Pabalikwas akong nagising saka hinabol ang hininga. Nasilayan ko ang napakadilim na paligid. Wala sa sariling dumapo ang aking kamay sa pisngi, ganoon nalang ang pagtataka ko nang namataan ang pamamasa non.I forced myself to remember my dream but I did not remember anything. So I decided to just ignore it and let my cheek dry out. Saglit akong natulala bago nagpasyang magtungo sa banyo.
Mabilis kong tinapos ang aking pagligo at pag aayos sa sarili dahil simula sa araw na ito, ako'y magbabago. Ngunit nakatatawang isipin na ang tinutukoy kong pagbabago ay siya namang magiging dahilan ng hindi ko pagiging totoo.
Kasinungalingan, ang salitang uukit ngayon sa'king buong pagkatao. Ito ang bagay na ayokong maghari ngunit ito lamang ang magtutupad sa kanyang kahilingan.
Kaunti nalang iikot na ang mga mata ko dahil sa mga bubuyog na lantarang nakatitig sa'kin. Bahagya nalang akong napailing. They really exist, huh?
I can say that there is nothing wrong with me. Sadyang makikitig lang ang utak nila pagdating sa pagtingin ng itsura.
Matatawag na ba akong kakaiba kung natatakpan ng buhok ang aking mga mata, na kayumanggi ang aking balat at malayo ang pananamit ko sa pananamit nila?
Hindi ko alam kung ngayon lang ba sila nakakita ng ganito o sadyang mapanlait talaga ang mga mata nila.Ilang beses na akong bumuga ng hininga dahil sa nakikita kong pag iwas nila sa'kin, sa paraan pang akala mo may dala akong nakakahawang sakit. Kulang sa aruga ang mga peste! Sila ang mga salot sa lipunan, dapat sa mga ito nililibing ng patiwarik!
Bumuntong hininga nalang ako't hinigpitan ang pagkakahawak sa mga libro.
Buo na ang pasya ko, wala ng dahilan para tumalikod ako. Kailangan ko lang ang matinding pagpapakalma sa sarili, upang ang kahilingan niya ay tuluyan kong matupad.
The heat immediately rose in my head as I fell hard on the floor. I already had in my brain what I wanted to do to that person but I just chose to smile with my fist and calm myself. Calm your fucking self! This is what she wants, don't ruin it.
Lungkot at pagkainis ang hindi ko maiwasang maramdaman para sakanya. Lungkot dahil mag isa niyang ininda ang lahat at pagkainis dahil hinayaan niyang maranasan ang bagay na iyon. Ngunit hindi ko rin maiwasang sisihin ang sarili dahil nagkulang ako sa pagprotekta sakanya.
Walang ganang pinulot ko ang tatlong libro. Hinayaan ang tawanan nila. Kung papaandarin ang imahinasyon, ito ang perfect scenario. Kung saan may biglang tutulong sayong nilalang na hulog ng langit sa kakisigan. At sa titigan niyo'y mauuwi sa pag iisang dibdib. Naks! Mala-teleserye at libro lang ang ganap. Cringe!
"Walang tubig diyan, girl. Why are you diving?" Natatawang sambit ng babae na pinagbuntong hininga ko nalang.
Wag niya lang talaga maisipang magsalita ulit dahil ang nangangati kong kamao ay dudupa na talaga sa nguso niya.
Nakakalokong ngisi ang hindi ko naitago nang makatayo ako. Just bring it on! I am ready to enjoy the hell from all of you.
Kasabay ng paghakbang ko ang malakas na hiyawan. Iyon ang nagtulak sa'king bilisan ang paglalakad dahil malapit ng maabot ang dulo ng pagtitimpi ko.
Ang inaakalang nakaiwas at wala na, napakalaking impossible iyon dahil ang nangyari kanina ay umpisa palang.
Saglit akong pumikit at nang magmulat, puting pinto ang nakita. Ito ang silid na sasaksi sa lahat ng aking mararanasan. Maaaring masayang karanasan o kapahamakan.
Nag umpisang manginig ang kamay ko, kung kanina'y abot sa ulo ang inis ko ngayon ay biglaang takot ang naramdaman ko, takot para sa maaaring magawa ko sa mga taong nasa paligid ko.