RSB : 3 - Some secret

24 0 0
                                    

Some secret

MALAKAS NA KALABOG ANG LALONG NAGPA-KABA SA AMIN.

Sa silid kung saan huli naming nakita si Kate ay tila bumagal ang lahat.

Halos walang gustong gumalaw o makagawa ng ingay. Nagpapakiramdaman lamang kami at pilit pinapatatag ang loob.

Mula sa sinag ng buwan at maliliit na ilaw na dulot ng flashlights namin na tumututok sa mga gamit at bagay sa paligid na sira-sira at halatang pinaglipasan na ng maraming panahon. Kahit gabi ay naaaninag pa rin naman namin ang lahat.

"Kate?" umalingawngaw ang pinong tinig ni Angelica. "Asan ka na? 'Wag mo nga kaming ginu-good time! Lumabas ka na, pwede?!"

Pero walang Kate na sumulpot o kahit boses man lang niya.

Bumugso ang malakas na hangin kasabay nang muling pagkalabog sa kung saan.

"Kate, is this a prank? Hindi nakakatuwa." Gusto kong ma-inis sa 'di malamang dahilan. Marahil na-iinis ako kasi nakakaramdam na ako ng takot o dahil pinipilit kong maniwala na biro niya nga lang ito kahit alam naming lahat na si Kate ang taong walang sense of humor kaya hindi siya marunong mag-joke.

Biglang nalaglag ang isang malaking bakal malapit sa pintuan kaya napa-sigaw kaming lahat. Kasunod niyon ang nakakabinging sigaw mula sa kung saan.

"SI KATE!" ngali-ngaling sigaw ni Gab saka nagtatakbo palabas.

Mabilis na sumunod si Angelica pati na rin sina Emily at Jessa.

Susunod din sana ako pero may naapakan akong maliit na bagay. Isang kwentas, ito 'yong kwentas ni Clark.

Napalingon ako sa paligid pero tanging si Saira at Stephen lang ang nandito.

"Sumunod na si Clark kina Gab. Baka nalaglag niya 'yan," malumanay na pahayag ni Saira.

"Tara na, Jess." Lumabas na si Stephen kasunod ni Saira.

Ibinulsa ko muna ang kwentas.

Nakaka-isang hakbang pa lang ako nang tumunog ang tila kahoy na malapit ng mabali.

At sa isang iglap, puma-ilanlang ang sarili kong sigaw sa kabuuan ng silid.

Bumigay ang kina-tatayuan kong sahig at diretsong nahulog ako sa butas.

Malakas ang naging bagsak ko na siguradong ano mang oras ay mawawalan ako ng malay.  Tila lubak-lubak na sahig ang nilandingan ng likod ko. Sobrang sakit ng ulo ko at mahapdi ang mga braso.

Mariin akong nakapikit habang ini-inda ang pagbagsak ko.

Dahan-dahan akong tumagilid at pagkuwan ay nag-mulat.

Ang nabitawan kong flashlight ay nasa may ulunan ko at nakatutok lamang sa isang direksyon at sa parteng iyon ay tila gusto ko na lang himatayin.

Maraming bungo at kalansay ng tao, maraming-marami!

Kahit nananakit ang katawan ay madali kong hinablot ang flashlight saka ay marahang bumangon.

Bakit maraming bungo at kalansay ang nandirito?

May kumalampag sa kabilang dulo ng kinaroroonan ko kaya napasigaw ako pero may kamay na tumakip sa bibig ko, malamig na kamay!

Lalong gusto kong sumigaw. Multo, 'yon agad ang naisip ko.

"Shhhhh..." malalim at tila alingawngaw na bulong ng taong nasa may likuran ko.

Sa sobrang kaba, takot at halo-halong pakiramdam ay tuluyan na akong naiyak.

Pilit kong tinanggal ang kamay sa bibig ko at hinayaan niya naman ako. "Please...l-lumayo ka..." pagmamakaawa ko.

"Sabi kong huwag na kayong tumuloy. Mga matigas ang ulo!" ani ng taong nasa likuran ko.

Dali-dali kong ini-angat ang ilaw at itinutuok sa kaniya. Saktong sa mukha niya ito dumapo. "I-ikaw? Anong ginagawa mo rito?"

Gaya nang una kong kita sa kaniya. Nakasuot pa rin siya ng bilog na salamin at nakatali pa rin ang tuktok ng buhok niya. Siya nga, 'yong lalaki sa jeep kahapon.

"Umalis na kayo. Umalis ka na." Tumayo siya at blangko ang mukhang dumungaw sa 'kin. "Mapapahamak kayo. Mapapahamak ka."

"A-ano? Bakit? Bakit mo nasabi 'yan?" Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Nagtataka ako kung bakit narito siya.

"Umalis ka na!"

Napatakip ako sa tenga dahil sa sigaw niya.

Kahit nahihirapan ay pilit akong bumangon. "Pa'no ako makakalabas dito?"

"Follow me." Nauna siyang naglakad kaya iika-ika naman akong sumunod.

"N-nakita mo ba 'yong mga kasama ko? Teka, ba't nga pala maraming kalansay? Anong nangyari dati rito?" habol ang hiningang tanong ko sa kaniya. Masakit talaga ang likod ko at mga braso.

"Shut up." Mabilis ang lakad niya kaya nahihirapan akong makasunod. May mga naaapakan din akong mga tuyong sanga at kung anu-anong nakakalat.

Maya-maya ay tumigil siya sa tapat ng maliit na hagdanang gawa sa kahoy. "Diyan ka lumabas. Huwag mo nang hanapin ang mga kasama mo. Don't be fool."

Tumitig ako sa hagdan pataas. May isang butas doon na kasya ang katawan ng tao. "A-anong part ng building ang bubungaran ko?"

Walang umimik. Kaya nang ibaling ko ang tingin sa kaniya ay wala na siya ro'n. Bigla akong kinilabutan.

Kahit nanginginig ay nagsimula na akong umakyat sa hagdan. Sa bawat hakbang ko ay lumalangitngit ito at naglilikha ng nakakatakot na tunog. Hanggang sa mai-angat ko ang aking ulo sa daanan.

Nagimbal ako sa malabong tanawin na bumungad sa 'kin.

"Y-Ysa?" halos hangin na lang ang lumabas sa bibig ko.

May isang taong hila-hila ang katawan ni Jessa habang nakatali ang mga kamay at paa nito, may busal ang bibig at kitang-kita ko kung paano maghabulan ang luha niya habang hila siya ng taong 'yon.

Tumigil ito sa paghila at tila nakiramdam sa kaniyang paligid. Nagmadali akong yumuko at muling nagtago. Mabilis ang kabog ng puso ko sa takot at pangamba.

Hindi ko na alam kung ano ba 'tong nangyayari.

Sa muli kong pag-angat ng ulo ay wala na si Jessa at ang taong humihila sa kaniya. Takot ang mga hakbang kong may pagmamadali.

Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha. Wala akong ibang magawa kung 'di umiyak.

Mabilis pero maingat ang lakad ko hanggang sa may nabangga akong isang tao.

"Jess?! Sa'n ka galing? Ba't ganiyan ang itsura mo? 'Yong iba?"

"Clark..." Bigla ko na lang siyang niyakap. Nakaramdam ako ng lakas ng loob dahil sa wakas may kasama na ako at si Clark pa. Humiwalay ako sa kaniya at humawak sa damit niya. "Sa ilalim...maraming, maraming kalansay ng tao. Clark, ayoko na rito! Umalis na tayo!" Niyugyog ko siya.

"G-galing ka sa ilalim? M-may kalansay?" Nagbago ang ekspresyon niya. Tila nabagabag at tuliro. Bigla niyang hinawakan ang likod ng ulo ko saka ako niyakap.

Matangkad si Clark. Hanggang balikat niya lang ako.

"'Yong mga kasama natin, hanapin natin sila," sambit ko pero hindi siya umimik. "Si Kate? Nahanap niyo ba?"

"H-hindi ko alam. Napahiwalay ako sa kanila."

"'Yong lalaking nakasalamin, nakita mo ba siya?"

Lumayo siya sa 'kin saka hinawi ang gulong-gulo kong buhok. "Lalaking naka-salamin? Wala tayong kasamang naka-eyeglasses, Jess." Naka-kunot ang noo niya at halatang naguguluhan.

"Pero──"

"JESS! Clark!" biglang dating ni Emily. "Si Y-ysa..."

"A-anong nangyari sa kaniya?" nanumbalik ang kaba ko kasabay ng pag-alala sa nakita ko kanina.

"May bigla na lang kumuha sa kaniya."

Road Side BuildingWhere stories live. Discover now