Chapter 8: Ang Pagtatapat

102 27 0
                                    

~~Zia's POV~~

Mataas na ang sikat ng araw, it's already past 6:00 pero tila tinatamad pa rin akong pumasok ng school. Anong gagawin ko sakaling makita ko siya? Anong sasabihin ko? Nahihiya akong harapin siya lalo na ngayong may sapat na dahilan ako para layuan siya. Naguguluhan na ako sa sitwasyon ngayon.

"Zia! Anong or as na di ka pa ba papasok?," sigaw ni mom mula sa labas ng kwarto ko.

"Andyan na po ma! Sandali na lang po!," agarang sagot ko sa kanya.

Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko sa bag at bumaba ng kwarto. Bahala na kaysa magkulong ako buong araw dito sa kwarto ko. Mabilisan ang ginawa kong pagkilos. Bahala na si batman! Sigaw ko sa isipan ko.

Pagkarating ko ng school ay agad akong pumunta sa locker room. Nagulat ako ng pagbukas ko ng locker at agad tumambad sa akin ang isang dosenang bulaklak na may kasama pang sulat at tsokolate. Sino ang naglagay nito sa locker ko? Kinuha ko na lamang ang mga ito at tsaka binuksan ko ang sobre para basahin ang laman nito.

Zia,

Una sa lahat, gustu kong batiin ng isang magandang umaga ang isang napakagandang binibini. Pangalawa, nais kong sabihin na talagang napakaganda mo. Pangatlo, nais kong ipaalam sa'yo na GUSTO KITA. Kung bakit? Di ko alam, basta pagkagising ko isang araw MAHAL NA KITA. MAHAL KITA, ZIA ENRIQUEZ. GUSTO KITA, ANG LAHAT LAHAT SA'YO. Wala akong paki-alam kung ano man ang hitsura mo at kahit na nerd ka pa sabi nga nila. Pero hindi naman sukatan ang hitsura pagdating sa pagmamahal, di ba? Ang importante sa akin nagpapakatotoo ka, ang important MAHAL KITA. Tinitibok ka ng puso kong ito, Zia. Zia, hindi na ako magpaliguy-ligoy pa. ZIA ENRIQUEZ PEDE BA KITANG LIGAWAN? Makita lang kita buo na ang araw ko, masaya na ito ng puso ko. I WANT YOU, ZIA..No let me correct that, MAHAL NA MAHAL KITA ZIA. I LOVE YOU, ALL OF YOU.

NAGMAMAHAL,
GINOONG NIEL 

Tama ba ang nabasa ko? MAHAL niya ako? Liligawan niya ako? Bakit ako? Madami na ang nag-gagandahang babae sa campus, bakit ako pa? Bakit ako na isang dakilang nerd pa?

"Uy ano yan? Patingin nga!," biglang saad ni Kate na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.

Paktay! Bakit andito siya sa locker room? Binabantayan ba ako ng babaitang 'to? Dali-dali kong itinago ang sikat sa akong likuran ngunit sa kasamaang palad ay inagaw ito ni Faye sa akin na siyang kasama ni Kate na pumasok ng locker room.

"Akin yan!," bulalas ko sabay hablot ng sulat kay Faye, pero hindi ko ito nakuha sa kanya at sa halip na ibigay niya ito sa akin ay mas lalo niya ito ng inilayo sa akin.

"Oooopppppssss! No! Akin na yan Faye!," utos ni Kate sa kanya kung kaya't inabot niya ito rito.

Pagka-abot ni Kate sa sulat ay agad niya itong binasa at ganoon na lamang ang pamumula ng mukha nito dala ng sobrang galit pagkatapos niyang basahin ang sulat.

"No! Bwisit lang nerd ka!," singhal ni Kate sa akin sabay sabunot sa buhok ko.

"A-aray Kate..B-bitawan mo ako, pl-please..," ani ko na iniinda ang sakit dulot ng pagsabunot niya sa buhok ko.

Pero imbes na bitiwan ako ay mas lalo niya akong kinaladkad hanggang sa pareho making natumba sa sahig. Wala akong kalaban-laban sa kanya, napakalakas niya.

"Malandi kang nerd ka! Binalaan na kita, di ba?," inis na bulyaw niya sa akin sabay sampal sa magkabilang pisngi ko.

Napahawak ang kamay ko sa pisngi ko na sinampal ni Kate. Pakiramdam ko namula ito sa sobrang lamas ng pagsampal niya sa akin.

"Sabi ko sa'yo layuan mo si Niel! Pero anong ginawa mo, ha?! Mas lalo mo talaga akong ginagalit! Lintek kang nerd ka!," bulalas ni Kate sabay ngudngod ng mukha ko sa sahig.

Nasapo ko ang making bibig dahil pakiramdam ko dumugo into sa sobrang lamas ng pagngudngod ni Kate sa mukha ko. Biglang nag-blurred ang paningin ko ng makita ko ang bakas ng dugo sa kamay ko. Dumugo ang bibig ko! Darn it, Kate!

"Kate tama na! Nasasaktan ako!," lamas loob na saad ko habang patuloy ang pag-agos ng masaganang luha sa mga mata ko.

"Tama na? Nasasaktan ka?," pang-iinsultong pag-uulit ni Kate sa sinabi ko. "Ang dapat sa'yo pinahihirapan! Sinasaktan!"

Patuloy ang ginawang pagsabunot niya sa akin at pakiramdam ko ay parang makakalbo na ako sa ginagawa niya. Tiniis ko na lamang ang iniindang sakit habang patuloy pa rin akong umiiyak. Lord, please send someone who has a good heart to help me. Please. Usal ko sa isipan ko.

"Dapat sa'yo patayin!," sigaw ni Kate sa tenga ko. Pakiramdam ko tuloy mabibingi na ako.

"Stupid nerd!," inis na dagdag pa niya.

Unti-unting nagdilim ang paningin ko dala ng sobrang sakit na idinulot ng pagsabunot at pagkaladkad sa akin ni Kate.

"Zia! Kate! Stop it!," boses ni Niel na kararating lang at kitang-kita niya ang ginawang pananakit ni Kate sa akin. "Tama na yan, Kate! Sumusobra ka na!"

Kitang-kita ko kung paano namula sa galit ang pagmumukha ni Niel sa ginawang pananakit ni Kate sa akin.

"Nahihibang ka na Kate! Nababaliw ka na! Tama na! Sobrang na yang ginagawa mong pambubully sa mga estudyante rito! Lalong-lalo na kay Zia!," inis na turan ni Niel sa kanya na ikinatigil at labis na ikinanganga ni Kate. Thank you, good Lord for hearing my prayers. Usal ko sa isipan ko.

"N-niel?," nanghihinang sambit ko ng pangalan niya

"Zia?," aniya sabay lapit sa kinaroroonan ko.

"Zia!," rinig kong bulalas niya sa pangalan ko.

Unti-unting nilamon ng kadiliman ang paningin ko at nahihilo ako. Ipinikit ang mga mata ko dala ng sobrang pagod at sakit na nararamdaman ko.

"Zia!," rinig kong pagsigaw ni Niel sa pangalan ko. "You'll pay for this, Kate! You bitch!"

Dinig na dinig ko ang galit na boses ni Niel bago ko tuluyang ipinikit ang mga mata ko at nawalan ng malay.

Ms. Nerd meets Mr. FamousDove le storie prendono vita. Scoprilo ora