Chapter 20: Epilogue

155 9 1
                                    

Zeon's POV

"Z-Zeon?" Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Irene at niyakap siya.

"Malapit na tayo sa ospital. Konting tiis na lang," ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganito. Ang pakiramdam na takot may mawala sa buhay ko. " Please, Irene. Please hold on."

"I-I...will...for you..." Halos hangin na lang ang lumalabas sa bibig niya pero naiintindihan ko pa rin ang sinasabi niya. Napangiti ako at tinanguan siya. Sabay kaming lalaban. Sabay naming haharapin 'to. Dahil mahal ko ang babaeng 'to. "Z-Zeon?"

"Hmm?" Pumikit si Irene at huminga ng malalim. Nahihirapan na siya. Marami ng dugo ang nawala sa kaniya. "Just wait, my queen. Don't close your eyes. Please."

"S-Sinasagot na k-kita," sabi niya na ikinatigil ko. Tinitigan ko siya at ang ngiti niya ang nakita ko.

"So, please hold on!" Tumango-tango siya kaya napangiti ako.

"Irene...wag mo kong iwan."

*****

"You really love my daughter?" Napalingon ako kay Master na nakatitig sa pinto ng ER at parehas kaming inaantay ang pagbukas nito.

"A lot," sagot ko at napatingin sa kamay ko na may bahid pa rin ng dugo ni Irene.

"Take care of her," napakunot ang noo ko at tiningnan si Master.

"What do you mean?"

"I need to take my punishments. Pagbabayaran ko lahat ng ginawa kong mali kaya sana...sana manatili ka sa tabi niya," tumango ako at tinapik ni Master ang balikat ko.

"Zeon!" Sabay kaming napalingon ni Master sa bagong dating na sila Steve at Iñigo.

"Nasan na si ate? Lumabas na ba yung doktor? Ano na balita?" Sunud-sunod na tanong ni Iñigo kaya pinakalma siya ni Steve.

"Wala pang balita," sagot ko kaya bumagsak ang balikat ni Iñigo. Tiningnan naman niya si Master na nasa tabi ko at pumunta sa harap nito.

"Master, sorry pero..."

*BOGSH!*

"Rav!" Sigaw namin ni Steve dahil sa ginawa ni Iñigo.

"Master, sorry talaga pero para yon sa ginawa mo sa ate ko," natawa na lang si Master dahil sa kaniya. Napalingon kami lahat sa ER nang bumukas ang pinto. Napalapit kami sa doktor na lumabas at inantay ang sasabihin niya. Pero bakit ako kinakabahan?

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon