"Ms. EL.. Naisip ko lang.. Mag collab kaya kayo ni Dj C.." Biglang pagsasalita ni Ram."Ba't hindi kayong dalawa, ikaw ang nakaisip." Pagtataray ko, humalakhak naman siya.
Tutok ang tingin ko kay Clint, kahit ano kasing iwas ko bumabalik ang paningin ko sa kanya. Ngayong nasa harapan ko siya't nakikinig sa boses niyang nagpapalambot sa'king puso, gusto ko nalang siyang balikan.
~"Nothing's gonna change my love for you.. You ought to know by now how much I love you.. One thing you can be sure of.. I'll never ask for more than your love."~
"May relasyon ba kayo ni Dj C.. Ms. EL?" Napatikhim ako bigla. "Pansin ko ang kakaibang titigan niyo sa isa't isa.." May panunukso sa kanyang tinig. Iniwas ko tuloy ang tingin ko kay Clint at humigpit ang hawak sa cellphone. Putek naman! Nasan na ba si Kella?
May usapan kaming magkikita rito sa TBB, may gusto raw siyang sabihin. Ngunit matatapos nalang ang kanta wala pa siya. Kung alam ko lang na narito si Clint, sana hindi na ako pumayag na rito kami magkita.
Since I broke up with Clint, lumipat na ako ng tirahan. Tatlong araw na ang lumipas, tatlong araw na ring hindi niya ako nakikita, even though the class has started. Except that I don't really show up, business management na ang kurso ko. Hindi naman ako nahirapan sa klase dahil buong sem-break pinag-aralan ko ang tungkol doon. I just realized that I could not continue the thing that would only make it harder for me.
Walang araw na hindi nagte-text at tumatawag si Clint pero kahit isa sa mga iyon ay wala akong sinagot. Walang araw na gusto ko siyang lapitan sa tuwing nakikita ko siya pero sa tuwing naiisip ko ang dahilan kung bakit ko ginagawa ito, tumatalikod nalang ako.
~"Nothing's gonna change my love for you.. You ought to know by now how much I love you.. The world may change my whole life through but.. Nothing's gonna change my love for you."~
Hindi na ako mapakali nang matapos na ni Clint ang kanta, ibig sabihin lang kase nun siguradong lalapitan niya ako. Lumabas ako ng TBB at inis na tinawagan si Kella.
"Hey Kella! Where the hell are you?" Lalo akong napasimangot nang hindi siya sumagot. "Kella? Where~
"I'm sorry, Light.." Iyon lang at namatay na ang tawag. Sumama ang tingin ko sa cellphone nang ibaba ko iyon. What the fuck is that?
"Bae."
Mariin akong napapikit nang marinig ko sa pamilyar na boses iyon. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Humakbang ako paalis nagpanggap na hindi siya narinig ngunit mabilis niyang hinawakan ang braso ko at pinaharap niya ako sakanya.
"Let's talk.. Just for a second." Maingat na tinig niya.
Binawi ko ang braso ko at walang emosyong tiningnan siya. Kahit na nanlalambot ako sa nakikita kong nahihirap niyang itsura.
"We're done.. Kaya wala na tayong dapat pag usapan pa." Umiling siya saka pilit na hinuhuli ang kamay kong pilit ko ring nilalayo.
"Alam kong nahihirapan ka lang sa sitwasyon.. Alam kong maraming gumugulo sa isip mo.. Alam kong hindi~
"Wala kang alam.." Bumagsak ang kanyang balikat, nagpasikip iyon lalo sa dibdib ko. "Buo na ang desisyon ko Clint. Kahit ilang beses mo pang hilingin na mag usap tayo. Wala ng magbabago."
Tumulo ang kanyang luha, nag iwas agad ako ng tingin. "W-hy it's so easy to you to just break up with me?" Hindi ako nakakibo.
"Look at me, Light.." Sinunod ko naman iyon. Nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata. "Are you sure about~