kuya? Ba't nandito ka?" takang tanong ko sa kanya.

"Bro, I'm sorry. May kasalanan ako sa'yo. I hope you didn't drink it."

"Ha? Yung alin?"

"Di mo man lang ba ako papasukin muna? Nakakapagod kaya..."

Pinapasok ko siya at tinapik niya ako sa balikat.

"May mali akong nalagay sa ref mo the last time I visit you here, bro. I bought it for me kasi, mukhang hindi ko yata napansin na napasama sa mga stocks mo na pinadala sa akin ni Mom."

"Can you please explain to me what's going on? I can't understand you, kuys."

He shrugged nang makita niya ang ang empty plastic bottle na nakapatong sa kitchen counter na ininom ko kahapon. He even peeped the inside of it.

"Inubos mo?"

"Oo, ang sarap ng orange juice mo eh."

Humagalpak ito ng tawa sa sinabi ko.

"Orange juice? Hahaha! Bro, nakakalasing 'to!"

"What?"

"Di mo yata binasa ang label eh," natatawang sabi niya.

Hinablot ko ang bote at binasa ang label. "Not suitable for 18 years old and below. Drink responsibly"

Hinampas ko ang bote sa kanya. Tiningnan ko siya ng masama na ikinatigil niya sa pagtawa.

"Aray! Sorry na bro!"

"Di kasi nakakatuwa Kuya." naiinis na saad ko. "Umuwi ka na...bago kita mabatukan ulit."

"Ito na uuwi na, bro. Masyadong mainit ang ulo mo eh...chillang lang."

Pinukulan ko siya ng masamang tingin kung kaya't wala itong nagawa kungdi ang umalis na lang. Nang maka-alis siya ay saka naman sumagi sa isipan ko si Kianna.

I thought she will never came back. Pero bakit siya nandito sa Pilipinas? What is she doing here? Business matters nga ba talaga ang pinunta niya? Hindi man lang niya sinabi sa akin na uuwi siya. At ngayun dahil sa nangyari sa amin kahapon parang bigla akong nawalan ng lakas ng loob na humingi ng tawad sa kanya dahil sa hindi ko pagtupad sa pangako. Nahihiya ako sa sarili ko, sa pamilya niya at sa kanya mismo. They might think na walang akong word of honor na klase ng tao. Wala na akong mukhang ihaharap sa pamilya niya, sakali man na magkita ulit kami. I don't know the right words to say sorry to her sa lahat ng mga nagawa kong pagkakamali sa kanya. Paano kung malaman ni Zia ang lahat ng ito? What might be her reaction should be? Yan ang mga tanong na bumabagabag sa aking isipan.


Ms. Nerd meets Mr. FamousOnde histórias criam vida. Descubra agora