Irene’s Point of View
“Nahanap na rin kita…”
What? Kaninong… kaninong…
“Nahanap na rin kita…”
Sino 'yon? Kaninong boses 'to?
“Nahanap na rin kita…”Stop it!
“Nahanap na rin kita…”
“Nahanap na rin kita…”
“Nahanap na rin kita…”
No! No! No!
*GASP*
I blinked multiple times while catching my breath. Para akong hinabol ng kabayo sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. B-But wait… where am I? Bakit napapalibutan ako ng puti?
“Doc, she’s fine, right?”
Mahina ang boses na 'yon but I'm sure that it's Stella's voice. Napapikit muli ako ng dahil sa liwanag na biglang tumama sa mga mata ko. Hinayaan ko munang mag-adjust ang sarili ko bago ko maisipang ilibot sa paligid ang paningin ko. Hospital? Why am I lying down right here? And… why am I here?
Sa paglilibot ko ng paningin, I saw Stella, Marco and Direk Lee talking to the doctors. They still didn't know that I'm awake already. Halata mo ang pag-aalala sa mga mata nila.
I'm sorry for making you worry.
“Nahanap na rin kita…”
“U-Ugh…” daing ko ng marinig ko na naman ang boses na 'yon. Naramdaman kong kumirot ang ulo ko kaya napahawak ako rito. May benda.
“Don’t worry. She didn’t get any serious injuries. She’ll be fine after a few rest.”
Unti-unting naging malinaw ang pandinig ko at sigurado na talaga akong nasa ospital ako ngayon. Muli kong tiningnan ang pwesto nila Stella at sa wakas ay nagkaroon na rin ako ng lakas na matawag siya.“Stella…”
“Irene?! Thank God you’re finally awake!” Sigaw niya. Handa na sana akong sugurin ni Stella pero pinigilan siya ni Direk Lee at Marco.
“Behave yourself, manager,” may bahid ng kaseryosohan ang boses ni Direk Lee kaya nag-peace sign si Stella. Nilingon ako ni Direk Lee at hinawakan ang balikat ko. “Do you remember what happened to you yesterday?”
Ano nga bang nangyari kahap—
“Let her go. Hindi siya kasali rito.”
“Go on, kill her.”
“Let’s end this.”
Nanlaki ang mata ko ng maalala ko na ang nangyari kahapon. Sa parking lot! May gulong naganap sa parking lot. Kumirot ang sugat sa ulo ko kaya naman napahawak ako rito at pumikit ng mariin. Dinaig ko pa ang may amnesia. How come na nakalimutan ko sandali ang nangyari kahapon? And that person… who is he para sabihing nahanap na niya ko?
Minulat ko ang mata ko ng maramdaman ko ang marahang tapik ni Direk Lee sa balikat ko.
“I think it’s really good for you to rest first. The follow-up schedules will remain suspended, Stella, also inform the manager of Marco. I’ll inform the crew and staffs. Both of you stay here and don't leave her alone,” tumango kaming tatlo at hinayaang lumabas si Direk Lee kasama si Stella para sabihan ang iba.
“I'm really sorry, Marco, because of me kailangan pa nating ihinto pansamantala ang shootings,” hinging paumanhin ko. But Marco only looked and smiled at me.
BINABASA MO ANG
Bad Romance
Fiksi RemajaShe only wants to be love. She only wants to be protected. She only wants to be taken care of. Actions that is not scripted. Words coming from the heart. Feelings and emotions that are sincere. When it will come? How long does she need to wait for t...