Irene's POV
"You're just a rookie. Be comfortable with her and be natural. I accepted you not because she begged me but because I can see potential on you. Are we clear?" sabi ni Direk Lee habang diretsong nakatingin kay Zeon. Halatang kinakabahan si Direk Lee dahil baguhan nga si Zeon at wala kaming alam tungkol sakanya.
"I will, Sir," sabi niya na ikinatango naman ni Direk Lee. Lumapit sakin si Stella at binulungan na aayusan na daw ako para sa shoot ngayon. Tiningnan ko si Zeon at tinanguan lang niya ko. Sumunod na ko kay Stella at pumasok sa tent ko.
"How's Marco?" tanong ko kay Stella habang inaayusan ako.
"He's fine there," sabi ni Stella at hinawakan ang kamay ko. Tumango nalang ako at bumuntong-hininga. Nasa America na siya ngayon para sa pagpapagaling niya. Nakagawa na rin ng article sa pag-alis ni Marco at ang pagbabago ng cast sa bagong drama ko. Sinabi ang katotohanan sa article na yon at hindi na kami nagsinungaling pa. Kilala si Marco sa America kaya maraming makakakita kaya naman sinabi na namin ang totoo sa lahat ng fans niya at ang susubaybay sa drama namin.
"I'm just worried," sabi ko at tiningnan ang sarili sa salamin. Ngayon ko lang na-realize na parang ang hirap pala talaga ng trabaho namin. Kailangan mong itago ang kondisyon mo sa lahat, kailangang ikaw mismo ang magpapasaya sa lahat, kailangang ikaw mismo ang magiging postive effect sa lahat, at marami pa.
"Tapatin mo ng ako. Sino ba mas gusto mo? Si Marco o si Zeon?" sinamaan ko siya ng tingin sa salamin pero ngumiti lang siya. Ano ba gustong iparating nito sakin? Napailing nalang ako at pinakiramdaman ang sarili. Pero alam ko na talaga kung sino.
"I like Zeon more than a friend. I like Marco but just a friend," sagot ko at alam kong yun din ang sinasabi ng puso at utak ko. Nagkaisa na sila ngayon kesa noong una na mas gusto ng utak ko si Marco at gusto ng puso ko si Zeon. Tinanguan nalang ako ni Stella at naging naman sa phone niya.
"But I have a question," napatingin naman ako ulit sakanya pero sa phone niya siya nakatingin. Ako naman siguro ang kausap niya noh? Ako nga dahil tiningnan niya ko sa salamin. "Do you know him?"
"Yes, Stella. He's Zeon—"
"Not that. Do you know him?" ulit niya at natigilan naman ako dahil sobrang seryoso niya. Napaisip ako sa tanong niya dahil narealize ko lang na iba ang pinapahiwatig ng tanong niya. I know Zeon by his name but totally not. I mean, I don't know his parents, his true identity exactly. Tiningnan ko si Stella at umiling.
"I don't," tumango-tango nalang siya at hindi na nagsalita pa. Eh kung kilalanin ko pa siya lalo? Mas maganda na yon kesa sa wala akong alam tungkol sakanya. Gusto ko kapag sinagot ko na siya, alam ko na ang buong pagkatao niya.
"The shoot will start in five minutes!" biglang sabi ni Stella kaya tiningnan muna nila ang ayos ko bago lumabas. May misyon ako ngayon, ang kilalanin pa lalo si Zeon Smith.
*****
Pabagsak akong umupo sa sofa dito sa bahay at sinandal ang sarili. Jusko! Hindi ko alam na sobrang nakakapagod ang mga naunang scene ngayon! Hindi ko tuloy nagawa ang misyon ko dahil alas-dos na ng madaling araw!
"Are you okay?" dinilat ko ang isa kong mata at tinanguan si Zeon na umupo sa tabi ko.
"I'm just tired," sabi ko at pumikit ulit. Napamulat ako ng mata ng hawakan ni Zeon ang magkabila kong balikat at tinalikod niya ko sakanya. Naramdaman ko nalang na minamasahe niya ang likod ko at ang balikat kaya medyo naginhawaan ang pakiramdam ko.
"You're here," napatingin ako sa nagsalita at si Steve yon. Naka-crossarms at SOBRANG seryoso niya. Diretso lang siyang nakatingin kay Zeon na para bang nag-uusap sila gamit ang tinginan nila. Ano meron?
BINABASA MO ANG
Bad Romance
Novela JuvenilShe only wants to be love. She only wants to be protected. She only wants to be taken care of. Actions that is not scripted. Words coming from the heart. Feelings and emotions that are sincere. When it will come? How long does she need to wait for t...