Chapter 10: The Suitor

103 24 0
                                    

~~Zia's POV~~

Panibagong araw, panibagong simula.

Sabado ngayon at wala kaming pasok, kung kaya't mas minabuti ko na lamang na manitili sa loob ng bahay. Panaka-naka akong dumudungaw sa veranda ng kwarto ko, ang sarap ng simoy ng hangin. Kay sarap langhapin. Naalala ko bigla si Niel. Kamusta na kaya siya? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Busy kaya siya? Napakibit balikat na lamang ako sa naisip ko. Bakit ko ba siya iniisip? Bakit ba patuloy na tumatakbo sa isipan ko ang pangalan niya? Bakit ba hindi siya mawala-wala sa isipan ko?

Niel, why do I keep on thinking of you, every hour, every minute and every second of the day? Palagi ka na lang tumatakbo sa puso't isipan ko.

Napatingin ako sa relo ko, it's already 12:30, tanghaling tapat na pala. Bumaba ako kwarto at dumiretso sa kusina ng maabutan ko siya Momshie at Yata Melting na naghahanda ng pananghalian. Nilapitan ko silang dalawa.

"Hi Momshie! Hi Yaya! Good morning sa inyo," masiglang bati ko sa kanila.

"Oh gising na pala ang prinsesa ko?," natatawang saad ni Mom.

"Ang bango naman ng niluluto niyo. Mukhang masarap ah?," pambobola ko sa kanila.

"Aba syempre masarap talaga yan! Kami nagluto niyan eh!," pagmamayabang na sagot ni Mom.

Napangiti na lamang ako sa sinabi ng pinakamamahal kong ina.

"Oh siyanga pala anak, kamusta ang school mo ha? Binubully ka pa rin ba nila?," tanong ni Momshie sa akin na ikinagulat ko.

Anong isasagot ko? Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? Pero paano? Sa paanong paraan? Oo, alam ni Mom na tampulan ako ng tukso at palagi akong pinag-iinitan ng mga bullies sa university naming kung kaya't di na ako nagtataka kung bakit naitanong niya sa akin ang bagay na 'yon.

"Okay lng Momshie. Ganoon pa rin, as usual. Sanay naman ako eh. Hayaan na lang natin sila," nakangiting tugon ko.

Okay lang daw ako? Sige, Zia ipalabas mo lang n okay ka kahit ang to too hindi ka na okay.

"Eh ba't kasi ayaw mo pang baguhin yang pananamit mo eh? Fix yourself anak. Dalaga ka na, matuto ka naman mag-ayos ng sarili mo.," saad ni Mom na ikinangiti ko.

"Kaya ka nila binubully eh, kasi tingnan mo nga yang sarili ko oh? Tingnan mo yang suot mo. MukhMukha kang manang kung manamit. Parang hindi ka teenager kung umasta.," dagdag pa nito na ikanabusangot ng mukha ko.

"Mom naman eh! Alam niyo naman na dito ako kumportable di ba? Tsaka sabay na ako sa Manila. Hayaan na lang natin sila. Okay?," ani ko sabay halik sa pisngi ni Mom.

"Pati ba naman ikaw mom? Bully ka rin eh noh?," natatawang sambit ko na ikanatawa naman ni Yaya Meling.

"Hahahaha..Ikaw talagang bata ka, Zia. Tama naman kasi ang mama mo. Dalaga ka na, pero kung manamit ka daig mo pa kaming mga kasambahay sa sobrang kabaduyan mo. Ang baduy mo kayang pumorma. Promise iha, mukha ka ng ang manang eh.," natatawang wika ni Yaya Meling.

Napakunot ang noo ko. Oo, aaminin ko baduy ng ako kung manamit, eh ano naman ngayon? Ito ang gustu ko eh.

"Anak, it's time to fix yourself. Act like a princess, a fine young lady. Magdress ka naman. Wag yang puro oversized shirts, jeans at rubber shoes ang nakikita kong sinusuot mo araw-araw. Try something new anak. Something that will boost your beauty.," mahabang litanya ni Mom.

Napaisip ako, wala na ang masama sa sinabi ni Mom, but still ayoko talaga! Mas kumportable ako rito eh. Ayoko ng baguhin pa ang sarili ko. Kuntento na ako sa sarili ko. Okay lang sakin naging nerd, wag lang naging campus queen. Di naman sa pagmamayabang pero maganda naman ako eh, kapag naayusan nga lang.

Ms. Nerd meets Mr. FamousDonde viven las historias. Descúbrelo ahora