Irene's POV
*Kring! Kring!*
Naalimpungatan ako dahil sa tunog na yon. Kinapa ko ang gilid ng unan ko pero wala don ang cp ko. Kinapa ko naman ang bed side table at nandon nga. Agad kong sinagot ang tawag at walang tingin-tingin sa caller ID.
"Hello?" inaantok kong tanong.
"Irene? Wow ha! 9:00 AM na tulog ka pa rin?! Sige sulitin mo yung araw na 'to dahil sabi ni Direk bukas na bukas simula na ulit. Tandaan mo kailangan niyo ni Marco matapos ang movie bago ang release date. Sige na! May ginagawa pa ko! Ingat and enjoy!" binaba na ni Stella ang tawag at hindi man lang ako hinayaang magsalita ng pagkahaba-haba. Tutal hindi na din naman ako makakatulog, bumangon na ko at agad naligo.
Ilang minuto ang dumaan at natapos na rin ako sa pag-aayos ng sarili ko. Lumabas ako at nakasabay ko pa si Raven na inaantok. Ang cute niya sa messy hair at salamin niya.
"Good morning!" bati ko. Tiningnan niya ko at halatang inaantok pa talaga. Ginulo ko ang buhok niya at tumawa ng mahina. "Matulog ka muna. Bumaba ka nalang kapag gising ka na talaga."
"Salamat. . .Ate. . ." hindi ko narinig masyado ang pangalawa pero hinayaan ko nalang. Bumalik ulit siya sa kwarto niya at ako, bumaba na. Dumiretso ako sa kusina at pansin ko, tulog pa ang lahat kaya ako naman muna ang maghahanda.
"Ano naman ihahanda ko?" tanong ko sa sarili ko. Nakita ko yung box ng pancakes kaya napangiti ako. Ito nalang siguro at paresan ko ng hot choco. Nagsimula na kong maghanda ng mga gagamitin at inayos yung ingredients.
"What are you doing?"
"OMAGASH!!" nabitawan ko yung sandok na hawak ko dahil sa gulat. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Zeon na nakapamulsa at nakatingin lang sakin ng malamig. Kumurap-kurap ako at umayos ng tayo bago siya sagutin. "Cooking some pancakes for our breakfast."
"Okay," yun lang ang sinagot niya at tumalikod na. Huminga ako ng malalim dahil ang bilis ng tibok ng puso ko. Dahil sa gulat siguro. Pinagpatuloy ko na ang paguluto at hinanda ko na din ang hot choco.
"Ano yan?!"
"WAAH!!"
*Sound of broken glass*
"Hala ka! Sorry!" sabi ni Steve at tinulungan akong pulutin yung nabasag na mug.
"It's okay," sabi ko at inayos ang kailangan ayusin.
"Para saan yon?"
"Para sa hot choco niyo," sagot ko at nginitian siya. Baka isipin niyan na galit ako kaya ngiti-ngiti nalang.
"Sorry ulit. Tulugan na kita," sabi niya kaya tumango ako. Inayos niya yung mga pancakes sa plato at ako naman nilagyan ng hot choco ang mga mug.
Nang matapos ako sa lahat-lahat, inutusan ko si Steve na tawagin na yung dalawa. Gising na din naman yung malamig pero yung bata sinabihan kong matulog ulit.
"WOW! My favorite!" masiglang sabi ni Raven at agad kumuha ng syrup niya. Dalawa din naman yung syrup na meron ako. Chocolate at strawberry syrup. Chocolate ang pinili niya.
"What is this?" tanong ni Zeon habang nakaturo sa hot choco.
"Pho—I mean, Zeon, hot choco yan. Di mo alam?" sabi ni Steve.
"Di kasi siya mahilig dyan diba?" sabi naman ni Raven.
"Sorry, I don't know," sabi ko. Malay ko bang hindi pala siya mahilig sa hot choco. Ano kaya iniinom nyan? Gatas? Kape? O tubig lang?
"That's why you need to know before you prepare," natahimik kami dahil don. He's so mean! Siya na nga pinaghandaan parang siya pa ang galit!
"Sorry," yun nalang ang sinabi ko kesa sa makipag-sagutan sakanya.
BINABASA MO ANG
Bad Romance
Teen FictionShe only wants to be love. She only wants to be protected. She only wants to be taken care of. Actions that is not scripted. Words coming from the heart. Feelings and emotions that are sincere. When it will come? How long does she need to wait for t...