TWELVE

6 2 0
                                    


Malapit na ako sa apartment nang pakiramdam ko'y may sumusunod sa'kin. Huminto ako sa paglalakad sabay yumuko para ayosin ang sintas ng sapatos ko ngunit ang totoo upang silipin lamang ang nasa likuran ko.

Palihim akong umiling dahil nahuli ko siyang nagtago sa poste. Umayos ako ng tayo sabay muling maglakad at nilampasan ang apartment ko.

Bniilisan ko ang aking pag lalakad kaya ganoon din ang kanyang ginawa. Lumiko ako sa isang iskinita at agad na nagtago sa sulok ng poste.

Tahimik akong naghintay. Nang matapat siya sa'kin mabilis kong inipit ang kanyang leeg gamit ang braso ko sabay walang kahirap-hirap na pinagpalit ko ang pwesto namin. Dinikit ko siya sa pader at kinuwelyuhan.

Ngunit binitawan ko rin agad iyon nang makita ko ng tuluyan ang kanyang muka, wala sa sariling umurong ako. Yumuko naman siya at umubo.

"Why are you following me?" I asked without emotion. He looked up as he caught his breath. 

"G-usto ko lang makitang safe kang umuwi." Kumunot ang noo ko.

"Really?" Sarkasmo kong sambit. "Ano ka stalker? Tinakot mo ako. Ang creepy kaya niyon." Biro ko ngunit ang aking isipan ay paulit-ulit na siyang minumura.

Gusto kong kiligin sa sinabi niya ngunit alam kong kasinungalingan lang iyon, I knew he had another reason. Nagsisinungaling siya dahil nakita ko kung paano siya nataranta kanina nang hindi niya ako makita. What are you really up to, Clint?

"I'm sorry." Umayos siya ng tayo habang ang isang kamay niya'y nakahawak sa leeg niyang namumula. May pasunod-sunod pa kasing nalalaman. Yan tuloy ang napala mo.

"Pero ang sakit ah! I did not expect that. Ang bilis mo! You seem to be very good at it." Wala sa sariling sambit niya. Natahimik ako. Mahina siyang tumawa. "That's good you know how to protect yourself." At tipid itong ngumiti. I cleared my throat.

"Why?" His eyebrows rose. "I just wondering, why do you have to hide?" Tinutop niya ang kanyang bibig.

"Ahm." He scratched his nape. "Kase alam kong hindi ka papayag na ihatid kita, kaya ayon palihim nalang kitang sinundan." Tinitigan ko siya, hinihintay na magsabi siya ng totoo. "Fine!" Pagsuko niya. "I really want to see you safe, but I have another reason." He sighed. "I'm worried about what Dion said earlier." Binitin niya sa ere ang kanyang salita.

"What did he say?" Tanong ko nang makitang wala na siyang sasabihin. Iyon siguro ang sasabihin niya kanina.

"It doesn't matter. I'll take care of it." Sabay nag iwas ng tingin kaya sumimangot ako.

"Ano nga ang sinabi niya?!" Bahagya siyang napalundag sa sigaw ko kaya bumuntong hininga ako. "Ano nga kase ang sinabi niya?" Kalmado ko ng sambit. He took a deep breath and then looked me in the eye seriously. 

"He said that he wants to court you." I could see the darkness of his emotions. "Oh! You don't seem surprised?" I looked away.

"He already told me about that. I thought he was just really joking." I looked back again. "And then what else?" Umawang ang kanyang bibig na agad niya ring tinikom.

"And he told me na gusto niyang tulungan mo siyang sagutin ang kanyang math assignment. Bakit tutor ka ba niya?" Kumuyom ang kanyang kamao.

Natawa ako sa narinig ko at palihim na umiling dahil kung ano na naman ang pumasok sa utak ko.

"Why are you laughing?" Masamang tingin ang pinukol niya sa'kin. Umiling ako sabay hinawakan ang braso niya at hinila siya. Bahala na.

Made Of Lies (Blue Series) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon