Chapter 6: Confused

123 14 1
                                    

Irene's POV

"Uhmm. . .hi?" napatingin sakin yung tatlo na busy sa pagkain. Si Steve na may hawak na hotdog at tinapay. Si Raven na may ketchup sa gilid ng labi. Si Zeon, hmmm, medyo maayos naman maliban sa buhok na magulo at halatang bagong gising lang.

"Mowning," sabi ni Raven kaya natawa ako. Lumapit ako sakanya at pinunasan yung gilid ng labi niya.

"Alam niyo na siguro na—"

"Ihahatid ka namin sa XD Entertainment by 9 AM at babalik kami ulit dito then susunduin ka namin by 12 AM," patuloy ni Steve sa sasabihin ko. Napatango naman ako at kumain na. Tiningnan ko yung wall clock at 7 AM pa lang. Pero mas maganda ng umaga kesa sa pagdating ko don eh puro sermon abutin ko.

"Mag-ayos na kayo," sabi ko sabay tayo. Napatingin sakin yung tatlo at parang hindi sila makapaniwala.

"Ate—I mean, Ms. Irene, ang aga pa po," napangiti naman ako sa sinabi ni Raven.

"Gusto niyo ng maaga o sermon ni Stella?" tanong ko. Nang marinig nila yon, binilisan nila ang pagkain. Si Steve na inubos yung hotdog sa pinggan niya. Si Raven na napuno ng ketchup ang labi niya. At si Zeon na nilagok ang kape niya. Nauna pa silang umakyat sakin kaya natawa nalang ako. Gaya ko, ayaw din nila ng sermon ni Stella. Lupet kasi magsermon non eh.

*****

Pagbaba ko ng hagdan, yung tatlo kagad yung nakita ko. Halata mong bodyguard na bodyguard ang dating base sa suot palang nila. Black tuxedo na bagay din naman. Merong isang malikot at naguguluhan sa pagtali ng necktie niya kaya lumapit ako.

"Zeon, ako na," sabi ko. Tinanggal ko muna ang pagkakabuhol-buhol bago ayusin. Hindi ko alam na may mga tao papalang hindi sanay mag tali ng necktie.

Zeon's POV

I'm just looking at her tying my necktie. And now, I admit to myself that she's really beautiful with or without makeup. Oh, inside and outside also. She knows how to give kahit na minsan ay kailangan din niya. And why am I saying this?

♪Sa tuwing namamasdan ka
Parang mundo ko’y nag-iiba
Di alam kung anong aking nararamdaman
Hinahanap-hanap lagi kita♪

"Zeon, ba't namumula mukha mo?"

♪Sa tuwing lumalapit ka
Mukha ko ay namumula
Bakit ba ganito? Nahihiya ako
Tumitibok ang puso sa’yo♪

"ZEON!!"

"H-H-Huh?"

"Pffft this is the first time I see you like this," sabi ni Irene.

♪Pag-ibig na ba ang aking nadarama?
Palaging ikaw ang nais kong makita
Pag-ibig na ba ang sinasabi ng puso at isipan ko
Tinamaan sa’yo
Pag-ibig na ba pag hinahanap ka na?
Pangarap kita at tangi kong ligaya
Pag-ibig na ba ang sinasabi ng puso at isipan ko?
Pag-ibig na ba kaya ito?♪

Umiwas ako ng tingin at umubo ng bahagya. Why am I being like this? Zeon, pull yourself together. Tiningnan ko siya pero wrong move dahil nakatitig siya sakin. Hindi ako nakahinga ng bigla siyang ngumiti.

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon