Chapter 11: Excited

92 26 0
                                    

~~Zia's POV~~

"Zia, gumising ka na! Alas siete na!," umaalingawngaw ang boses ni Momshie mula sa labas ng kwarto ko at sinabayan pa ito ng malakas na pagktatok niya sa pinto ko. Ang aga-aga nambubulabog sa pagtulog ko si Mommy. Pupungas pungas akong bumangon sa kama ko habang nakapikit pa rin ang mga mata ko.

"Momshie naman. Inaantok pa ako eh! Ang aga-aga nambubulabog kayo eh," pagmamaktol ko sa ginawa niya.

"Aba batang 'to! Baka nakakalimutan mo may bisita kang darating ngayon!," inis na turan ni Momshie.

Napakamot ako ng ulo ko ng maalala kong babalik pala dito sa bahay si Niel ngayong araw. Muntik ko ng makalimutan 'yon. Kainis naman oh, inaantok pa ako eh.

"Bilisan mo! Mamaya nandiyan na si Niel!," pahabol na sigaw ni Mom.

Isinara ko ang pinto ng kwarto ko ng tuluyan akong iniwan ni Momshie, mabilis kong inayos ang higaan ko. Napatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin. Ang baduy ko na nga, nerd pa! Tiningnan ko ang ayos ko, ayos lalaki. Malaki ang suot kong shirt na abot hanggang tuhod ko at nakasuot ako ng pajama. Inayos ko ang buhok ko at hinubad ang eyeglasses ko. Magandang ka naman talaga, Zia. Hindi ka nga lang mahilig mag-ayos at mag-paganda.

"Anak buksan mo to!," sigaw ni Mom mula sa labas ng kwarto ko. Agad naman akong tumalima at binuksan ang pinto ng kwarto ko.

"Oh yan ang isusuot mo," ani ni Momshie sabay about sa akin ng paper bag. Tinanggap ko ito at nilapag ko ito sa kama ko. Mamaya ko na lang isusukat yan, maliligo muna ako.

Mabilisan ang ginawa kong pagligo at dali-daling lumabas ng banyo para magbihis. Mas mabuti na ako ang maghintay kaysa si Niel pa ang maghintay sa akin. Pero teka nga lang, bakit parang excited yata ako? Excited nga ba talaga? Kunot noong tanong ko sa sarili ko.

Tiningnan ko ang laman ng paper bag at napanganga ako ng makitang kong dress ang isusuot ko. Bakit ganito? Alam naman ni Mom na ayaw ko sa mga ganitong klase ng damit eh. Nakakabanas naman oh. Wala akong magagawa, kailangan kong suotin, baka mapagalitan pa ako ni Momshie kung hindi ko isusuot ito.

Isinuot ko ang dress na binigay sa akin ni Momshie at tiningnan ko ulit ang kabuuan ng repleksiyon ko sa salamin. Magandang ang dress na binigay sa akin ni Mom, kulay itim at bulaklakin ang design nito, knee level lang ito at maikli ang sleeves nito, backless ang style nito sa pakiramdam ko ay halos wala ng saplot ang likuran ko. Pinatungan ko ng kulay pulang cardigan ang suot kong dress para hindi ako lamigin kung sakali tsaka kinuha ko ang sling bag ko na kulay puti at dali-daling bumaba ng kwarto ko. Sa sala na lang ako maghihintay sa kanya.

"Anak tapos ka na ba diyan? Parating na si Niel!," pasigaw na wika ni Momshie mula sa sala.

"Nandiyan na po Mom!," agarang tugon ko.

Agad akong bumaba hagdan at nakita ko si Momshie na hindi mapakali sa kahihintay sa akin.

"Mom!," tawag ko sa kanya.

Napalingon siya sa gawi ng hagdan kung saan ako nakatayo. Napangiti siya ng makitang ako sa ayos kong ito. Kumikislap ang mga mata ni Mom habang tinitingnan ang kabuuan ko.

"Anak ikaw ba yan?," namamanghang tanong ni Momshie sa akin na tula hindi makapaniwala sa nakikita niya.

"Mom, ako 'to!," masiglang tugon ko sa kanya.

"Anak ang ganda-ganda mo! Ikot ka nga!," saad ni Mom pagkababa ko ng hagdan sabay paikot sa akin ng ilang beses. Feeling ko tuloy nahihilo na ako sa ginagawa ng pagpapaikot sa akin ni Momshie.

"Pero teka lang anak, ba't ganyan ang suot mong sapatos? Palitan mo yan ng heels, bilis!," pangiti-ngiting sambit ni Mom.

"Pero Momshie..Hindi ako sabay mag-heels," pagmamaktol ko.

"Sige na palitan mo yan!," ma awtoridad na utos ni Mom sa akin, kung kaya't wala akong nagawa kungdi sundin siya. Bumalik ako ng kwarto para palitan ang suot kong sapatos. Paika-ika akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.

Dahan-dahan ngunit maingat ang ginawa kong paghakbang sa bawat baitang ng hagdan. Ayokong matapilok at mabalian ng buto noh!

"BEEP! BEEP! BEEP! BEEP!"

Dinig kong busina ng kotse sa labas ng bahay namin.

"Anak, nandiyan na si Niel!," bulalas ni Mom dahilan na binilisan ko ang paggawa kong paghakbang.

"Hi tita, good morning po!," masiglang bati ni Niel kay Mom pagkapasok niya ng bahay namin.

"Oh iho! Hello, good morning!," masiglang tugon ni Mom sa kanya habang nakangiti.

"Oh nandiyan na pala si Zia!," pangiti-ngiting saad ni Mom habang nakatingin sa akin.

Nakita ko ang pag-angat ng mukha ni Niel para tingnan ako, ngunit hindi ko ito pinansin. Nakatulalang napatitig sa akin si Niel habang bumababa ako ng hagdan.

Nang malapit na ako sa kahuli-hulihang baitang ng hagdan ay agad inilahad ni Niel ang kanyang kamay sa akin kung kaya't mas minabuti ko na lamang na tanggapin ito kahit na sa totoo lang ay pilit kong tinatago ang kilig na nararamdaman ko.

"Ang ganda-ganda mo ngayon, Zia.," nakangiting saad ni Niel habang titig na titig pa rin sa akin.

"Para kang isang napakandang diyosa ngayon," dagdag pa niya na nagdulot ng sobrang kilig sa puso ko.

DUG! DUG! DUG! DUG!

Ayan na naman naririnig ko na naman ang malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi ko mapigilan ang bilis ng pagtibok nito. Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko ay nagsitayuan ang mga balahibo ko ng magkalapat ang mga balat namin ni Niel, parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Sa tuwing naririyan si Niel ay nagiging abnormal ang tibok ng puso ko. Feeling ko ang haba-haba ng hair ko at ako ang napakagandang babae para sa kanya.

Ms. Nerd meets Mr. FamousTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang