Chapted 16

842 19 0
                                    

Hanna's pov

"Handa ka na bang sabihin sa mama mo?".tanong saakin ni vivian

"Oo".diretso kong sagot!

"Okay lets go na!"

sumakay na kami ng kotse ni vivian para pumunta dun sa isa nyang bahay na kung saan nakatira sila mama.

Oo balak ko ng sabihin kay mama na buntis ako hindi ko na kaya pang tiisin ito dahil sobrang sakit na ng narardaman ko sobrang bigat na.

Ilang minuto ang lumipas ng makarating na kami sa bahay.

"Handa ka na ba? pwede naman tayong mag back out kung hindi-"

"Nakapag desisyon na ako vivian sasabihin ko iyon kay mama!"

"Okay fine fine! lets go pumasok na tayo sa loob!"

Inalalayan ako ni vivian pagpasok sa loob.winelcome din kami ng nga maid nya duon at nakita ko sila mama na nakaupo sa sofa at nanonood ng movie.

niyakap ko si mama mula sa likod at kaagad naman nya akong nilingunan.

"Anak buti naman dumalaw ka tapos na ba ang trabaho mo?!".tanong saakin ni mama,bigla namang tumulo ang luha ko.

kaagad naman ako tumabi kay mama sa sofa at niyapos sya, pati na din ang nga kapatid ko ay niyapos ako.

"Ate dont cry!!".sabi nung kambal

"Oh anak bakit ka naiyak?!".mahinahong tanong ni mama, yung boses nya talaga yung nagpapagaan ng loob ko.

"Ma miss ko na kayo!". naiyak na padin ako habang nakayapos kay mama.

"Miss na miss na miss na din kita anak ko! kami ng mga kapatid mo!!"

nang tumahan ako ay bigla kaming natahimik.

"Ma may sasabihin ako sayo!"

"Ano naman yun anak?!"

"pero wag kang magagalit?"

"Hindi ako magagalit kahit ano pa yan!"

"Buntis po ako!".mahina kong sagot

Niyakap lang ako ni mama at nagsimula na akong umiyak.

tinapik-tapik pa ni mama ang likod ko."Tumahan ka na! ayos lang yan!". ang swerte ko talaga kay mama.

"Oh magpahinga ka na wag na muna natin tong pagusapan! baka mapano ka pa!"

tumango lang ako tsaka pumunta sa kwarto si vivian naman ay niyaya ang mga kapatid ko na maglaro sa garden.

Nagpahinga muna ako at hindi muna inisip ang mga bagay bagay kagaya nga ng sinabi saakin ni mama.

Ilang minuto na ang lumipas at naisip ko na lumabas na ng kwarto. pagbukas ko ng pinto nagulat ako ng makita ko sila dave at dianna.

"Oh bat kayo nandito?"

niyapos nila ako di ako makayuko kaya niyapos na lang nila yung legs ko.

"Hahaha kayo talaga!"

tumingin silang dalawa saakin."Ate kakain na tayo hehe!".sabi saakin ni dianna.hinawakan naman nilang dalawa ang kamay ko at inalalayan sa pagbaba sa hagdan.

nang makarating kami sa dinning room ay nakita ko si mama na nagluluto ng itlog. hehe ang cute talaga ni mama kapag nagluluto ng itlog yung parang batang di marunong magprito pero trying hard.

lumapit naman yung kambal kay mama.

"Mamaaaaaaa!!!". sigaw ni dave, niyapos ni dave si mama sa legs kagaya ng ginawa nila saakin.

"Hoy kayo talaga umalis kayo dito baka matalabsikan kayo ng mantika!".sermon ni mama sa kanila pero di sila nakinig at tumawa lang

"Tinawag nyo baga ang inyong ate?".tanong ni mama

"Opo hehehhee!!" sabi nilang dalawa

inilagay na ni mama ang itlog sa plato at lumingon.

"Oh bat nakatayo ka lang dyan? maupo ka na dito!"

Umupo na ako sa upuan at tinignan ang aking plato wow full service may itlog at gulay tapos abodo hmmm...

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa sofa para manood ng movie aquaman ang pinapanood naming movie at yung kambal amaze na amaze sa movie.

Ilang minuto ay nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya naman pumunta ako ng kitchen at kumuha ng tubig.

di ko alam ay sumunod pala saakin si mama."Oh ma bat ka nandito!". tanong ko kay mama.

"pede ba tayong magusap?".tanong saakin ni mama

tumango na lang ako."Nak kahit anong mangyari nandito lang ako para sayo kahit ano pa ang desisyon mo susuportahan kita!"

niyapos ako ni mama at niyapos ko din sya.

"Ma pwede ko bang matanong kung paano kayo nagkakilala ni papa?!"

"kami ng tatay mo?! naging kasambahay din ako dati para masuportahan ang pagaaral ng aking mga kapatid nuon, isang mayaman na pamilya hanggang sa nakita ko ang tatay mo lagi kami nung nagaaway kase lagi akong inaasar at pinahihirapan"

"talaga ba ma? hindi ko alam na ganun pala si papa!"

"Oo ganun sya pero minsan sweet sya at mabait at lagi nya akong pinagtatangol sa kanyang mga mudrastang kapatid!"

"Bakit ma? anong ibig mong sabihin?"

"eh lagi kase ako inaapi nung nga kapatid nyang babae eh yung papa mo naman lagi akong pinagtatangol sa kanila nahihiya na din ako kase lagi syang napapagalitan dahil saakin!"

"Ang bait pala ni papa!"

"Hanggang sa inamin na nya na mahal nya ako at inamin ko na din sa kanya na mahal ko sya, naging masaya kaming dalawa kaso kailangan naming itago ang relasyon namin dahil nga magkaiba kami!"

magkaparehas lang pala kami ng sitwasyon ni mama pero nakayanan nyang lumaban at mabuhay.

"Kaya wala na akong magawa at umalis na lang sa bahay na iyon!"

bumalik na ulit kami ni mama sa sofa para manood ng movie at yung kambal naman ay talagang manghang mangha sa kanilang pinapanood at si tukmol naman ay ginagaya pa si aquaman.

"Waaasha haaaayyaaaaa, ikaw shokoy mamatay ka na haaaaa!!"

nagsitawanan kami nila mama, haha si tukmol talaga.

Lalaban padin ako kagaya ng pinangako ko sa sarili ko kahit anong mangyari ipagpapatuloy ko pa din ang buhay ko kahit hindi ko sya kasama kahit masakit kahit mahirap lahat ng iyon ay iindain ko para sa anak ko at para sa mga mahal ko sa buhay.

ilang minuto pa lang ay biglang lumapit saamin yung kasambahay ni vivian.

"Maam may bisita po kayo!"

"Bisita sino namab kaya yun? wala naman akong...hmm sino kaya yun?"

"Sino daw yun?".tanong ko kay vivian

"Yaya pwede patanong kung sino sya thank you!"

pumunta naman si yaya sa labas para tanungin kung anong pangalan nung bisita.

nang makabalik si yaya ay kaagad namang itong tinanong ni vivian.

"Sino daw po sya yaya?"

"Dan daw po!"

Si dan? bumalik na sya sa pinas? totoo ba ito or nananaginip lang ako?

Spending 100 Days as a Maid(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon