Chapter 19: Painful Truth

110 10 1
                                    

Stella's POV

Ang sakit ng ulo ko. Nahihilo pa ata ko ah. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nilibot ang paningin.

"Stella? Buti naman at nagising ka na," naaptingin ako sa nagsalita at nakita si... Steve? Agad akong napaupo pero napatukod ang kamay ko dahil nahihilo talaga ako.

"Bakit ka nandito? Anong nangyari? Nasan si Irene? Si Direk? Nasan sila?" Sunod-sunod kong tanong habang nakatingin sa kaniya. At ngayon ko lang napansin ang suot niya. All black at naka-cap. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Kailangan ko ang tulong mo."

"Ano bang nangyayari?" Naguguluhan na ko dahil sa inaakto niya. Pero may naalala ako. "Yung babaeng nagpanggap na kapatid—"

"Hey, listen to me. Nasa dehadong sitwasyon ang buhay ngayon ni Irene at ng daddy niya. Kailangan ko ang tulong mo para matulungan sila," sabi ni Steve at ngumiti. Isang malungkot na ngiti.

"Gagawin ko lahat para sa kanila," determinado kong sabi. Tumango si Steve at sinabi niya ang kailangan kong gawin. May binigay siyang device sakin at kapag umilaw ito, kailangan kong tumawag ng pulis. At binilinan pa niya akong wag sasama sa mga ito dahil delikado. At kailangan silent lang ang siren ng pulis kundi mas lalong malalagay sa kapahamakan ang buhay ni Irene at ni Mr. Ferrer.

"Follow me, Stella. Don't do anything without my permission," tumango-tango ako na ikinangiti niya. Lumayo na siya at lumapit sa bintana.

"San ka...pupunta?" Inayos niya ang cap niya bago pumatong sa upuan qt tumalong sa bintana. Napasinghap naman ako at napatakbo sa bintana pero agad ding napahinto ng sumulpot ang ulo niya.

"Nga pala, pag balik ko liligawan kita," sabi niya at kinindatan ako bago tuluyang umalis. Nakatunganga lang ako sa bintana at inaantay na magrehistro sa utak ko ang sinabi niya.

Kung totoo man yon, aantayin kita.

Irene's POV

"Ugh..." Ungol ko dahil naramdaman kong nananakit ang buong katawan ko. Napamulat ako ng mata at napansing nasa isang kwarto ako na puno ng...ano 'to? Mga armas.

"Gising ka na pala," boses ng babae. Hinanap ko kung nasan niya at may napansin akong tao na tumayo mula sa pagkakaupo pero nasa madilim siyang parte ng kwarto.

"Sino ka? Bakit ako nandito?" nanghihina kong tanong sa kaniya. Naglakad siya palapit sakin at dun ko nakita ang buong katauhan niya.

"Sister Eleonora, princess," nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Tanga ka ba?! Sa tingin mo maniniwala ako?!" Galit kong sigaw sa kaniya. May kinuha siya at binato ito sa harap ko. Tiningnan ko nama ito at nakita ko ang damit ng isang madre at...at...silicone face mask? Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "SINUNGALING KA!! Manloloko!!"

"Woah, woah. Chill. Hindi mo nga alam ang dahilan kung bakit ko ginawa yan," nakangisi niyang sabi pero ang ngising yon unti-unting napapalitan ng galit. Mabilis siyang naglakad palapit sakin at agad akong sinampal ng malutong. Ramdam ko ang pagkakaroon ng sugat sa labi ko.

"Anong ginawa ko sayo?" seryoso kong tanong pero isa pang sampal ulit ang nakuha ko. Hinawakan niya ng mahigpit ang buhok ko at hinila tsaka siya bumulong.

"Sayo, wala. Pero sa tatay mo, meron," padabog niyang binitawan ang buhok ko at don ko naramdaman ang sakit. Lumayo siya sakin at hinila ang upuan papunta sa harap ko. Umupo siya at nag-crossarms. "Gusto mong malaman ang dahilan? Makinig ka ng mabuti sa bawat salitang babanggitin ko. Gusto kong tumatak 'to sa utak mo."

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon