Chapter 10: Sweet Kidnapped

111 15 0
                                    

Irene's POV

1 week has passed after that memorable day. At buti nalang talaga sumama yung dalawa dahil maraming nakakilala sakin kahit na naka-mask lang! Nung sinigaw ang pangalan ko nagsilapitan na yung iba. Kahit na konting oras lang yung pag-stay namin sa mall atleast medyo memorable. Katulad nalang nila Raven at Nica. Parehas sila madaldal at si Raven naman hindi talaga pinalagpas yung laro nila sa taken. At nung naglalaro sila ng basketball, nanalo sila Nica at Zeon kaya grabe ang inis ni Raven kay Steve. Hinampas, sinabunutan, binato pa ng bola! Kung hindi ko lang sinaway aba baka nagbugbugan na sila sa mall.

"Hey!" napatingin naman ako kay Stella na pumitik sa harap ng mukha ko. Sinamaan ko siya ng tingin at binalik ang pagkakatitig sa picture naming lima nung kumain kami sa isang Korean restaurant. "Masyado ka atang na-attach sakanila ah?"

"I think because dahil sila ang bumuhay ng bahay," nakangiti kong sabi. Nung wala pa sila sobrang tahimik sa bahay ko. Walang maingay at walang magpapasya sayo. Napatingin naman ako sa salaming nasa harapan ko at tiningnan ang mukha ko. Minsan iniisip ko kung mag-retire nalang ako pero kada iisipin ko ang pagre-retire pumapasok si Dad. Ayokong umasa sakanya kaya nagtrabaho ako.

"Get ready, Irene. Alam kong gusto mo na umuwi," napangiti nalang ako sa sinabi ni Stella. Tama din naman siya. Gusto ko ng umuwi dahil lahat sila inaalala ko. Yung bahay lalo na yung tatlong makukulit. Minsan umiiyak si Raven dahil nga sa pamilya niya pero dinadamayan ko naman.

"Stella, can you give us some time alone?" napatingin ako sa nagsalita at si Director Lee o Boss Lee yon. Tumango naman si Stella at sinenyasan yung iba na lumabas. Tumayo naman ako at niyakap si Director Lee at umupo ulit.

"Mukhang importante ang pag-uusapan natin, Direk Lee, ah?" ngumiti naman siya at umupo sa upuang inupuan ni Stella kanina.

"Alam kong kakatapos lang ng shooting ng movie niyo at alam kong pagod kayo ni Marco pero may nag-request ulit, eh," sabi ni Direk na ikinanganga ko pero agad ko din namang sinara ang bibig ko. "Irene, sana maintindihan mo dahil para rin ito sa entertainment. Alam mo namang ikaw ang gusto ng ibang writer kaya sana pumayag ka."

"Direk, alam kong alam niyo na lahat gagawin ko dahil nagtatrabaho ako sainyo pero tao rin po ako. Napapagod. Nandyan naman po si Fatima Suarez, sikat din naman po siya katulad ko, bakit hindi nalang siya ang kunin niyo?" lintanya ko. Napatango si Direk at huminga ng malalim bago ako tingnan.

"Irene, alam mo naman ang ugali ni Fatima diba? Alam mong pinipili niya ang makakasama niya lagi sa palabas kaya minsan nahihirapan kami sakanya," sabi pa ni Direk. I think I don't have a—No! I have!

"Direk, how about Marco? Alam niyong gusto ni Fatima maka-partner si Marco," sabi ko pero umiling lang si Direk. Aish! Wala na talaga akong choice!!

"Umayaw din si Marco na maka-partner si Fatima dahil nga sa ugali niya. Nung nailabas na ang movie niyo ni Marco marami ang may gusto na magkaron ulit kayo ng panibagong palabas. Maraming tao ang nagustuhan ang chemistry niyo kaya pumayag ka na Irene. Please?" makaawa ni Direk kaya bumuntong-hininga nalang ako.

"I don't really have a choice but to say yes," ngumiti ng malawak si Direk at parang nawala ang lahat ng pagod niya.

"Thank you, Irene!" tumango nalang ako at ngumiti din. "We have a meeting this afternoon at my office with Writer Yu and Marco so don't be late. 3 PM!"

"Okay, okay," umalis na si Direk kaya napasandal ako sa upuan ko. I'm tired but I need to do this for me and for my Dad. Kinuha ko yung cp ko at tinawagan si Daddy na hindi man lang ako kinakamusta. Nakakatampo na ah!

"Hello?"

"Hi, Dad. How are you?"

"Irene?! Damn! Don't call me again!!"

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon