FIVE

3 2 0
                                    


"Don't just stand there." Walang ganang sabi ko habang hinihila ang upuan.

Kumunot saglit ang noo niya bago nakangiting naghila rin ng upuan. Sinabi ko sa kanya ang kondisyon, ang kondisyong ginamit sa'kin ni Andra. Walang naging problema sa kanya iyon.

Pinasadahan ko ng tingin ang notebook niya, kumunot ang noo ko. Pareho lang kami ng pinag-aaralan?  Pinag-walang bahala ko nalang iyon at nag umpisa ng turuan siya. Baka nagkataon lang.

Iniiwanan ko siya sa tuwing may dumarating na costumer. Nakatutuwang nakikita siyang seryoso sa kanyang ginagawa.

Habang pinapaliwanag ko kung paano niya sasagotin ang huling numero ng assignment niya, naramdaman ko ang titig niya sa'kin. Kaya inis kong binitawan ang hawak kong ballpen at seryosong nag angat ng tingin sakanya.

I really don't have the patience for such things, I don't even know why I even agreed to help him. Maybe I used to see myself in him. 

"Hey! Dion! Stop staring at me."

"Oh! Sorry." Kagat labing binalik niya ang tingin sa notebook."Drea, do you have a crush?" Pagsasalita niya habang nilalaro ang ballpen na hawak.

Bakit naman pumasok sa kukute niya ang tanong na yan? Napansin niya atang hindi ko sasagotin ang tanong niya kaya nag angat siya ng tingin.

"Ba't may gusto kang iba.. Pinayagan ba kita?" Seryoso niyang sabi.

Umawang ang bibig ko't nag umpisa ulit na mawirduhan sa kanya. Mahina akong bumuntong hininga saka tumingin sa notebook niya.  Ipupukpuk ko na talaga sa ulo niya ito! Isa nalang ang sinasagotan, pinapatagal pa.

"You're talking nonsense, Dion."  I seriously said, he just laughed. 

He nodded slowly and rolled his eyes at the notebook. I was just shaken and then lazily started teaching again. 

A few seconds later, he gently held my hand on the table which I jumped slightly. 

"Drealyn." Nanlaki ang mata ko ako sa kakaibang tawag niya sa pangalan ko. Tumikhim ako saka nilayo ang kamay ko sa kanya.

"I told you call me Ate." Medyo nakaramdam ako ng pagkakailang.

I quickly stood up and violently withdrew my hand he held again, but he immediately held my wrist tightly. My breathing is getting heavier, I will definitely lose myself in a few moments.

"I think I like you." Natatawang napaawang ang bibig ko. Anak ng teteng! "No.. I like you."

I was about to scream at him but I immediately turned around when I heard something fall. My eyes blinked when I saw Clint, I saw his dark look at Dion. 

Hinigit ko ang kamay ko kay Dion at dali-dali ng nagtungo sa counter. Lihim kong sinulyapan si Clint, natigilan ako nang makita ang talim niyang tingin sa'kin. Hala siya!

"Twenty pes~

I was surprised when he dropped 20 pesos coins in front of me and violently took the bottled water. What the! Kunot noong sinundan ko siya ng tingin, nakapamulsa itong naglalakad palabas. Ano bang nangyayari sa lalaking iyon?

Bumuga ako ng hangin nang makita kong nasa harapan ko na si Dion.

"I really like you, Drea." Malambing niyang aniya.

"I like you too, Dion." Deretsong sabi ko. Nagliwanag ang mata niya. "Pero bilang kapatid lang."

"Kapatid?! I don't need that, Drea!" Sigaw niya. "I would never be your brother! I want you to like me the way I like you!" Sabay padabog na umalis. Aba! Demanding!

Made Of Lies (Blue Series) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon