RSB : 1- Planned

61 0 0
                                    

Planned

KULAY KAHEL NA ANG PALIGID AT HINDI NA MAALINSANGAN ANG HANGIN.

Unang araw ng ojt naming Senior high ngayon at nasa jeep na kami papauwi sa kaniya-kaniyang bahay.

"Ba't ka namba-batok?!" singhal ni Emily ang pinaka-maingay na kaklase namin.

Madaldal at ang lakas tumawa. Siya ang usual bullied  sa room dahil, wala, siya talaga ang madalas na i-bully sa section namin. Kumbaga, masarap siyang pag-tripan.

"Ang ingay mo kasi! Nakakahiya kang kasama!" pabalik namang ungot ni Gab. Ang awesome jerk namin sa klase.

Pogi at matalino kaya lang harsh and bully. Sobrang bad news siya para sa mga taong makakasalamuha niya. Walang sinasanto, lahat kinakalaban niya. Mostly, favorite victim niya si Emily.

"Bwisit ka talaga! Paki mo ba kung maingay ako?! Napakasama mo kahit kailan!"

"Thank you." Isang batok ulit ang iginawad niya kay Emily saka humalakhak.

Nagtawanan na lang kami.

"Hindi na ako mabibigla kapag naging kayo balang araw," giit naman ni Stephen na nasa tabi ko.

Ito naman 'yong typical boy. Makulit, babaero at pang-asar. Malakas ang dating kaya medyo mahangin din.

"Pre, sumpa ba 'yon?" ani Gab na nakangiwi.

"'Di, bagay nga kayo eh, 'di ba, Kate?" tatawa-tawang sabat ni Clark saka nakipag-apir kay Kate na naka-bungisngis sa tabi niya.

"Tangina mo, Clark!" Gab. Nag-taas siya ng middle finger saka tumawa.

Muli kaming nagtawanan.

Hindi na ako nahihiya sa ingay namin dahil halos ganito kami lagi kapag magkakasama sa iisang jeep.

"Inaantok na 'ko," bulong ni Angelica na siyang nasa kanan ko.

Bali siyam kaming magkakasama ngayon. Apat na lalaki at limang babae.

Si Angelica, ang mataray at moody na kaibigan ko pero mabait at caring 'yan.

Si Jessa, girl version ni Stephen. Makulit at maingay pero unlike Steph na babaero, hindi naman playgirl si Ysa.

Si Saira, ang mahinhin at tahimik sa mga kasama ko. Malumanay ang boses at medyo masungit.

"Jess, tingnan mo 'yong abandoned building na 'yon," ani Angelica na akala ko ay tulog na. Nakadungaw ang ulo niya sa bintana at pinagmamasdan ang building sa gilid ng kalsada. "Creepy, gahd!"

Napansin kong tumigil pala ang jeep sa tapat nito at may isang lalaking sumakay. Mukhang kaedaran lang namin siya. Naka-tali ang tuktok ng buhok niya at may suot na bilog na salamin.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya nang bigla siyang lumingon sa 'kin. Tumitig na lamang ako sa building na itinuturo ni Angelica.

Walang bahid ng pintura, tipikal na itsura ng isang abandunadong building. Luma at madilim. Hindi ako natakot sa tanawin na 'yon pero may kakaiba sa pakiramdam habang tinititigan ko ito.

Umandar nang muli ang jeep at nagsimula na namang mag-ingay ang mga kasama ko.

"Parang magandang mag-paranormal activity ro'n, Jess, 'no?" ani Angelica.

"Oo nga, 'yong parang sa movie lang. Tapos may multo sa loob!" eksahiradong sang-ayon ko naman.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Stephen, "Mga baliw, kakapanood niyo ng kung anu-ano!"

"What if pumunta tayo sa building na 'yon?" pabulong na giit ni Emily.

"Muntanga!" Gab sabay gulo sa buhok ni Emily.

Road Side BuildingWhere stories live. Discover now