Prologue

442 32 0
                                    

"CUT!!!"

"Natapos din," natawa ako sa bulong ni Marco Johnson bago humiwalay sa yakap. Binatukan ko siya at sabay kaming tumawa.

"Great job, Irene, Marco. Tomorrow will be just your rest day so enjoy it," sabi ni Direk Lee at parehas na tinapik ang balikat namin ni Marco.

"Thank you for your hard work everyone!!!" Pasasalamat namin ni Marco sa lahat ng staffs na kasama naming magpuyat ULIT ngayon.

"Irene!" Nilingon ko ang tumawag sa 'kin at nakita ang papalapit na manager ko. Binaling ko ang atensyon ko kay Marco at nginitian. Tinanguan naman niya 'ko bago siya sumama sa manager niya. Sumama na rin ako kay Stella Hamilton, ang manager ko, para makapagbihis na. "So, anong balita?"

Napakunot ang noo ko sa tanong ni Stella habang paupo sa harap ng salamin. "Anong balita?" Tanong ko.

"Between you and Marco!" Natawa na lang ako habang napailing. She's always been like that since Marco and I got paired up. And Stella also know that Marco is just my friend.

"I already told you that—"

"'Marco is just my friend and will always be'," pagpapatuloy niya sa sasabihin ko.

"See? You even memorized it so stop—"

"Pero wala bang you know, spark?" Nakangiting parang baliw sa 'kin si Stella kaya kinuha ko ang isang rolyo ng tissue at binato sa mukha niya. "Aray!"

"Mukha mo mukhang ewan. By the way, mauna ka nang umuwi may pupuntahan lang ako," sabi ko habang tinatanggal ang abubot sa kamay, buhok, tainga/tenga, at leeg. Ninipisan ko na rin ang makeup ko dahil para sa 'kin medyo makapal. Light makeup lang ang gusto ko.

"Huh?? Wala ka namang naka-schedule ngayon," pinanood ko mula sa salamin ang pagkataranta ni Stella habang chinecheck ang tablet na palagi niyang bitbit. "Tingnan mo! Wala kang schedule at itong shooting na ang pinakahuli!"

"Wala nga dahil magsasaya ako ngayong gabi," sabi ko sabay tayo at kuha ng shoulder bag. Sinuot ko rin ang eyeglasses ko bago ngitian ng matamis si Stella.

"But, Irene—"

Pinutol ko ang sasabihin niya sa pamamagitan ng pagharang ng hintuturo ko sa labi niya. "No buts, Stella."

Inalis niya ang daliri ko at ngumuso sa harapan ko. "Irene, for your information, I'm still your manager."

"Please? I want to enjoy this day. I promise, bukas na bukas matutulog lang ako magdamag."

"Anong matu-"

"Thank you! Mwuah mwuah!"

Naglakad na ko palapit sa pinto at binuksan ito pero bago ako lumabas nag-flying kiss pa ko sa kaniya. Humarap ako sa bukana at medyo napa-urong dahil may pader este tao sa harapan ko. Nang i-angat ko ang ulo ko si Marco pala 'to.

"Marco? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Sige na, Irene! Chupi na!"

Nagulat na lang ako ng itulak ako ni Stella palabas at malakas na isinara ang pinto. Huli na ng malaman ko na napasubsob pala ako kay Marco kaya agad akong umayos ng tayo.

"Sorry," sabi ko.

"It's okay," nakangiti niyang sabi sa 'kin.

"Ano nga pala ginagawa mo dito?" Ulit ko sa tanong ko kanina.

"Uhmm... if you don't mind... pwede bang ihatid kita ngayon?" Napahimas ng batok si Marco at halata mong nahihiya siya sa tinanong niya sa 'kin ngayon lang.

"KYYYAAAAHHHHH!!!"

"Ssshhhh!!!"

Stella, lagot ka talaga sa 'king babaita ka.

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon