Chapter 9: With Them

110 16 0
                                    

Irene's POV

Naalimpungatan ako sa pagtulog dahil may naramdaman akong kamay na nakapatong sa noo ko. Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Zeon na busy sa pagbabasa ng bimpo at napatingin naman ako sa may-ari ng kamay. Kay Veronica.

"Kuya, gising na siya," mahinang sambit ni Veronica pero narinig din naman ni Zeon. Nilingon ako ni Zeon pero binalik pa rin ang atensyon sa bimpo. Piniga niya ito at inayos bago ipatong sa noo ko. At ngayon ko lang naramdaman na sobrang lamig. Hinigit ko yung kumot at binalot sa katawan ko.

"Gutom ka na ba?" malumanay na tanong ni Zeon pero hindi parin nakalagpas ang tingin niya. A concern stare.

"Hindi," ngumiti ako at tiningnan si Veronica. Hinawakan ko ang pisngi niya at nginitian siya.

"Okay ka naman dito?" tanong ko. Tumango siya at ngumiti.

"Mabait naman po si Kuya Zeon at yung dalawang kuya hindi ko pa po nakakausap," medyo natawa ako ng sabihin niya na mabait si Zeon. Tiningnan ko naman si Zeon na parang nahihiya dahil kahit medyo madilim ay nakikita ko ang pamumula ng tenga niya.

"Anong oras na?" tanong ko.

"4 AM, Ate Irene," sagot ni Veronica. Tumango nalang ako at pumikit. Medyo masakit pa kasi ang ulo ko kaya matutulog muna ako ulit.

"Nica, dun ka muna sa kwarto ko. Ako na muna magbabantay," napamulat naman ako ng mata dahil sa sinabi ni Zeon. Nica? Okay lang at masyado ding mahaba ang Veronica.

"Sige po, Kuya," sabi ni Veronica at tiningnan ako. Tinanguan ko siya at nginitian naman niya ko.

"Black door, Nica," sabi pa ni Zeon bago makalabas si Veronica. Oo nga pala, binago nila ang kulay ng mga pintuan ng kwarto nila. Yung tatlong guest room sa left side ng bahay naging kwarto na nila.

"Medyo malapit ka kay Veronica ah," sabi ko dahilan para mapalingon siya sakin.

"Akala ko ba matutulog ka na ulit?" natawa nalang ako at pinikit na ulit ang mata ko. Pero bago ako tuluyang makatulog may naramdaman akong dumampi sa ulo ko at may narinig din akong binulong niya.

"Sweet dreams. . ."

Dugdug dugdug

*****

I woke up because I kept hearing Steve's voice. I looked around and feel the temperature of my body. It seems like I'm okay now. Umupo ako at chineck ang cellphone dahil tunog din ito ng tunog. Nang tingnan ko ang screen nanlaki ang mata ko dahil ang daming missed calls and texts from Marco, Stella, and Director Lee. Medyo nalungkot naman ako dahil walang message si Dad. Oh! I think hindi ko pa nasasabi sainyo na si Director Lee ay boss ko din. Siya ang CEO ng Dream High Entertainment kung san ako nagtatrabaho.

Binasa ko lahat ang texts nila sakin at puro naman pag-aalala at sinabing magpahinga muna ako. Sa mga text naman ni Marco ako natawa. Kasi naman,

From: Marco
Trabaho pa!

From: Marco
Sugurin ko na ba si Stella?

From: Marco
Gising na!

From: Marco
Uy! Uy! Uy! Uy!

From: Marco
Kidding. Just take care of yourself. I hope my messages will make you smile.

Yeah, how sweet of him. Pumasok naman ako sa banyo at nag-hilamos, toothbrush, etc. Nag-ponytail din ako at inayos muna ang kama bago bumaba. Nasa hagdan pa lang ako boses na Steve ang naririnig ko at mula pa ito sa kusina.

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon