RBS : 4 - Longest night

19 0 0
                                    

Longest night

KUNG ALAM KO LANG NA MAGKAKAGANITO, EDI SANA HINDI NA LANG KAMI PUMUNTA.

"Ems, sabihin mo, s-sinong kumuha sa kaniya?" garalgal ang boses ko dahil sa kaba.

"Hindi ko alam! Hindi ko alam!" frustrated ang tono niya na tila nababalisa. Umiiyak din siya at palingon-lingon sa paligid. "Itim ang suot niya! May itim na face mask at itim din na sombrero! May dalang butcher knife! Arghh!" Gulong-gulo na rin ang buhok niya at madumi ang puting damit.

"Oh God...si Angel? Si Sai saka sina Gab nasaan?" Hinawakan ko ang balikat niya at pinapatahan.

"Hindi ko sila nakita! Nagkahiwa-hiwalay kami nang umatake 'yong taong naka-itim!"

Narinig ko ang mahina pero matigas na pag-mura ni Clark. "Hahanapin natin sila," aniya saka ay humawak sa pulsuhan ko.

***

TAGAKTAK ANG PAWIS AT HINIHINGAL NA NAPAHAWAK SA KANIYANG TUHOD SI ANGELICA.

Kanina pa siyang tumatakbo at hindi na niya alam kung nasaang parte na siya ng abandoned building.

Ngayon niya lang din napagtanto kung ga'no ito kalawak.

Ni hindi niya rin alam kung bakit siya tumatakbo. Kanina kasi ay biglang nag-sigawan sina Emily at Jessa pagkatapos ay nagsi-takbuhan ang mga ito at basta na lang din siyang nanakbo kahit wala siyang ideya sa nangyayari.

Nagkahiwa-hiwalay sila at ngayon nga ay natagpuan niya ang kaniyang sarili sa dulo ng walang katapusang hallway.

May isang pinto sa kanan na napansin niya dahil sa luma't inaamag na disenyong nakasabit dito. Pana na may palayok.

Agad niyang nilapitan ang bagay na 'yon at tila napaka-pamilyar nang dating nito sa kaniya.

Sa ilang sandali ay hawak na niya ang kinakalawang na doorknob at tuluyang binuksan ang pinto.

Kaagad niyang itinutok ang ilaw ng flashlight sa loob at muntik na siyang mapa-mura sa gulat dahil sa biglaang pagtalon ng puting pusa mula kung saan. Mabilis itong nagtungo sa nakatiwangwang na bintana at naglaho ro'n.

Mahinang hakbang papasok at saka'y inilawan ang kabuuan ng silid.

May maliit na kama rito na may nakatambak na mga lumang kumot at sapin, sa tabi ay may dilaw na monobloc chair at may nakapatong ditong nakataob na picture frame. May basag na salaming nakakalat sa sahig at yuping bola sa gilid. Maraming agiw at sapot ng gagamba sa kisame.

Muli niyang binalikan ang upuang may framed picture. Nang pupulutin niya ito ay biglang kumalabog ang pintuan at tahasan itong sumara.

"Kate?!" anas niya nang makita ang taong dahilan ng ingay.

Pinandilatan siya nito at sinenyasan na 'wag maingay. "Nandiyan lang siya, 'wag na 'wag kang gagawa ng ingay." Umiling-iling pa ito na tila balisang-balisa.

Mariin siyang napahawak sa flashlight at pagkuwan ay lumapit sa lalaking magulo ang buhok, may dugo sa balikat at mukhang tuliro. "W-what happened to you, Kate? Ba't bigla ka──" Hindi niya natapos ang sasabihin ng bigla siya nitong hablutin sa braso at mahigpit na yakapin.

"H-hindi! Hindi pwede!" marahas na bulong nito na nagpabagabag sa loob niya.

"K-Kate, what's wrong?" kabado ngunit pilit niyang pinapatatag ang sarili.

"Si──"

"KATE?! DAMN YOU! ALL THIS TIME DITO LANG PALA KITA MAHAHANAP?!" sigaw bigla nang kadarating lang na si Gab.

"I m-messed up..." ani Kate na naka-yuko. Magkatabi sila ni Angelica na naguguluhan pa rin sa nangyayari.

Magsasalita pa sanang muli si Gab ngunit bumulabog na naman ang nakakakilabot na sigaw.

"Hell! Not again!" Gab at tumakbo na ito palabas.

Sumunod naman ang dalawa at mabilis na tinungo ang pinanggalingan ng sigaw.

Nang makababa sila ay narating nila ang likod ng building. May swimming pool doon na wala ng tubig at halos mga tuyong dahon na lamang ang umuukupa. Ni-lulumot at maraming sanga ng kahoy ang nagkalat.

Sa gilid ay naroon si Saira at walang malay na nakasubsob sa damuhan.

"Sai! Gising! Saira?! Damn it!" Pilit nila itong ginigising hanggang sa umungot ito at dahan-dahang nagmulat ng mata.

"Si...si Stephen... nasaan siya?" hinang-hinang saad nito.

"Hindi namin siya nakita. Anong nangyari sa 'yo?!" ani Gab na alalang-alala.

"May tumulak sa 'kin..." Umangat ang mukha nito at tumingala sa itaas na bahagi ng building.

Sinunod nila ang tinitingnan nito at gano'n na lamang ang gulat nila sa nakita. Sa ikalawang palapag, mula sa terrace ay may taong naka-itim na hooded jacket, itim na face mask at sombrero. Kanina ay tila pinagmamasdan sila nito at nang mapatingin sila ay bigla itong naglaho sa dilim.

"S-sino 'yon?" garalgal na tanong ni Angelica. Napakapit na rin siya sa braso ni Kate na tahimik lang sa tabi.

"Siya! Siya 'yong tumulak sa 'kin!" tarantang pahayag ni Saira.

Naka-upo na ito sa damuhan at nakangiwing ini-inda ang sakit ng katawan.

"Saan ka niya tinulak?" Gab.

"Doon mismo sa kinatatayuan niya kanina."

"Ang taas no'n! Okay ka lang?" Nag-squat naman si Angelica sa harap ng dalaga.

"Hindi ako sigurado pero parang...parang may sumalo kasi sa 'kin kaya hindi ako masyadong nasaktan sa pagbagsak ko..." tila nahihiwagaan din ito sa nangyari.

"Are you...serious?" bulong na tugon ni Gab na 'di rin makapaniwala sa sinabi.

"GUYS!" bumungad sina Jessica, Emily at Stephen na pare-parehong pagod ang itsura.

Si Jessica ay may mga sugat sa magkabilang braso pati na rin sa pisngi. Samantalang si Emily ay madumi lang ang damit na suot pero si Stephen ay pawisan lamang at hindi naman marumi ang damit.

"Jess, napano ka?" Nilapitan agad ni Angelica ang kaibigan saka sinuri ang sugat.

"N-nahulog──hagdan! Nahulog ako sa hagdan!" tila wala sa sariling sagot nito tapos ay inilibot ang tingin sa kanila. "Si Clark? May humabol sa 'min kanina. Nagpahabol si Clark para makatakas kami! Asan na siya?! 'Di niyo ba nakita?!"

"Jess, kalma. Hahanapin natin siya, okay?" pag-aalo ni Emily rito.

"No. Alis na tayo. Kailangan na nating umalis!" Natuon ang atensyon nila sa lalaking kanina'y tila invisible sa kanila. "Nandiyan na siya! Papatayin niya tayo!" giit pang muli ni Kate.

"Tama si Kate. Kailangan nating umalis dito! We can't die! I can't die! Please guys..." nagsusumamong pahayag ni Saira.

"I agree. This is not a joke anymore. Guys buhay ang nakasalalay dito!" ani Stephen.

"But...Ysa and Clark. Iiwan na lang ba natin sila?" animo'y hindi makapag-desisyong wika ni Angelica.

"One is worth sacrificing than many," diretsahang singit ni Gab pagkuwan ay binuhat si Saira.

"Mauna na kayo." Natigil silang lahat sa matigas na tugon ni Jessica. "I'll look for Clark and Ysa. I can't just leave them behind."

"Jess is right," sang-ayon ni Angelica saka tumabi rito at humawak sa kamay ng kaibigan. "Ysa is our friend and so Clark. Jess can never leave him alone."

"Damn," na-wawalang pag-asang ungot ni Gab at saka ibinaba ang karga-karang si Saira at inalalayan na lamang.

"I'm sorry, I'm being selfish," mahinang giit ni Stephen.

"Thank you guys." Kung kanina'y seryosong-seryoso ang mukha, ngayon ay nakangiti na si Jessica.

Road Side BuildingWhere stories live. Discover now