Chapter 5: Namiss Kita!

138 27 0
                                    

~~Zia's POV~~

Kasalukuyan akong nasa harapan ng school namin. Here it goes again, new day, new experiences and most of all ne challenges na naman ang maaari kong harapin galing sa mga bullies. Zia, make yourself stronger than ever! Wag kang papadala sa takot mo. Pagchecheer ko sa sarili ko. Nagsimula na akong maglakad at tinahak ang daan patungo sa classroom namin. Malayo pa lang ay dinig na dinig ko na ang mga boses ng mga kaklase ko.

"HAHAHAHAHA!" malakas na halakhakan ang umaalingawngaw hanggang sa labas ng classroom.

Di ko na lang pinansin ang tawanan nila, dire diretso at prenteng prente akong umupo sa armchair ko. I miss my armchair, ilang araw din kaming hindi nagkita nitong upuan ko eh. Usal ko sa isipan ko. Oh di ba, parang baliw lang noh? Namimiss ko yung upuan ko. Hahahaha.. I look at each of my classmates faces, bakas sa pagmumukha nila ang nakakalokong tingin at ang lihim na pagtawa nila sakin. I don't even know kung bakit ganoon sila makatingin sa akin. Siguro kung nakakamatay yang titig nila kanina pa ako binawian ng buhay. Binalewala ko na lang ang bawat tingin na pinukol nila sa akin, I tried to relax myself. Ang aga-aga ako kaagad ang nakita nilang pagtitripan. Wala na silang ibang ginawa kungdi ang gawin akong katatawanan everytime they're bored. Di na sila nagsawa.

"Okay class, good morning!," masiglang bati ng professor namin nagad ikantahimik ng lahat. "Today, wala tayong klase."

"YUHOOOO! YES!" sabay sabay na sigawan ng mga kaklase ko.

"Class listen! Hindi dahil wala tayong klase ngayon ay maaari na kayong maglakwatsa! Use your time for this subject wisely! Gamitin niyo ang oras niyo ngayon sa paghahanda ng mga gamit at script niyo na gagamitin niyo sa nalalapit na roleplay presentation niyo!," galit na saad ni Professor Uy. "Understood?"

"Yes, sir!," sabay na sagot ng mga kaklase ko.

Pagkatapos ng mahabang speech ni Prof. ay agad siyang lumabas ng classroom at naiwan naman kaming nakatunganga lang. So ganun ganun lang yun? Pagkatapos ng announcement niya, iiwan niya lang kami dito, di niya man lang kami tutulungan or advisan man lang sa mga bagay na dapat naming gawin..Tsss..Tamad talaga 'tong professor namin eh. Ewan ko ba dun, may saltik 'ata eh.

"Zia! Kamusta binibini? Ilang araw kang hindi pumasok ah?," tanong ni Niel na ikinagulat ko.

Itong lalaking 'to parang multo, bigla na lang susulpot galing kung saan. Pinaglihi yata 'to ng mga magulang niya sa multo o di kaya sa kabute eh. Hahahaha.Natawa ako sa naisip ko.

"Ah-ah ano...May inaasikaso lang.," pagsisinungaling ko.

'Ganoon ba? Mukhang napaka-importante yata nun? Tagal mo kasing lumiban sa klase.," saad nito habang binibilang ang mga daliri niya. "Tatlong araw kang hindi pumasok. Tama?"

Wow ha. Binilang talaga ang days of absences ko. Ano siya guidance councilor na inirerecord yung days of absences ko? Napabuga na lamang ako ng hangin sa ginawa niya.

"Ah oo eh..Tatlong araw lang naman..," ani ko.

"Tatlong araw lang..Pero namiss agad kita.," biglang sambit nito na siya namang ikananganga ko.

"A-ano?," naguguluhang tanong ko sa kanya.

"A-ah..A-ano ang i-ibig kong sa-sabihin madami ka ng na-namiss na sa l-leksyon natin..," nauutal na tugon niya. "T-tama! D-dami mo ng namiss na le-leksyon! Hhahahaha.."

"Ah!," tipid na tugon ko.

"Sorry ha...Ah ano..Pra-practice na lang t-tayo? Okay lang ba sayo?," nakangitingbtanong niya sakin.

"Oh sige ba! ," masiglang sagot ko.

Pagkatapos ng practice ay agad akong nagpaalam kay Niel na pumunta ng cafeteria para kumain. Agad ko siyang iniwan at dali-daling tumakbo papuntang cafeteria. I'm hungry, my stomach is rumbling. Gusto ko ng kumain!

"BLOOOOOOGGGGGGG!"

Masyadong mabilis ang pagtakbo ko na hindi ko man lang namalayan na may tao akong mababangga.

"Hoy nerd! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!," inis na bulyaw sa akin ng nakabangga ko.

"P-pasenya n-na..," paghingi ko ng paumanhin habang kinakapkap ko sa sahig ang aking eyeglasses na nahulog dulot ng malakas na impact ng pagkakabangga ko sa lalaki.

"Anong magagawa ng pasensya mo, kung natapon na ang lahat ng pagkain na dala-dala ko!," galit na sumbat nito sakin.

Di ko naman sinasadya kung bakit ko siya nabangga eh. Dala ng sobrang inis ko ay tiningala ko ang taong nakabangga ko pero laking gulat ko na lamang ng makita ko ang nag-qapoy sa galit na pagmumukha ni Wayde. Si Wayde? Sa dinami-rami ng estudyanteng pwede kong mabangga, bakit siya pa? Trouble again, Zia. Yan kasi di ka nag-iingat eh. Paninisi ko sa sarili ko.

"W-Wayde?," utal na saad ko.

Galit na galit ito na tila isang mabangis na leon na handang sakmalin sa leeg ang kaaway nito.

"It's not Wayde! Its KING! Uulitin ko KING ang tawag sa akin! Malinaw ha, nerd?!," sigaw natin sakin na talagang idiniin niya pa ang pagbikas ng salitang KING, sabay luhod at hawak sa kwelyo ng uniporme ko. "Naiintindihan mo ba?!"

"O-oo," takot na takot na tugon ko.

"Clean this mess! Linisin mo yan, bilis!", utos nito sa akin sabay sipa ng mga natapong pagkain sa sahig.

Naluluhang sinunod ko ang utos niya sa takot na na baka mapagbuhatan niya ako ng kamay. Ang weak mo, Zia! Ang weak mo! Gutom na gutom na ako tapos ito pa ang mangyayari, malas naman oh...Ang lampa lampa mo na nga, weak ka pa, Zia! I told myself while crying and cleaning the mess that I've caused.

"Hey look, who's the new janitress?," ani ng isang pamilyar na boses.

Tiningala ko ang may-ari ng boses and there I saw Kate together with her group. Napanganga ako ng makita ko ang tila tuwang-tuwa na reaksyon sa mukha ni Kate. At talagang natawa pa siya sa bagay na nakita niya? Wala talagang puso ang babaeng to! WITCH! Sigaw ko sa isipan ko.

"Kawawang nerd..Janitress ka na pala ngayon?," natatawang ani ni Kate habang nilalagyan ng iilang piraso ng pagkain ang ulo ko na siyang pinulot niya mula sa sahig.

"Hahahaha..In fairness bagay sa kanya, Queen!", ani ni Faye, na kagrupo ni Kate.

Napaiyak ako ng tuluyan sa ginawa nila sakin. Sobra sobra na sila..Punong-puno na ako sa kanila. Wait 'til I find my strengths to seek vengeance upon you, bitch! Sigaw ko sa isipan ko. Lihim akong natawa sa naisip ko, pathetic Zia
Kahit kailan di mo naman magawang lumaban eh. Puro ka salita na kesyo lalaban ka na pero ano, hindi mo naman magawa-gawa? Duwag ka kasi. Isa kang dakilang duwag!

"SPLAAAAAASSSSSHHHHH­!"

Nanlamig ang buong katawan ko ng buhusan ako ng isang basong malamig na tubig ni Shy, isa sa mga kasamahan ni Kate.

"Oooopppppssss...Sor­ry...Hahahahaha!," anito sabay tawa.

"HAHAHAHAHAHA!"

Napasabay na rin sa pagtawa ang mga estudyanteng napapadaan.

"Look nerd..If you're not going to clean this mess. May kalalagyan ka..," babala ni Kate sakin. "And oh, please shut up your mouth, okay? Don't tell anyone about this, lalong lalo na sa pinakamamahal mong mommy. Okay, darling? Understood?" dagdag pa nito sabay haplos at dinuro-duro ang noo ko.

Napatango na lamang ako habang patuloy ang pag-agos ng masaganang luha sa mga mata ko. Wala man lang akong nagawa para ipagtanggol ang sarili ko. You're so weak, Zia.

Tuluyan na akong iniwan ng grupo nila Kate at here I am, nakaupo sa sahig sa gitna ng mga nagkalat na pagkain. Ahhhhhhhhhh! Ang dungis ko na tuloy.

Ms. Nerd meets Mr. FamousOnde histórias criam vida. Descubra agora