Chapter 24: Black Dragon

43 1 0
                                    

~~Niel's POV~~

I was exhausted after the meeting so I decided to relax myself a bit. Kakarating ko lang sa condo unit ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. My Dad's name appeared on screen. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil kapag nagtext o tumawag si Dad, it only means one thing, may ipapagawa naman siya sa akin na hindi kaaya-aya. Its either selling drugs or killing someone who goes against him. Kumunot ang noo ko sa mensahe niya.

From: Dad
     
         N-shadow, report to the headquarters now. There's a mission for you to be done tonight. It's urgent!

Labag man sa kalooban ko pero kailangan ko siyang sundin. Mabilis akong sumakay sa elevator at nagtungo sa parking lot sa basement area. Papunta na ako sa direksiyon kung saan nakapark ang kotse ko ng biglang nakaramdam ako ng takot. May nahagip ang mata ko na anino ngunit sobrang bilis ang pagkilos nito.

Dali-dali akong nagtungo sa kotse pero bago ko pa man marating ang kinaroroonan into ay may mga lalaking humarang sa dinaraanan ko. Lahat sila ay nakakulay itim na damit at ang iba ay may dalang sandata.

Limang shurikens ang nakita kong lumilipad patungo sa direksiyon ko. Maswerte na lamang at mabilis kong nailagan ang mga ito, nang lumingon ako nakita kong tumama ang mga ito sa isang kotse na nakaparada sa aking likuran.

"N-shadow, tiyak ako kilala mo kami." Nakangising sabi ng lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na nakatayo sa harap ko.

"Hindi ko kayo kilala!" Buong tapang na sagot ko.

"Balita ko may bago kang misyon."

"Sino ba kayo?!"

"Hulaan mo muna."

Nakaramdam ako ng kaba at nilamon ng takot ang buo kong sistema. Napapalibutan na nila ako. Madami sila, samantalang ako ay nag-iisa. Lumapit sa akin ang isang lalaki na may dalang kunai at sa isang iglap lang ay inihagis niya ito sa akin. Mabuti na lamang at nakailag ako.

"Not that bad, huh?" Tila hindi makapaniwalang saad ng lalaking naka-itim na maskara.

"F*ck! What do you want from me?" Inis na saad ko. Tiningnan niya lamang ako at saka sumenyas sa kasamahan niya. Unti-unti silang lumalapit sa akin, may kanya-kanya silang sandata na dala.

"Sh*t!" Napamura ako ng wala sa oras. Paano ko sila tatalunin? Wala akong anumang sandata na maaari kong ipanangga laban sa kanila, but they have weapons na pwede kong agawin at gamiting panangga.

May karamihan sila.

"Sorry, N-shadow...but it looks like your end is near." The guy holding daggers told me as he smirks. Maybe they were about 35 or something, but I don't care. I can take them down, all by myself.

They were armed with swiss army knives, kunai, shurikens, samurai, baseball bats and knuckles.

"Napakahalaga ng misyon na ito para sa amin. If we can kill you, mapapasama kami sa mga makapangyarihang mafia sa bansa."

"I wish you luck then. I wont beg for my life 'coz I don't fucking care." I said sarcastically.

Mabilis na nahagip ng paningin ko ang dalawang lalaki na pasugod sa akin, they have swiss army knives as weapons. Inihagis nila sa akin ang mga sandata nila, napalihis ako ng muntikan akong matamaan ng swiss knife.

"Crap! I shouted.

" Feeling nervous, huh?" Panunukso ng may kataasang lalaki na may hawak na shurikens.

Lumapit sa akin ang dalawang lalaki na buong pwersang pinakawalan ang sunod-sunod na mga suntok, ngunit lahat ng 'yon ay nailagan ko. Mabilis kong hinawakan sa braso ang isa sa kanila, sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak pero bago pa man niya magawa ito ay tinadyakan ko siya papunta sa kasama niya. Sa sobrang lakas ng pagkakatadyak ko ay nagkaumpugan sila at dumaing sa sobrang sakit na tila ay nabalian ng buto.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Aug 02, 2020 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Ms. Nerd meets Mr. FamousTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang