Chapter 21: Dumped, again?

27 1 0
                                    

~~Niel's POV~~

We're in the middle of the discussion sa klase ng bigla na lamang nag-excuse yung professor namin dahil nasa labas yung dean at gusto siyang makausap nito. After a few seconds bumalik ito na may malawak na ngiti.

"Okay, class...you have a new classmate. Come in."

I was shocked nang makita ko kung sino ang tinutukoy nito na bago naming kaklase. She wears a smile on her face, ngiti na minsan ko kinahumalingan noon.

"Introduce yourself," nakangiting saad ni prof sa kanya.

"Good morning everyone. I'm Kianna Legazpi, 17 years of age. I'm happy to finally meet you all, hope that we can be friends."

Halos hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Tama ba talaga ang narinig ko? Magkaklase kami? Dito siya mag-aaral? What's her intention of studying here? Is she staying here for good?

I saw her smile, then she smirk when she saw me. Uh-oh, parang matutunaw na yata ako sa tingin niya. Maybe she's still mad about what happened between us, last Saturday. I feel like I was going to explode.

"Take your seat at the empty seat, beside Mr. Martinez."

Napalunok ako sa sinabi ng professor. Dito siya uupo sa tabi ko? Pag minamalas ka nga naman talaga.  Nakangiti ito na tumungo sa katabi kong upuan.

"It's nice to see you again, babe," she teased.

Nakita ko kung paano nanlisik ang mga mata ni Zia sa sinabi ni Kianna sa akin. Nakatingin lahat ng mga kaklase ko sa aming tatlo. Trouble na naman ito, saad ko sa isipan ko.

"Hey, babe. Sabay tayo mag-lunch later ha?" nakangiting turan ni Kianna.

"Yieeeeeeee!"

"Witwewwww!"

"Kianna X Niel!"

"Ship! Ship! Ship!"

Napuno ng hiyawan ang buong klase. Pati yung professor namin at nakiki-sabay na rin. Napayuko na lamang ako sa mesa ko sa sobrang kahihiyan. Pero si Kianna, bakas sa kanyang mukha ang pagka-amused habang tinuktukso kami ng mga kaklase namin.

Nakita ko sa aking peripheral vision ang pagtayo ni Zia sa kinauupuan niya at nagmamaadaling lumabas ng klase.

"Blaaaaggg!"

Nagulat ang lahat sa malakas na tunog nang pagsara ng pinto. Nakita ko kung paano padabog na lumabas si Zia at tumakbo patungo sa direksyon ng mini forest ng eskwelahan.

"Anyare dun?" Nakangusong tanong sa akin ni Kianna. Habang yung mga kaklase naman namin ay patuloy na nagbubulung-bulungan sa nangyari.

"E-excuse me," natatarantang sagot ko sa kanya. Napakunot-noo lamang siya sa naging sagot ko.  Nagmadali akong lumabas para sundan si Zia.

"Mag-aaway na naman yata ang lovebirds," dinig ko na sinabi ng prof namin dahil hindi pa ako masyadong nakakalayo. Mabilis akong tumakbo para sundan ang papakalayong si Zia.

Nakita ko siya na nakaupo sa isang bench sa mini forest at pinupunusan ang mga luhang pumapataksa pisngi niya. Napangiti ako sa naabutan ko. Does it means she loves me too? Pero bakit niya ako nilalayuan? Bahala na lalapitan ko na lang siya. Narinig ko ang muminting paghikbi niya habang papalapit ako sa kinaroroonan niya.

"Zia, may problema ba?" takang tanong ko.

"Wala, bumalik ka na dun." saad nito na bakas ang pagkainis sa boses niya.

"Di ako babalik kapag d ka sumama."

"Ayoko. Mauna ka na dun."

"Zia, you can tell me your problems."

Ms. Nerd meets Mr. FamousTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang