FOUR

3 2 0
                                    


Inosente ko siyang tiningan habang siya naman ay napamura at marahas na bumuga ng hininga.

"Bakit hindi ka sumasagot?! Look! I'm so damn worried! Bakit kase basta~

"You don't have to worry." Pagpuputol ko. "I'm okay. There is something.." Napalunok ako. "Something I need to fix. " 

He nodded shyly and turned his back on me. I closed my eyes tightly before I stopped his step away.

"I have a favor." Natigilan siya saka bahagyang humarap sa'kin. Ugrh! Paano ko naman kaya sasabihin sakanya?  I bit my lower lip and sighed. "I have. Hm.. Red?" Hindi ko siguradong sagot. Did I say it right? Did he understand? I saw him swallowed hard. "And .. I did not bring anything." Hinawakan ko ang tenga ko.

Tumikhim siya "Ah.. Hmm. Okay." Sabay nagmamadaling umalis. Sinara ko agad ang pinto at napasandal. Fuck! That's embarrassing!

"Who's that girl?"

"Bakit sobra ang pag aalala ni Clint?"

"Girlfriend niya ba iyon?!"

"No! Hindi pwede!"

Napailing nalang ako sa mga naririnig ko. Natututunan nalang ata ng mga estudyante sa school na ito, ang mag tsismisan.

Ilang sandali nagtaka ako sa biglaang pananahimik ng sa labas. Kaya idinikit ko ang tenga sa pinto.

"Aw!" Napalakas na sigaw ko habang hinahawakan ang tenga. Letse! Why is it suddenly knocking?! 

"Drea! What happen?! Are you okay?!" 

I immediately opened the door. "I'm fine."

Pinagmasdan niya muna ang muka ko bago nag aalinlangang inabot ang isang plastic.  I grabbed it immediately and closed the door. Nag init ang aking pisngi nang makita ko ang dalawang klase ng sanitary napkins. Umiiling akong nagtungo sa cubicle.

Inilagay ko sa loob ng bag ang binili niya at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Paulit-ulit muna akong huminga ng maayos bago naglakas ng loob na pihitin ang doorknob. Umalis naman na siguro~

Bahagya akong napatalon nang makita siyang nakasandal sa pader. Nakayuko ang ulo niya habang nakapamulsa. Lumapit ako at nahihiyang nagpasalamat. Umangat ang sulok ng labi ko nang mapansin ang pagkakailang ng kanyang mata.

"Sana hindi mo nalang ako hinintay." Pagbabasag ko sa katahimikan. "Pati tuloy ikaw na late na." Hindi siya kumibo.

I sighed. Nagbaba ako ng tingin sa kamay niya sabay kinuha iyon. Bahagya siyang napaigtad dahil sa ginawa ko. Nakita kong nangunot ang noo niya nang makita ang nilagay ko sa palad niya.

"Ano toh?" He said a little annoyed. 

"100 peso-

"Oo nga!" Umawang ang bibig ko sa tumaas niyang boses.

"Alam mo naman pala bakit nagtatanong ka pa?" Inosenteng sambit ko. Matalim niya akong tiningnan.

"I don't need your money. Okay na sa'kin ang pagpapasalamat mo." He said coldly. 

He returned the 100 pesos in my hand and then left me without saying anything. Aw! Ang harsh ng lolo ah? May period din? Hindi ko naman intensyong mang-offend ayoko lang ng utang na loob.

Nahagip agad ng mata ko si Clint nang makarating ako sa silid. Walang emosyon itong nakaupo habang nakapamulsa. Ngumuso ako.

Mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng bag ko, bago naglakad patungo sa kanya.  Binigyan niya ng espasyo ang dadaanan ko ng hindi man lang nagtatapon ng tingin sa'kin. Kinagat ko ang labi ko.

Made Of Lies (Blue Series) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon