Chapter 6: The Beginning of Friendship

127 28 0
                                    

~~Zia's POV~~

"Zia? A-anong nagyari?," napatingala ako sa may-ari ng boses.

Andito siya, I saw him again. Standing in front of me, is the man who always saves me, Niel Martinez.

"N-niel?," utal na saad ko.

"Zia, sinong may gawa nito? Sabihin mo sa akin.," seryosong wika nito na ikanatakot ko naman.

"N-niel, a-ano kasi ba-bawal kong s-sabihin eh...," tugon ko.

"Si Kate ba? O si Wayde?," halata ang pagkagalit nito sa tono ng boses niya kung kaya't wala akong nagawa kungdi sabihin sa kanya ang totoo.

"B-both of th-them.," sagot ko na mas lalong ikinagalit niya.

"Ano?! Mga walang puso!," galit na wika ni Niel ngunit bakas sa mukha nito ang pagkaawa sa akin.

"Please, don't tell anyone about this..Please..Mas lalo nila akong pag-iinitan.," pagmamakaawa ko sa kanya.

"Zia, halika. Tulungan na kita riyan.," pag-alok nito ng tulong sa akin sabay abot ng kamay niya para tulungan akong makatayo.

"Salamat.," tipid na tugon ko.

Sabay naming iniligpit ni Niel ang mga nagkalat na pagkain at pagkatapos naming linisin iyon ay agad akong nagpaalam sa kanya na pumunta ng cr para magbihis ng damit ko. Mabuti na lamang at palagi akong nakahanda, meron akong dala na extra clothes sa bag ko in case something bad will happen.

Dali-dali akong nagbihis at lumabas ng banyo tsaka dire-diretsong nagtungo sa cafeteria. Gutom na gutom na talaga ako. Kanina pa sana ako nakakain kung di ko lang sana nabangga ang bully king na iyon. Naudlot tuloy yung plano ko na kumain.

"Zia!," napalingon ako sa may-ari ng isang pnilyar na boses.

At hindi ako nagkakamali, siya na naman. Ba't ba kasi sunod ng sunod sa akin 'tong lalaki na ito? Ano siya stalker? Geeeezzzz! Wag kang assuming, Zia. Wala kang stalker, okay? Usal ko sa aking isipan.

"Niel.," nakangiting sambit ko.

"Tara sabay na tayong kumain.Anong gusto mo?," anyaya niya sakin.

"Ah kahit ano lang, basta makakain.," natatawang saad ko.

"Okay..Sabi mo eh.," aniya sabay gulo ng buhok ko. "Hintayin mo ako riyan ha," dagdag pa niya sabay kindat at humakbang papuntang counter.

Naku! May pakindat-kindat pang nalalaman ang isang ito. Nilinga-linga ko ang aking paningin sa paligid upang makasigurado na wala ang grupo nila Kate dahil tiyak kapag nakita niya akong kasama si Niel ay mas lalo lamang niya akong pag-iinitan. Nang masigurado kong wala si Kate at ang mga alipores niya ay saka na lamang ako nakahinga ng maluwag. Salamat naman at wala sila rito.

"Oh ba't nakatulala ka riyan?," tanong sakin ni Niel pagkarating niya sa mesa namin.

"Ah wala.," maikling sagot ko.

"Alam mo gutom lang yan..Oh eto, kain ka na.," aniya sabay abot ng piraso ng burger sakin.

Napanganga ko ng makita ko ang dami ng pagkain na inorder niya. Siya ang kakain ng lahat ng ito? Ba't andami naman 'ata neto.

"Ba't andami yata?," tanong ko sa kanya.

"Alam ko kasing gutom ka. Ako rin, gutom na rin ako eh.," pangingiting wika niya.

"Niel, pede bang magtanong?," I asked him seriously.

"Oo naman. Nagtatanong ka na nga eh.," pilosopong sagot niya.

"Hahaha..Oo nga no? Pero bakit ba ang bait-bait mo sakin?," seryosong tanong ko sa kanya.

"Hahahaha..Syempre mahal kita eh!," biglaang sagot niya na kaagad din naman niyang binawi. "A-ah, ano..A-ang ibig ko k-kasing sabihin ma-mahal yang burger. Kaya kainin mo na, ma-masarap yan.," nahihiyang saad niya.

"Ah okay!," tipid na sagot ko.

Halata ang pamumula ng mukha niya. Tila nabigla din ito sa kanyang nasabi sa akin. Mahal niya ako? Seryoso siya? Tssss...Baka mamaya pinagtitripan lang ako neto eh. Hinayaan ko na lamang yun at kinain ko na lang ang burger na bigay niya sakin.

"Zia? Pede ba kitang maging kaibigan?," nahihiyang tanong niya.

"Uuuhhhhmmmm..Oo naman.," sagot ko habang ngumunguya ng burger.

"Talaga?!," bulalas na tanong niya.

"Oo nga.," iritadong sagot ko.

"Yes! Thank you! Thank you, Zia!," natutuwang wika niya sabay talon.

"Uhhmmmmmmmm...Acccc­kkkkkkk!," halos maluwa ko yung nginunguya kong burger sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin.

"S-sorry..Ayos ka lang?," nag-aalalang tanong niya.

"Ah ano kasi. Ang higpit eh.," sagot ko na pilit ngumiti para iparating sa kanya na ayos lang ako kahit yung totoo muntik na akong mabulunan sa ginawa niya.

"Pasensya na ha. Masaya lang ako, dahil sa wakas kaibigan na kita.," aniya sabay gulo ng buhok ko.

Ba't ba ang hilig ng lalaking ito na guluhin ang buhok ko? Wala ba siyang sariling buhok? Natatawang tanong ko sa isipan ko.

"Teka lang, may dumi ka sa mukha.," anito.

"Ha? Sa-saan?," usal ko habang pinupusan ng tissue ang palibot ng bibig ko.

"Wala riyan..Akin na nga.," aniya sabay agaw ng tissue sakin at pinunasan ang dumi sa mukha ko.

Napatulala na lamang ako sa ginawa niya. Feeling ko tuloy namumula ako sa sobrang hiya dahil sa ginawa niya.

Pero teka lang wait? Bakit ba palapit ng palapit ang mukha ng lalaking 'to sa mukha ko? Ilang inches na lang ang distansya namin. Dama ko na rin ang mabango niyang hininga.

DUG! DUG! DUG! DUG! DUG!

Malakas na kalabog ng dibdib ko. Napahawak ako sa dibdib ko, bakit abot langit ang kalabog ng dibdib ko? Ano ba 'to? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Napapikit ako ng tuluyang nilapit ni Niel ang labi niya sa labi ko. Feeling ko tuloy anumang oras ay maglalapat na ang mga labi namin.

DUG! DUG! DUG! DUG!

Habang tumatagal mas lalong lumalakas ang kalabog ng dibdib ko.

"Zia?," biglaang saad niya na ikinamulat ng mga mata ko.

"N-niel?," nauutal na sambit ko.

"P-pasensya na..," paghingi niya ng paumanhin sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ako nanghihinayang. I don't know why, kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko may kuryenteng dumaloy sa katawan ko kanina habang nakipagtitigan ako sa kanya. Naninibago ako sa aking nararamdaman. I doesn't feel anything like this before. Pakiramdam ko tuloy ang pula pula na ng pisngi ko sa ginawa ni Niel. It was just an attemp kiss, pero bakit ganito ang epekto nito sa akin. I'm blushing. No way! Ako nagbublush? Zia, wake up! It's just a stupid dream. Nanaginip ka lang! Sigaw ko sa isipan ko. Pasimple kong kinurot ang tenga ko para matauhan ako. Ouch! Ang sakit naman..Gising ako, gising na gising. Lihim akong natawa sa ginawa ko.

Remember, Zia..Don't you dare to fall in love with Niel, kung ayaw mong makatikim ng parusa kay Kate. Put that in mind always, Zia. Paalala ko sa sarili ko.

Ms. Nerd meets Mr. FamousDonde viven las historias. Descúbrelo ahora